CHAPTER: 20B

118 9 0
                                    

The physchopath Killer

Chapter: 20B Duwag.

" Mina!!!!!!"

7:00 na ng umaga. Si Noah nasa bahay na  agad ito ni Mina. Nasa labas ito at kanina pang nag hihintay. Halos bilangin narin nya ang mga damo sa paligid habang walang ganang nakasakay sa bisekleta . Ngunit bigla din naman nabuhayan ang lalaking ito  nang masilayan na ang dalaga.

Kumaway  kaway pa ito kay Mina. Hindi maalis ang ngiti ng binata. Tila sa isang iglap kumpleto na agad ang araw nya.
Akala nya mag hihintay pa sya ng matagal.
Mabuti nalang at lumabas narin ito.

Ganun parin ang itsura  ni Mina. Blangko ang mukha pero sanay na si Noah dito. Kung tutuusin probinsyanang-probinsyana din pala  ito kung manamit. Makaluma, Kung baga misteryosong maria clara hehe.

Simpleng polo Tshirt na light pink at gray na mahabang palda ang suot nito. Bumagay din ang  Mahaba na medyo brown nitong buhok na tinatamaan pa ng sinag nang araw at  sumasabay din sa hangin. Tila sa paningin ni lalaking si Noah slowmotion  ang lahat .

" Ang cool nya talaga" Bulong nya. Pinag masdan nyalang   ang dalaga.

" Magandang umaga!!!"  Mas maganda pasya sa umaga  kung maiituring. Abot tenga ang ngiti ni Noa nakataas pa ang mga kamay nito. Kabaliktaran sa mukha ni Mina na seryoso lang.

" ah- hehehe.. "  Mistulang laging walang maganda sa umaga ni Mina. Nag kibit balikat si Noah.

" ah-m Tara na. sakay kana!"  Kailangan pa kasi nilang gumamit ng bisekleta  para makarating sa  lawa.  Medyo malayo din kase ito.

" Baba."  Medyo kumunot ang noo ni Noah. 

" H-huh?"

" Bumaba ka dyan. "  Walang nagawa si Noah at sinunod nalang ang gusto ng dalaga. Nag taka  naman si Noah pero laking gulat naman nya  ng si Mina ang sumakay dito. Inalalayan nya ito.

" T-teka.. Kaya mo ba?"  Tumikom ang bibig ni Noah. Sinamaan sya ng tingin.  Nag aalala lang  naman sya. Pero kung tutuusin parang marunong naman si Mina . Teka kung ganun ba sya ang mag mag dadrive?

Haha! Eh kung yun naman pala ang balak nya eh sana pala. Una palang nag sabi na ito.

" Tumakbo ka papunta dun."  Iniwan na sya ni Mina sakay ng bisekleta.

Huh? Kung ganun tatakbuhin nya simula dito hanggang dun.

" H-hoy! T-teka?  Tatakbo ako? B-bakit n-naman? M-mina!!!"  Pero tila parang hindi sya narinig nito. Hindi tuloy maiwasang tanungin ni Noah ang sarili. Bahagi naba ito ng Training nila.

" M-mina!! Hintay!!!"  Wala na syang ibang nagawa kung di ang tumakbo. At habulin ito. Medyo malayo-layo din ang tatakbuhin nya.

" Mina! Saglit! lang! Pahinga muna tayo!!"  Hingal na hingal nasya. Wala pang  dalawang kilometro ang natatakbo nya pero Pakiramdam nya hihikain na sya. Hinahabol na nya ang pag hinga. Kanina pa syang tumatakbo. Pawisan narin sya.

Halos humiga narin ito sa kalsada.

" A-ayoko na!  pagod nako..."  Nakatingin lang sya sa asul na langit. Tagaktak na ang pawis nya. Pakiramdam ni Noah kulang nalang  kusang umakyat na  yung kaluluwa nya  sa langit.

" Sumusuko kana? "  Nakita nya ang mukha ni Mina dun. Seryoso nanaman ito. Inayos pa ni Noah ang salamin bago  umupo. Hindi sya pwede sumuko. 

" Hindi ah. "  tumayo sya at nauna nang tumakbo. Iniwan nya si Mina. Hindi sya pwede sumuko. May pangako syang binitawan. Kaya nya to.

Pero mga ilang minuto lang  ang nakalilipas. Bagsak na ulit sya. Pakiramdam nya nag aagaw buhay nasya. Nangangatog narin ang mga binti nya. Parang kulang nalang makita na nya ang pinto ng langit. Mamatay nasya.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon