CHAPTER: 30B

103 9 0
                                    


Chapter: 30B Halimaw.

Isang malamig na gabi ang tatapos sa lahat
Tila din nag babadya ang kalangitan mula sa ihahatid  nitong   malakas na pag ulan.
Ang gabing iyon, nababalutan nang kaba at takot. Kaakibat din nito ang  tila matinding paghihinagpis. Puot at galit.

Sinisiguradong ang gabing ito ang tatapos sa lahat. Gabing puro dugo lamang ang dadanak. Mga buhay ng taong itinuturing na kakampi ang mawawala. Sinisigurado ng kung sino mang taong nakakadama ng matinding galit na ito. Na wala syang ititira. Papatayin nya lahat ng may kaugnayan sa lalaking Gavon ang pangalan.

Papatayin nya din ang taong ito.

" Boss. Naririto na ang babaeng yun.  "  Pormal na saad ng isang alagad mula sa lalaking prenteng nakaupo mula sa isang magarang sofa. Ang lalaking ito. Kanina pa din nitong iniikot ang likido ng alak mula sa baso nitong hawak.

Kitang kita ang pag ka ngisi sa mga labi ng lalaking ito. Nang marinig ang impormasyong iyon.

Si Gavon ang taong ito.

Tumayo at nag lakad  ito mula sa harapan nang napakalaking bintana ng kanyang  opisina. Tinanaw ang  nangingitim na kalangitan.

" Nakahanda naba ang lahat.?"

" yess boss."

"Magaling. Ngayon Siguraduhin nyong hindi sya makakapasok sa loob ng opisina ko, Oh kahit pa makatuntong sa gusaling ito. Gawin nyo lahat para  Pigilan ang babaeng yun. "

" Masusunod  boss."  Umalis na ang alagad.

Ang mga ngisi kaganina ni Gavon. Napalitan ka agad  iyon ng  galit. Humigpit din ang hawak nito sa baso.  Bakas ang nadaramang gigil mula sa kanyang labi.

Hindi. Hindi nya  hahayaang  na sa gabi ding  ito nya kakaharapin ang kanyang unti-unting  pag bagsak. Hindi sya makakapayag na sa huli  mapabilang lang pala din sya sa mga buhay na mapapaslang ng demonyong babaeng yun..

Hindi nya ito hahayaan mang yare. Marami munang dugong dadanak bago mang yare ang bagay nayun. At sinusumpa nya  hindi pa ito ang kanyang nalalapit na katapusan.  Hindi ito maari.

Sa labas din ng gusaling iyon matatanaw ang isang misteryosong babae. Kasalukuyan itong nakatayo kaharap ng gusali din iyon. Mahigpit ang pag kakakapit nito sa kanyang espada. Gigil at galit ang dahilan.

Malayong malayo na ito sa babaeng unang tumuntong sa gusaling ito para humingi ng tulong gaya nang nakaraan nitong ginawa. Mas malala na ang babaeng ito kesa  ngayon.  Mas nag uumapaw ang kasamaang nananaig sa katawan. Tuluyan nang ginumon ng kadiliman sa puso. Wala nasyang ibang maramdaman kung di galit. Ang mga mata ng babaeng ito maihahalintulad mo sa mata ng isang halimaw. Hindi lang basta halimaw kung di isang nag wawalang halimaw. Tila masyado na talaga itong nagambala at nagising .Mas sabik na sabik na itong kumitil ng buhay. Mag padanak ng dugo ng tao. Ni ulti mong ki kakapiranggot na awa tuluyan nang nawala.

Kalmado lang si Mina,  Walang kabang nararamdaaman kahit pa batid nya nang may ilang baril ang palihim na nakatutok sa kanya mula  sa malayo. Binalingan nya ng mga  tingin ang mga ito. Isang nakakamatay na tingin ang ibinigay nya na kung saan nandun ang pag babanta.

" N-nakikita nya ba tayo? " Tinanggal pa ng lalaking ito ang pag kakasilip nya sa sniper na baril na hawak.

" P-posible gago, tingnan mo ulit."  Wika ng kasama nya. Bumalik ang lalaki sa pag kakasilip.

" Tangina. asan nayun!."  Wala na ang babaeng ito. Nalingat lang sila saglit. Nawala na ito bigla. 

Mga ilang saglit pa nakarinig na agad sila ng sunod-sunod na putok ng baril. 

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon