CHAPTER: 3A

184 14 0
                                    

The Physchopath Killer
Chapter: Bullet

"Magandang umaga, Mabuti naman at nakarating ka sa aking paanyaya." Si Gavon, nakangiti pa ito nang bumaling sa dalaga. Ngunit hindi na siya bago sa dito. Tila para sa kanya ay napaka tagal na nilang mag kakilala at sanay na sanay na siya.

Hindi na siya nag taka pa sa pinapakita nitong karakter bilang isang taong walang kaemo-emosyon sa buhay . Na tila hindi manlang nakararamdam nang kasiyahan mula sa panibagong araw nang kanilang pag kikita. Hindi na siya duon umaasa.

Naiisip pa niya tila malaki talaga ang pag kakaiba nito kanyang kapatid. Masyadong masiyahin at madaldal si Rebecca samantalang ang babaeng nasa kanyang harapan naman ngayon ay tila daig pa ang pinag sakluban nang langit at lupa.
Tahimik ni hindi manlang umiimik. At kung iyong kakausapin ay madalang lamang tumugon at ni wala pang kaemo-emosyon na mababakas dito. Kung maiituring mistula lamang siyang nakikipag usap sa isang rebulto nang tao.

Hindi umimik si Mina. Wala syang naging reaskyon sa bati ni Gavon. Seryoso lamang nyang tiningnan ang lalaking may mga malalawak na ngiti sa labi. Tila may kung ano itong dahilan kung bakit siya pinapunta sa opisina nang lalaking ito.

" Pinangako ko sa iyong tutulungan kita. Hindi lamang sa pag pasok mo sa Hanlim kung di sa mas marami pang mga bagay. At pinapunta kita dito para tupadin ko ang iba, sa mga bagay naiyon." Mistulang nag paikot ikot pa ito sa isang silyang kinauupuan ng Dalaga. Tila bawat detalye ay dapat maintindihan nito.

Wala paring kibo si Mina. Diretso lamang ang kanyang mga tingin. Tulad nang nakasanayan wala ka parin ditong makikitang kaemo-emosyon. Wala syang balak mag-salita. Mas maigi nalamang na mag hintay sa mga susunod na mga salitang lalabas sa bibig nang lalaking ito.

" Napag-isip isip kong hindi sa sapat ang armas na lagi mong daladala." Napasulyap pa ito sa espadang nakasabit sa balikat ng dalaga. " Hindi biro ang mga taong gusto mong kalabanin. At pwede pwede kanilang gamitan nang bala oh baril. At sa isang kalabit lang nila nun pwedeng pwede kanang bawian nang buhay at mang yayari iyon sa isang iglap." Inihugis pa nito ang kanyang kamay na sa ngayon ay itsurang baril, nag lalarong itinutok sa babaeng kaharap nya "Beng." Isang kakaibang tawa naman ang lumabas sa bibig nito. Ngunit nanatiling walang pakeelam ang dalaga. " Kaya naman naiisip ko, Dapat marunong kading humawak nang ganuong bagay. Hindi lamang sa iisang matalim ....."

"Mas maraming armas, mas maganda. Mas malakas ang laban mo. At Hindi ka agad basta basta mapapabagsak nang mga kaaway...." lumapit pa ito sa seryosong mukha ni Mina. " At tutulungan kita para maisagawa ang mga bagay nayun. " Umayos ito nang tayo. Bago tumingin sa isang tauhan at senenyasan ito na papasukin na ang isa ding taong kilala. Na kaganina pading nag iintay mula sa labas nang kanyang opisina.

"Mina, ipinapakilala ko sa iyo si Janver tan Williams, Kilala siya mula sa pag- gamit nang baril. At siya ang mag tuturo sa iyo kung papaano gumamit nang mga ganung klaseng armas " Pag papakilala ni Gavon sa lalaking kasalukuyan din nasa kanyang gilid.

May maayos na tindig ang lalaki. Malaki din ang pangangatawan nito. Medyo matangkad at may pag ka mistiso. At hindi maiitatangging may itsura din ang lalaki mula sa medyo kulot nitong buhok. Medyo chinitong mga mata at perpektong mga labi. Mas kagalang galang pa itong tingnan mula sa all back nitong suot na damit. Ngunit nanatili paring walang pakeelam si Mina. Wala siyang pakeelam kung sino mang ang taong nasa kanyang harapan. Ni walang kainte-interes ang dalaga sa mga bagay na iyon. Seryoso lamang nyang binalingan nang tingin ang lalaki.

" Hi Mina, Im Janver Tan Williams. But you can call me Tan for short. Its nice too meet you. " Iniabot pa nito ang kanyang malinis at maputing kamay mula sa babaeng kaharap nya. Ngunit tiningnan lamang iyon nang dalaga. Hindi niya iyon pinansin sa halip ay bumaling sya sa isa pang lalaking kaharap nya. Ang lalaking mas dapat pag tuunan nya nang pansin dahil ito ang nag papunta sa kanya sa lugar na ito. Si Gavon ang lalaking ito. Na medyo nadismaya pa sa pamamahiya nang dalaga.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon