CHAPTER: 27B

100 6 1
                                    

The Physchopath Killer

Chapter : 27B  Traydor

" Ate Mina naman eh , hindi pa ba natin inintay na mag umaga, bago makaalis? "

Humikab pa ang batang si Tales. 10:00 na nang gabi at tinatahak na nila ang daan pabalik sa tinutuluyan ni Mina.

Si Mina hindi man sya marunong mag basa ngunit madali naman para sa kanya na  matandaan  at makapag memorya ng  mga bagay bagay. Iyon din ang nakatulong  sa kanya para makarating sa syudad at Makilala at mapatay lahat ng taong yun, Tinandaan nya lamang ang patungkol  sa deskripsyon ng mga ito ayon sa Diary ni Rebecca.

" Ni Hindi manlang tayo nag paalam ng personal sa  wirdong yun."  Kasabay nya lang mag lakad si Mina.

" Ah. Oo nga pala.. Alam mo parang pamilyar sakin ang lalaking yun." 

Nanliit pa ang mga mata ng batang ito.
Alam nyang ngayon lamang nya ito nakita pero parang may nag sasabi sa kanya na hindi lang ito ang unang pag kikita nila.
Yung mga mata ng wirdong yun. Parang nakita na nya ito noon. Hindi nya lang alam kung saan.

" Pamilyar sakin yung mga tingin nya. " 

Diretso at tahimik man si Mina. Hindi parin nya maiwasang pakinggan ang bata.

" San ko nga ba yun nakita...  Aha. Alam ko na. "

Hinabol pa nya si Mina na kasalukuyang nauuna na at sinabi ito. Pansin naman nyang tila napaisip din si Mina.

" Hindi ko lang sigurado kung yun  nga pero kase diba mag kaibang mag kaiba  sila  at malayong malayo ang mukha nya  sa lalaking nakita natin..." 

Nakatingin lang si Tales sa kanyang Ate mina. Nag iintay nang sagot pero  mukang malalim ang iniisip nito.

" Pero kase, Hindi ko parin  maiwasang isipin ang baga nayun... Ewan . Sabi na nga kakaiba din yung wirdong yun eh."

Yung mga mata nito nung nakikipag laban. Ibang iba iyon. At iyon ang tinutukoy ni Tales. Mag katulad na mag katulad kase ang mga mata nito sa lalaking nakita din nila noon pati narin ang prisensya nya nung mga oras ding iyon.. Pero malay mo naman nag kataon lang na mag kapareho sila.  Marami din namang kaseng tao sa mundo.

" Bilisan mo na. Ang bagal mo mag lakad. Kailangan nating mag madali."

Galit nanaman ang kanyang Ate Mina. Sabagay sanay nasya. Pero bakit ba kase ito kanina pang  atat na umuwi.  Gutom narin si Tales. hindi manlang sila kumain sa bahay nung wirdong yun.

" Bakit kaba nag mamadali."

" Dahil may dapat lang akong kumpirmahin..."

" Huh??"

Kumunot ang noo ni Tales, Pero hindi nalang sya umimik at Sumunod nalamang sya sa dito.

Kung  ano mang nasaisip ngayon ng kanyang ate Mina. Panigurado hindi iyon kaaya-aya. Parang may hindi magandang mang yayare.

**

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon