CHAPTER: 14B

114 7 0
                                    

The Physchopath Killer

Chapter: 14B Confession

Kinakabahan, Nanginginig , Hindi mapakali. Iyan ngayon ang kasalukuyang nararamdaman nang lalaking si Noah. Maaga palang pumasok na agad siya sa Hanlim. Pinag handaan nya ang araw na ito. Mula sa kanyang suot. Mula sa blackshoes na pulido nag pag kakalinis na kumikintab pa. Sa uniform nyang suot Wala syang pina lagpas na gusot mula dito.Ang mga buhok nyang mistulang buhok ni Jose Rizal na pulido din ang pag kakaayos dahil sa  HairGel  na ginamit nya. Gumamit narin sya nang pabango.

Napatingin sya sa Rosas na binili pa nya.
Ready na sya sa gagawin nya. Excited na kinakabahan.

Nasa field sya ngayon actually kanina pa sya nakatayo. Tila meron syang hawak na malaking Carton , May sulat ka duong mababasang " Im inloved with you my Super girl"   Wala syang pake kung kanina pasyang pinag titinginan at pinag tatawanan. Hindi nya pinapansin ang mga tukso nang mga ibang estudyante. Basta gagawin nya ang naiisip nya. Desidido na sya. Mag tatapat na sya sa babaeng mahal nya.Handa nyang ipag sigawan yun sa lahat.

Dahil handa na sya. Handang-Handa isa nalang ang kulang iyon ay walang iba kung di ang babaeng pag tatapatan nya. Walang iba kung di si....

" Mina!!!" Nakita nya ito di kalayuan sa kanya. Katulad nang lagi nyang nakikita seryoso parin ito. Blangko ang mukha habang nag lalakad. Tila walang pakeealam sa paligid. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya pero hindi. Kailangan nyang hindi pansinin iyun dahil ito na ang tamang pag kakataon.

Pinuntahan nya ito. Patakbo nya pa itong ginawa  At halos harangin nya pa ito sa daan. Nakatingin na ang lahat sa kanila.
Mistulang excited ang mga estudyante mula sa kakaibang dramang masasaksihan nila. At halos lahat natatawa. Pero wala lang yun Kay Noah.

" M-mina...G-good morning.."  Oo na. Aaminin nya lagi syang nauutal kapag itong babae na naito ang kaharap nya.
Tiningnan lamang sya nito. Tila wala din ata itong pakeelam sa ayos ni Noah.

Ni hindi din nito pinansin ang masayang bati sa kanya ng binata.

" Ah- eh.. Oh! T-tanggapin mo."  Tiningnan lamang iyon ni Mina. Anong gagawin nya sa mga bulaklak. Hindi siya mahilig sa mga ganito. Para saan ito?

" Ah- Binibigay ko sayo to. K-kase hindi para mag pasalamat k-kung di para ah-m . " Kinakabahan na sya ng sobra. Ang bilis ng tibok ng puso nya.

Yumuko pa sya para  mabawasan ang kabang nararamdaman " G-gusto kita! Mina! Tanggapin mo s-sana ito k-kase g-usto kita Mina."

Halos tumahimik ang lahat ngunit sandali lang iyon. At maya- maya pa ay isang malakas na sigawan na ang bumalot sa paligid. May iba na sumusipol pa tila masyado silang nasisiyahan sa nasasaksihang confession. Kung baga confession nang isa sa mga lalaking wirdo sa school nila. Ibang klase.

Pero nakahinga na nang maluwag si Noah. Sa wakas nasabi na nya. Pero wala pa syang ibang nararamdamang kakaiba sa babaeng kaharap nya. Pero alam nya nakatingin ito ng seryoso sa kanya.

Hindi tuloy maiwasang tanungin ni Noah ang sarili. Nagustuhan  nya kaya? Ano kayang reaksyon nya?. Pero maya-maya pa ay nakarinig pa sya nang  malakas na hiyawan  tila sinasabi nang mga estudyanteng ito ang salitang "Boo"!!!

" Ouch..Sakit nun ahh.."

" Kung ako hindi na ko  mag tatangkang mag confess. Duh ang hirap kayang mareject." 

Umayos nang tayo si Noah. Wala na si Mina sa harapan nya. Tinalikuran na sya nito. Kung ganun ito ba ang sinasabi nilang " Reject.." Ngayon nya lang ito naramdaman. Masakit pala.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon