CHAPTER: 8A

142 12 0
                                    

CHAPTER : 8A Kutsilyo

Billy Samsons  oh kung tawagin siya nang kanyang mga kasamahan ay " Bill" . Siya ang ika unang myembro nang grupo. Oh yung pinaka nahuhuli sa pinaka malakas.
Ngunit hindi maiitatangging malakas parin ito mula sa kakayahan nitong gumamit nang kutsilyo. Mayaman ang kanyang pamilya. Anak siya nang isa sa mga pina kasikat na abogado sa bansa. Kaya ganun nalamang din ang kanyang kampante sa mga kasong pwedeng isampa sa kanya at sa kanyang mga grupo.

Bakit? Dahil may taong magaling na pwedeng pag takpan yun at ipag-laban kahit pa sila ang may mali. Bukod padun marami silang pera madali lamang itong baguhin nang pera sa isang iglap.

Kasalukuyang nasa Locker room nang gym ang binata para makapag palit nang suot.
Pawisin narin sya.Katatapos lamang nyang mag papawis sa field mula sa wirdung Nerd na lalaking yon.Kasalukuyan din syang may kausap sa kanyang telepono.

"Oo! Sinunod ko ang utos mo. Tinuruan ko ulit nang leksyon yung Wirdung Nerd nayun"  Si Luxx ang kausap nito sa kabilang linya. Ang Tumatayong leader nang grupo.

"Oo na, Sa sikmura ko sya pinuruhan. Katulad nang lagi mong ginagawa."  Medyo natawa pa ang binata.

" Alam mo hindi kita maintindihan bakit ba hindi nalang kase natin tuluyan ang isang yun eh diba ang init nang dugo mo dun sa lalaking yun. Tapos ayaw mo din namang pagulpuhin nang sobra. "

Tanong ni Bill sa kausap. Utos kase nang kanilang pinuno na si Luxx. Puntiryahin lamang daw ito sa sikmura. Ang katuwiran nya para daw mas masakit. Kung tutuusin gustong gusto na ni Bill pasabugin ang mukha nang Wirdung yun ayaw lang ni Luxx.

Hindi na nag taka si Bill kung bakit tila napakainit nang dugo nang tinuturing nilang pinuno sa lalaking yun. Ayon kay Luxx Anak daw ito kase sa labas  nang kanyang ama. At sobrang kinasusuklaman daw talaga ito ni Luxx.  At Sa sikmura lamang nya ito pinupuntirya dahil siguradong malalagot  sya kung sakaling  makita ng ama ang mga galos nito sa mukha.Mabuti nalang talaga hindi ito nag susumbong. Binantaan din kase ni Luxx ang kapatid.

Marahil din siguro hindi lang matanggap ni Luxx na may kapatid sya sa labas. Na posible din namang makihati sa lahat nang ari-arian na pag mamay-ari nang kanyang ama  na kung tutuusin sa kanya lang dapat lahat mapupunta.

Ang  drama nang kanilang pamilya.

"Oo susunod ako sa Hide out. Mag bibihis lang ako. Masyado akong pinawisan kanina, dahil sa wirdung lalaking yun pupuruhan ko na sana kaso may nangealam"  Kung tutuusin hindi naman talaga nya ito sasaksakin. Tatakutin lamang nya ang wirdung  ito. Ngunit hindi iyon natuloy dahil sa isa paring wirdung nangealam sa kanyang mga binabalak.

Medyo nag taka din ang kausap nito sa kabilang linya.

" Yung babaeng transferee  na isa ding wirdu na pumasok sa paaralan na ito ang tinutukoy ko.  Masyadong pakeelamera ang isang yun."

Pero aaminin nya. May pag ka misteryoso nga ang babaeng ito. Yung mga pang yayaring nakatitig lamang ito sa kanya at ni hindi manlang ata nakakaramdam nang  takot. Kakaiba iyon sa lahat. Bukod padun medyo malakas  din ito kung tutuusin dahil masyado talagang mahigpit ang pag kakapit nito sa braso ni Bill. At ramdam ng binata ang kaunting sakit dito.

Tila may kakaibang kutob sya sa babaeng yun.

" Sige na. Susunod narin ako dyan. Sige sige bye."  ibinaba na nya ang linya.  At binuksan ang kanyang Locker.

Ngunit mga ilang saglit pa ay nakarinig sya nang isang malakas na kalabog nang pinto. Tila ganun nalamang kalakas ang ginawang pag sarado sa pinto ng silid na kasalukuyan din namang  kinalalagyan  nya.Medyo nainis sya, Hindi bat sinabi na nya sa lahat na walang papasok sa locker room hanggat hindi pa sya nakakaalis. Isa yun sa mga batas nya.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon