CHAPTER: 16B

100 10 0
                                    

The Phsychopath Killer

Chapter: 16B  Half Brother

" Saan mo nanaman ba nakuha ang sugat nato.. Hay nako katalagang bata ka hindi ka talaga nag iingat" 

" Aray ko yaya.."

" Hala!Sorry masakit? Nasaktan ka ba? sorry.." Nag aalala agad si Yaya Tesi.

" Hindi po, ya' Practice lang haha."    sinamaan nya ng tingin ang alaga. Kahit kelan talaga. Hindi tuloy maiwasang mag alala ni Yaya Tesi.

Si Yaya Tesi, Sya ang naatasang mag alaga kay Noah. Ngunit  dahil nga sa isang maliit na apartment nakatira si Noah. Hindi sila nag kakasama nito at once a week lamang itong dalawin ang alaga.

Ang masama nga lang , lagi namang  ganito ang sistema kung dadalawin nya ito Laging may galos oh sugat syang naabutan na kinakailangan di naman nyang gamutin .Nakakapag alala tuloy.

"Mabuti nalang talaga hindi nasisira ang pag kagwapo ng alaga ko." 

" Ano ba Yaya hindi nako Baby. hahaha" Medyo nanliit ang mga mata ni Yaya Tesi. Simula bata sya na ang nag aalaga dito. Kaya maski utot nito kabisado na nya.

" teka, teka. Mukang ang bango nang alaga ko ah. Tila May nagugustuhan na ata ah. Sabihin mo sakin Kelan pa?"  Natawa si Noah.

."Nito lang Yaya. Alam mo ilang beses na nyang niligtas ang buhay ko. Sobrang Cool nya" May pag mamalaki sa boses ni Noah.  Sobra talaga ang pag kamangha nya kay Mina.

Kahit pa napatay nito si Spade. Tanggap nya parin ito.. At hindi naapektuhan ang pag kagusto nya dito. Naalala nya tuloy yung sinabi ni Mina kanina.  Hanggang ngayon paulit-ulit pa iyon sa kanyang isipan. Mistulang musika na napakasarap pakinggan.

" wag kang mag alala hindi kita sasaktan."

Hindi nya maiwasang mapangiti. Kahit papaano naging panatag ang loob nya. Pero hindi maiwasang mag alala ni Noah  may nakakita kaya kay Mina na pinatay nya si spade . Masyadong delikado kapag may nakaalam na si Mina ang pumatay dito maari iyong ikapahamak ni Mina. Pero sigurado naman sya na sila lang tatlo ang nasa silid.

" Sir.. L-Luxx.." Si Yaya Tesi halos manginig ito nang makita si Lux.

Mabilis din namang napatingin si Noah sa kapatid nyang mala haring pumasok sa kanyang bahay. Kinabahan agad sya minsan lang ito pumunta dito kapag may importanteng gagawin. Takot din si Yaya Tesi na una di  namang nakapansin sa pag dating nito.

" Nakakaistorbo ba ako?"  Umiling agad si Noah. At yumuko. Natatakot sya sa mga mata ng kapatid nyang si Lux.

" Mabuti naman kung ganun." Bahagya itong lumapit kay Noah. Inilibot pa nito ang tingin sa maliit na apartment ni Noah.
Bago tingnan ang kapatid na nakayuko sa kanyang harapan. Tila takot na takot ito.

Mabilis ding itong namilipit, dahil sa ginawa nyang pag suntok sa sikmura nito. Mabilis din itong inalalayan nang kanyang Yaya.

"Alam mo naman siguro kung bakit ko ginawa yan sayo. Marahil meron akong hindi nagustuhan sayo? Oh Mag nilabag ka sa mga utos ko..."

hindi umimik si Noah. Hindi na sya bago sa
mga nang yayare. Lagi itong ginagawa sa kanya  nang kapatid nyang si Luxx.
At walang syang ibang  magawa kung di tanggapin nalamang iyon. Hindi rin sya makapag sumbong sa ama dahil binantaan din sya ng kapatid.

"Nakausap ko si Gyum, siguro naman alam mo na ang nang yare...?" Isang sipa ulit ang pinakawalan ni Luxx sa sikmura na kapatid na halos mamilipit na.

" Hindi ba sinabi ko sayo, pag sinuntok ka tanggapin mo lang.! Wag kang lalaban!"  Isa pang sipa sa sikmura ang natamo ni Noah. Halos mapaubo na ito.

" Hindi kaba talaga nag iisip hah! Sinusuway mo ba talaga ang utos ko ha!! ngayon ano ang sasabihin mo. ha!" 

" P-patawad k-kuya Hindi napo mauulit"  Ito ang mga katagang sinabi sa kanya ni  Lux na sasabihin nya pag nakakagawa sya nang kasalanan.

" Siguraduhin mo lang dahil kung hindi. Malilintikan ka talaga sakin."  Bigla namang tumunog ang cellphone ni Lux.

" Hello? A- ano? S-sige papunta nako dyan..."  Binalingan nito ng masamang tingin ang kapatid " Hindi pa tayo tapos!..."

Pag babanta pa nito bago umalis.

" N-noah ayos kalang ba.. ha? naku napakasama talaga ng lalaking yun.." Inalalayan nya ang alaga na makaupo sa sofa. Hinang hina na ito.

" Saglit lang ha. Kukuha lang ako ng tubig.. Babalik ako agad."

Tumango si Noah. Kahit hirap na hirap na.
Hindi parin nya matanggap na hanggang ngayon labis parin ang pag kamuhi sa kanya ng kanyang kapatid.Lagi sya nitong sinusuntok sa sikmura. Tila matindu talaga ang galit sa kanya nito. Hindi parin nito matanggap na may kapatid sya sa labas.


Lagi nalang ganito ang buhay ni Noah. Simula nung mamatay daw kase ang nanay nya sya nalang ang naiwang mag isa. At si Yaya Tesi nalang ang gumagabat sa kanya. Mabait naman ang Ama nya sa kanya at maayos ang pakikitungo nito sa kanya pero hindi siya pinatira sa mansyon nila at nag tiis nalang sya  sa apat na sulok na maliit na apartment  na kasalukuyan nyang tinitirahan dahil iyon ang gusto ng Kuya nyang si Lux   siguro dahil ayaw syang makasama ng kapatid sa iisang bahay dahil naalala nito ang lahat dahil anak  sya sa labas ng kanilang ama. Sa huli Si Lux parin ang nasunod.  Pero mabait din naman ito para kay Noah.


May tinatago paring bait ang kapatid nya   dahil sya din ang nag papaaral sa kanya sa Hanlim . Sya din ang nag babayad sa gastusin sa bahay. Kung tutuusin mabait paring maiituring  si Lux para kay Noah.
Mahal na mahal nya ito bilang kapatid sana dumating ang araw na matanggap na sya nito. At hindi  na ikahiya bilang kapatid mula sa kabit nang kanyang ama.


Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon