CHAPTER: 17B

111 9 0
                                    

The Phsychopath killer

Chapter: 17B Patpat

" Mina."  Gabing-gabi na nang maabutan parin ni Sandro ang pamangkin sa labas ng kanilang bahay. Nakaupo ito sa isang silya nasa gilid naman nito ang espada nito na tila kakalinis lang ng dalaga.

Alam ni Sandro. May pinatay nanaman ang pamangkin nya. Nakita nya ang mga sariwang  dugo mula sa espada nito kanina.

Umupo siya sa tabi ng dalaga. Pinag masdan nya ang mga bituin sa langit.

" Magiging tahimik na kaya ang kaluluwa ni Rebecca kapag nalaman nya na unti-unti nang nawawala ang mga taong lumapastangan sa kanya?"  Tanong ni Sandro sa kawalan. Bumuntong hininga sya. Masaya na kaya si Rebecca ngayon. Gayong unti-unti na syang naiipag higanti ng kapatid nya...

" Malapit nang matapos..." Bumaling sya sa kanyang pamangkin na nasa malayo ang tingin.

" Masaya kaba sa ginagawa mo?.",  Hindi nya maiwasang tanungin ang pamangkin.

" Masaya ang pumatay, at alam ko na ganun din ang pakiramdam nila. Dahil kung hindi nila nararamdaman ang bagay nayun. Bakit nila yun ginagawa "

" kung ganun hahayaan mo lang ang sarili mong lamunin ng galit at pag hihiganti."

Sa totoo nyan ayaw ni sandro ng ganito na gamagamit ng dahas. Lalong lalo na ang pamangkin nya mismo ang gumagawa nun. Pero wala syang magagawa dahil hindi isang ordinaryong tao ang kanyang pamangkin. Papatay ito kung gusto nya. Ni wala itong sinasanto.

" Matagal nang nananaig sakin ang bagay  nayun.."  Tama. Tumango tango si Sandro. Pero hindi nya maiwasang mag alala. Hanggang kelan ba makakaalis ang pamangkin nya  mula sa mga bagay nayun.
Kailan nya ito maiiaalis.

" Hindi na ba mag babago ang iyong isip. Hindi mo naba sila kayang mapatawad?"

Alam nyang pag papatawad lamang ang magiging sagot sa lahat. Iyon lamang.

" Bago paman ako makatuntong sa lugar na ito. Buo na ang desisyon ko."  Lumingon ang pamangkin sa kanya.

" Kapatawaran? Walang kapatawaran ang ginawa nila kay Ate Rebecca. Hindi iyon ang sagot sa lahat. kamatayan lamang ang nararapat."

Hindi nakaimik si Sandro.

" walang makakapag pabago. Mamamatay ang dapat mamamatay. "

" paano kung naiba ang sitwasyon?. "  Paano pala kung sa huli mapatay din ang kanyang pamangkin nang mga taong ito. iyon ang kinakatakot ni Sandro.

" paano kung mapatay karin nila??."

" handa akong makipag patayan sa kanila. "  Matapang talaga ang kanyang pamangkin. Pero masyado na itong nag padalos-dalos. Hindi nila sigurado ang magiging sitwasyon. Malay mo maiba. At sa huli ang kalaban pa ang nag wagi.

" ngunit kailangan mo paring mag ingat. Mina."

Ngumisi ang ddalaga.

" Sila ang kailangang mag- ingat.At Hindi ako."  Tila hindi natalaga mababago ang desisyon ng kanyang pamangkin. Isang buwan narin ang nakalilipas simula nung Tumuntong ito sa syudad. Dala ang pag hihiganti at matinding galit.At Hanggang ngayon nananatili parin ito sa kanya. Hindi nababawasan kung di mas nadadagdagan pa ng nadadagdagan.

Habang tumatagal mas nilalamon ito nang matinding pag kagalit. At pag lumalala pa iyon baka maski sarili nya hindi na nya makilala.

**

Kinaumagahan maagang nag tungo si Mina sa Hanlim Unviersity. Ang totoo nyan nilalakad nya lamang ito.Hindi siya gumagamiy nang kahit ano mang transportasyon dahil masyado iyong maingay at kailangan nya pang makipag sabayan sa mga tao. Nakakainis iyon.

Tulad nang nakagawian ng dalaga. Lagi lamang  ito  mag isa. Walang nag tatakang makipag usap oh maski sumabay sa kanyang pag lalakad. Dahil ang lahat natatakot. Dalawa lang atang tao ang nag lalakas loob sa kanya na lapitan sya. Iyon ay walang iba kung di ang babaeng si Lizzie at ang wirdong si Noah.

Ayaw nya talaga na makipag usap. Kung hindi naman talaga importante ang pag uusapan. Pero yung lalaking yun. Sobrang ingay. Pero walang magawa si Mina kung di hayaan at hindi nalamang iyon pansinin.

" Hindi ba lagi nyang kasama yung Wirdong lalaki? alam nya na kaya?"

" Ewan. Mukang hindi pa ata."

Rinig nya ang mga pag uusap nayun mula sa dalawang babaeng estudyante. Pero hindi nya lamang iyon pinapansin. Ganun naman talaga ang lagi nyang ginagawa. Nakakarinig man sya ng samut-saring ingay sa paligid. Wala parin syang pakeelam dun. Hinahayaan nya lamang ito.

Dumeretso syang Rooftop. Masyado parin naman maaga para sa  unang klase.   Na kung tutuusin wala din naman syang pakeelam dito. At pumapasok lang sya sa oras na kanyang gusto. Hindi rin naman sya nakikinig. Kung tutuusin hindi naman talaga sya estudyante sa paaralang ito. Nag papanggap lamang syang estudyante na madali din namang  nakapasok dahil sa tulong ni Gavon.

Nang makarating siya sa Rooftop, wala ang lalaking si Noah. Hindi nya ito naabutan dito tulad nang kanyang nakasanayan. Lagi kasi itong nauuna. Kung baga mas maaga pa ata  sa security guard kung pumasok ang lalaking iyon.

Ngunit kung hindi nag kakamali si Mina. Pag mamay-ari nang lalaking ito  ang mga gamit na nag kalat sa sahig. Nakatingin lang si Mina  sa mga bagay na ito pero alam nya na sa mga oras na ito hindi lamang sya ang taong nasa rooftop. May iba pang tao dito.

" May hinahanap kabang tao. huh?? haha"  Isang lalaki ang biglang sumulpot. Tinapakan pa nito ang sigarilyong kanina parin nyang hinihit-hit kakahintay.

Kanina pa syang nag tatago  sa mga nakabalandrang mga lumang silya. Kasama ang iba pang mga kasama nito. May hawak din silang mga pat-pat at balisong oh maliit na kutsilyo.

Pinalibutan nila ang misteryosong babae. Kilala nila ang babaeng ito ito yung babaeng nag ngangalang  Mina. Ito din yung babaeng kumalaban sa pinuno nilang si Gyum.

"Yung wirdo bang yun ang hinahanap mo ha..?" pinapalo -palo pa nito sa kamay ang  mistulang pat-pat na hawak . Ni walang nararamdamang takot naman ang babaeng kanila ding sinisindak. Ni hindi pa ata ito nagulat sa biglang pag sulpot nila.

Kakaiba nga ang babaeng ito.

" Gusto mo basyang makita. Sumama ka samin. Hinihintay kanarin ni Boss."  Humarap pa ito sa babaeng si Mina.

" Ah- ah- ah.  Sumama kasamin ng matiwasay. Para hindi ka masaktan. Baka sakaling  maabutan mo pang buhay ang wirdong lalaking yun...."

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon