CHAPTER: 13A

106 8 0
                                    

The phsychopath Killer

Chapter: 13A Diary

"Kianna..." Tawag ni Sandro sa anak. Dis oras na nang gabi namataan nya pa itong nasa sala at tila busy sa kanyang ginagawa.

" Ang mga bad guys dapat mamatay, Pinatay nila ang tiger..dapat sila mamatay" Rinig pa ni Sandro  mula sa anak. Paulit-ulit iyong sinasambit nito habang tila may kung anong sinusulat sa papel gamit ang pulang krayola.

Halos magulat si Sandro nang basahin ang mga sulat na ito.  Binasa nya iyon isa-isa.
Ang sabi sa sulat " Die..." " mamatay sila"
At isang pangalan ang pumukaw sa kanyang atensyon..

" Rebecca." Bulong ni Sandro . Inagaw nya ang mga papel sa anak.  Nagulat naman si Kianna.

" Daddy!! Whats wrong with you! ..."

" A-anong ginagawa mo? S-sino ang nag utos sayo na gawin ito?!!!!"  Halos umiyak na ang bata ng sigawan siya ng ama.

" Si Ate Mina po daddy!.. She told me na gumawa nyan para sa kanya.. tulungan ko daw sya patayin yung mga bad guys. Na pumatay sa tiger na si Rebecca..MOMMY!!!"  agad itong pumunta sa ina.

" A-anong nang yayare dito? Anong nang yare kianna bakit ka umiiyak?"  Tanong na tiningnan nya ang asawa. Tulala ito.

Tulala si Sandro.Kung ganun, ginagamit nya din si Kianna sa pag hihiganti nya. May nakita din si Sandro na tila isang lumang Notebook . Ngunit maganda ang pag kaka disensyo nito. Tiyak mamahalin ngunit bakas na din naman ang pag kaluma.

" Kay Ate Mina po ang notebook na iyan. Story daw po yan ni Ate Rebecca. Binabasa ko yan kay ate Mina." Umiyak ulit ito bago niyakap ang ina.

Binuklat iyon ni Sandro. Halos lahat ng mga nakikita nyang sulat. Ay sulat kamay ni Rebecca. Mistulang Diary. At dito lahat nakapaloob ang mga nang yare mula sa dalawang taong nakalilipas. May mga pangalan din syang nakita dito bukod sa pangalan nang mga lalakeng gumahasa kay Rebecca, May pangalan din ng babae na Rhein Salazar , ang taong bumugbog kay Rebecca sa C.R . Meron din siyang tinutukoy duon na tatlong babae na nag tangkang lumason sa kanya. Meron din  Carron Velasquez ang umagaw sa kasintahan nito.

At Kung ganun dito pala nalaman ni Mina ang lahat at hindi man sya marunong mag basa. Pinapabasa nya lang ito sa bata. Pero nung kelan lang itong dumating sa kanila. At nung dumating ito marami na itong nalalaman. Sino pakaya ang taong nag basa nito para sa kanya. Tinitiyak ni Sandro ang taong iyon ay kasalukuyang  nasa probinsya. At nakakasigurado ang matanda na importante din kay Mina ang taong ito para pag katiwalaan ng pamangkin.

" A-kala ko ba namatay na si Rebecca matapos syang gahasain?"  Tanong ni josephine. Dahil iyon ang alam nya. Nag taka sya kase bakit ang daming pangalan. Umiling si Sandro.

" Hindi. Pinatay si Rebecca nang mga lalaking iyon.. ginahasa lamang sya nito at pinahirapan.. "

  Naalala ni Sandro kung papaano mag kwento ang dalagang si Rebecca sa mga kababuyan na ginawa sa kanya. Lagi nalamang itong umiiyak at tila nang hihina. Lagi silang nag kikita ng dalaga para sabihin ang mag impormasyong ito.
Lahat nang pag hihirap ni Rebecca , kung baga siya nalamang nag mimistulang pinag lalabasan ng sama nang loob ng dalaga.  Kinukwento ang lahat ng masasakit nyang naging karanasan mula s mga  mapang abusong tao.

Hindi nya lubusang maawa sa sinapit ng pamangkin pumapayat narin ito. Kitang kita rin ang mga pasa, mararaming peklat na halatang halata dahil sa pag kaputi ni Rebecca.  Pero patuloy parin itong lumalaban at kinakaya. At ang katuwiran nya ang kapatid nito na kailangan nyang buhayin. Kaya kailangan nyang mag sikap dahil once na kapag tapos sya. Mapapaaral na nya ang kapatid at mapapagamot ito.
Ngunit alam din ni Sandro ang isa pang dahilan ni Rebecca kung bakit nanatili parimg malakas. Iyon ay dahil nais din nitong hanapin ang mga taong pumatay sa kanilanh magulang.

Pero tuluyang nawala ang mga pangarap na iyon ng unti-unti itong mag bago.  Naging natamlay na ito.

Tinanong nya ito kung bakit hindi sya humingi ng tulong kay Gavon. Ngunit nahihiya na ang dalaga dito, marami nang tulong ang ginawa nito sa kanya. At isa pa na laging sinasabi ng dalaga. Kaya nya iyong lutasing mag isa. At iyon ang kahanga-hanga kay Rebecca hindi ito basta-basta nasuko. Gagawa- sya ng paraan para makamit ang kanyang minimithi kahit pa malabong nang mang yare ang bagay nayun.

Isang araw nang gustong makipag kita nang dalaga may mahalaga daw itong sasabihin, ngunit naabutan ni sandro na   nakabulagta na  ito. Nanginginig tila nang hihina. Naawa sya sa dalaga kaya minabuti nalamang nyang iuwi ito sa probinsya sa Vicente kung saan naroroon ang kapatid nasi Mina. Akala nya gagaling si Rebecca ngunit sa bawat araw na lumilipas tila mas lalo pa itong lumalala. May Nurse naring nag aalaga to pero hindi parin siya gumagaling parang mas lalo parin itong lumalala.

Dumating na sa puntong Hindi ito kumakain hindi narin nag sasalita.Lagi lamang nakakulong sa kwarto at nag susulat. Wala na ang Rebecca na alam nila dati. Ang dating masiyahin ngayon hindi na mababakasan ng mga ngiti sa labi. Putla at laging  tulala. Hindi alam ni Sandro kung ano ang nang yayare dito. Mistulang hindi na nya magawang lumaban pa dahil parang unti-unting nilalason ang katawan ng dalaga kasama mismo ang utak nito.  Unti-unti siyang pinapatay.

Di kalaunan nalaman na nyang patay narin ang dalaga.Wala nang Rebecca binaril daw ito nang kung sino. Saad ng katiwala na halos matanda narin at di kalaunan  ay namatay narin ito. Hindi  maiwasang sumagi sa isipan ni Sandro at  tanungin ang sarili kung tutuusin magaling dim Si Rebecca pero bakit hindi nya magawang lumaban?  Dahil ba sa unti-unti narin itong nang hihina. Ano b talagang nang yare kay Rebecca.

Kaya hindi nya rin masisi ang pamangkin nasi Mina dahil gusto lamang nitong ipag higanti ang kapatid. Na naging biktima nang pang aabuso at pag papahirap

Binuklat  ni Sandro ang iba pang pahina. May nabasa din sya na tila gabay para makapunta sa syudad. Kung ganun ito pala ang dahilan kung bakit nakaring si Mina sa lugar na ito. At binasa lamang iyon sa kanya.

Hindi nya tuloy maiwasang maalala nung tanungin nya ang dalaga patungkol dito. May pangalan itong sinambit " Tales"  Kung ganun pangalan nang tao iyon. Ngunit sinong bata iyon?  Oh kung hindi man bata? Sino ang taong iyon...?
May napansin din sya sa Notebook na ito. Tila may nawawala pa itong pahina sa huli. Pati ang cover nito tila napunit din.

"Sabi ni Ate Mina hindi daw tapos ang kwento ng tiger nasi Rebecca dahil may kung sino ang nag tangkang kuhain ang story. Kaya napunit ang ibang bahagi...." Saad ni Kianna. Nagaw pa nitong mag salita kahit pa sa kalagitnaan ng pag iyak.

Hindi nya maiwasang  magtaka ,kutob ni Sandro parang masyadong mahalaga ang pahinang iyon para kuhain . At tila  isa itong kwento na hindi pa natatapos dahil may pahina pang nawawala...

At kung tama ang kutob  nya masyadong itong mahalaga para kumumpleto sa buong nilalaman nang storya.

Ano bang nilalaman nang huling pahinang iyon? Iyon ba ang sagot sa lahat? Oh makakapag palala pa sa kanilang sitwasyon.

_______________
A:N dont forget to Vote' Comment
Please  Pray for our COVID patients:)
May God Blessed and Heal Us.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon