CHAPTER: 3B

158 12 0
                                    


Chapter: 3B Tupa at Tigre

"Hello, Kamusta  na ang lagay mo. Ate Mina" Nakangiting sambit nang batang si Kianna sa babae na kasalukyan lamang nakaupo sa pasilyo nang bahay nila. Tahimik at nasa malayo ang tingin.  Medyo nalungkot ito nang hindi manlang  siya kinibo nang babae.

"Nakita kasi kita nung isang gabi. Duguan ang iyong suot na damit." Hindi parin nag sasalita ang dalaga. Wala siyang panahon makipag usap sa batang ito. Masyado itong madal-dal at maingay. Ayaw niya nang taong ganun.

"Sabi ni Mama, layuan kita dahil mapanganib ka. Pero mas naniniwala ako sa sinabi ni Papa, na dapat akong mag tiwala sa iyo. Dahil proprotektahan  mo ang aming pamilya."  Natuwa naman ang bata at ngumiti nang balingan na siya nang babaeng gusto niyang kausapin. Ngunit ni wala naman siyang nakitang kasiyahan sa mukha nito. Tulad nang nadarama niya ngayon.

Unang kita palang niya sa tinuturing niyang ate. Ay nakaramdam agad siya nang takot. Dahil Para sa kanya  mistulang  multo  ito sa isang Horror movie na kanya ding napapanood sa TV. Tahimik  ngunit pumapatay nang tao. Lalong lalo na ang mga mata nito. Nakakatakot iyong pag masdan. Nakakapanindig balahibo.

Pero  sabi naman nang kanyang ama. Ay hindi ganuon ang tinuturing niyang ate.
Mabait daw ito at proprotektahan daw nito ang kanilang pamilya. Simula nun napanatag ang bata at wala na ang takot na kanyang nadarama sa dalaga.

" Eto para sayo. Tanggapin mo"  Iniabot niya sa kanyang ate  ang hugis bulaklak na gawa sa isang papel. "ginawa ko ito para sayo para pasalamatan ka." Ngiting-ngiti ang bata habang inaabot ang mistulang regalo sa dalaga. Ngunit hindi iyon tinanggap ni Mina. Tiningnan lamang nya ang batang nasa kanyang harapan.  Tila may naaalala siyang ibang tao. Mula sa ipinapakita nang batang ito sa kanya.

" Ano ang iyong pangalan."  Ngumiti naman ang bata sa tinanong nang kanyang ate. Hindi niya inaasahang mag sasalita ito at kakausapin siya. Ngayon palamang niya itong narinig na mag salita. Pero alam niya nakakausap ito nang kanyang ama, ngunit hindi parin niya iyon marinig dahil kailangan pa niyang magtago. Kasalukuyan pa siya noong takot sa dalaga.
Ngunit ngayon nagawa na niyang kausapin ito. At naririnig ang napakagandang boses nang kanyang tinuturing na ate Mina.

"Ako po si Kianna. Panganay na anak ni Sandro Pascua."  Masayang pag papakilala nang bata.  Nakatingin lamang sa kanya ang mga mata nang dalaga.

"Kung ganun marunong kang mag basa' at sumulat."  May pag mamalaki namang  Tumango- tango  ang batang si Kianna. Bilang tugon sa dalaga.

"Maari mo bang basahin ang sulat mula sa  kapirasong papel na ito."  Lumingon ang bata  sa tinuro nang dalaga.  Isang sulat mula sa kapiraso nang papel ang kanyang nakita. Mistulang nakasingit pa iyon sa  librong din lagi nitong hawak. Tumango pa ang bata bago sundin ang utos nang dalaga.

Isang maamong tupang nilapastanganan, pinahirapan , at unti- unting pinapatay sa sakit. Ngunit tugon nang tupa. Babawi siya. Mag hihiganti siya At hindi na siya kailanman magiging isang maamong tupa. kung di Magiging isang Mabagsik na tigre. Mabagik na tigreng pumapatay nang tao." Pumikit pa si Mina habang pinapakinggan ang boses nang bata. Tila maiituring niya iyong kantang napakasarap sa pandinig. Mas lalo nyang nararamdaman ang nais na pag hihiganti.

" Ate. Tapos napo.Hmmm- Kung ganun po ano na po bang nang yare sa maamong tupa na naging mabagsik na tigre...ano pong nang yare sa kanya?"  Iminulat na niya ang kanyang mata. At tumingin sa malayo.

"Wala na .Wala na ang tigreng iyon.."  Biglang nakaramdam nang lungkot ang bata.

" Bakit po?.."  Hindi umimik ang dalaga.
Sa tanong nang bata. Para sa kanya masyado na itong maraming tanong. Medyo nakakaramdam narin siya nang inis sa bata.

" Sige po ate. Sa susunod ko nalang po  itatanong. "  inilapag nang bata sa lamesa ang bulaklak na papel nitong hawak. Itinabi nyapa iyon sa gamit nang dalaga.

"Ikinasasaya kong makausap ka ate Mina." Ngumiti  pa siya sa harapan nito. Ngunit mga ilang saglit pa ay  Nagulat  ang batang si Kianna dahil sa biglaang pag dating nang kanyang ina. Agad siyang
Inilayo nito sa dalaga.

" Kianna! Hindi bat sinabi ko sa iyo! wag kang lalabas nang kwarto."  Inis ngunit may pag aalalang sambit nang kanyang ina habang Hatak hatak  siya nito papalayo sa dalaga. Ngunit hindi parin naaalis ang mga tingin niya dito. Kahit pa malayo na ang agwat nang batang si Kianna sa dalaga. Kitang kita parin niya ang seryosong mukha nang kanyang tinuturing na ate.  Nasa Malayo ang tingin nito. Ni walang kahit anumang  dalang emosyon sa mukha.  At Gusto nang batang si Kianna na malagyan iyon. Kahit lamang ang  emosyon nang pagiging masaya.

Ang medyo mapupulang labi nang kanyang itinuturing na ate Mina gusto nya itong malagyan nang kahit isang simpleng   mga ngiti  at wala siyang ibang hiling nasana mang yari ang kanyang iniisip.

Ngiti sa labi nang kanyang tinuturing na Ate.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon