CHAPTER: 15A

106 9 0
                                    


The Phsychopath Killer

Chapter: 15A Sino.

" Bitawan nyo ako! ano ba! Nasasaktan ako!"  Halos itulak nila ang babaeng ito. Iginapos nila ito sa isang bangko. Nag pumiglas ang babae ngunit nawal din iyon mula sa isang lalaking natanaw nya. Papalapit ito sa kanyang pwesto. Tila nilalaro pa ang isang baril na hawak.

" Kamusta Zoey, Ngayon  lang ulit tayo nag kita. Sa minalas malas pa  Marahil siguro  ito narin ang huli."  Si Lux ang taong ito. Hinawakan pa nya nang marahan ang mukha ni Zoey.

" Alam mo naman siguro kung bakit ka naririto." Nag pumiglas si Zoey. Alam na nya ang rason kung bakit pero sinisigurado nya wala silang mahuhuta sa kanya.

" Lux, Nalaman rin namin na aalis nadin sya ng bansa. Mukang balak pa tayong takasan"  Si Max ang lalaking ito.

" tama ba ang narinig ha? Beautiful girl?" 

" Bitawan mo ako!ano ba--"  Isang malakas na sampiga ang inabot nya kay Luxx.

" Ayoko nang malikot. Dapat Relax lang...huh???" Hinawakan pa nito ang buhok ni Zoey nang mahigpit. At iniharap sa mukha nya.

" Ngayon sabihin mo sakin...Sino.. ang nag utos sayo ba gawin ang bagay nayun kay Xue. Ikaw ang huli nyang kasama hindi ba? Kung ganun may nalalaman ka.."

Dinuruan lamang ni Zoey ang mukha ni Luxx at tumawa.Nainis dun si Lux 

" Mga hangal tingin mo ba? sasabihin ko sainyo? hahaha. Alamin nyo kung sino kung gusto nyo malaman."

" Gusto mo ba talaga ako subukan huh? Zoey. Kilala mo naman ako tama? Pero Gusto mo ba mag pakilala pa ako nang Husto saiyo?"   Kinabahan si Zoey. dahil una palang alam na nya ang ugali nang taong ito. Gagawin ang lahat makuha lamang ang gusto. Pero kailangan nyang hindi sumuko. Kailangan nyang tumupad sa pangako nya. Malaki din ang utang na loob nya sa taong pinag tratrabahuhan nya. Ito ang taong nag ligtas  sa buhay nang kanyang ama. Kahit ito lamang ang maging kapalit ng lahat.

Pero hindi maiwasang sumagi sa kanyang isipan ang babaeng  tinutulungan nang tao  kanyang kinauutangan.  Ibang klase ang babaeng yun. Nag aaral din ito sa Hanlim at ito yung sinasabi nilang Transferee. Pero
hindi nya lubos maiisip na mistulang baliw ito pag pumapatay. Sino ba talaga ang babaeng yun? Pag tinititigan nya ito may naaalala pa syang ibang tao dit

" Zoey. Alam mo maganda ka sana. Ang kaso magiging isa kalang sa mga taong masasayang sa mundo." 

" Alam nyo patayin nyo nako kung gusto nyo. Dahil wala rin kayong mahuhuta sakin. Mahihirapan lang kayo."

" Alam namin. Pero diba mas maganda kung pahihirapan ka muna namin bago ka namin patayin? Tingin mo?"  Tumawa ito nang mala demonyo. May inilabas naman ang ibang kasamahan na ito na tila planggana na may mga nag babagang uling.

" Gusto mo maranasan  ang init tulad nang sa impyerno? Wag kang mag alala hindi ako madamot. Ipaparanas ko sa iyo yun."  Walang ano- anong inilagay nila ang paa nang babae dito. Halos mapasigaw si Zoey sa matinding sakit. Maluha-luha narin ito.

Tila unti- unting nalulusaw ang kanyang mga paa. Sobrang sakit. Sobrang init. Ang hapdi.  Nakakapang hina iyon para kay Zoey.

"kamusta nag enjoy kaba?? huh?"   Diniinan pa iyon ni Lux.Halos mapasigaw ang babae. Pero matapang parin nitong hinarap ang lalaki.

" Y-yan lang ba ang a-ang kaya m-mo K-ahit a-anong pag papahirap mo h-hindi p-parin ako m-mag sasalita..." 

" Sige.. Kung yan ang gusto mo. Wala akong pakeealam. Alalahanin mo pag mas lalong pinapatagal. Pasakit ng pasakit."  Kumuha ito nang ilang baga at inilagay sa Hita nang dalaga. Halos mag pumiglas si Zoey .Pakiramdam nya mas dumoble pa ang sakit.

"Ano mag sasalita ka? oh hindi.."  Tumawa si Zoey. Inilapit ang mukha sa lalaki.

" H-hindi. At kahit a-anong gawin mo. Haha. H-hindi parin ang isasagot ko. "  Dinagdagan pa ni Lux ang baga sa hita ng babae.

" Inuubos mo ba talaga ang pasensya ko.. huh! sabihin mo sino ang nag utos sayo! sino ang taong alam mo ang mag kagagawan ng lahat?.MAGSALITA KA!!!".

" B- Bakit Lux? natatakot kana ba?huh?Unti- unti nang nauubos a-ang mga myembro mo..haha"  Kahit hinang hina na ito nagawa parin nitong tapatan si Lux.

" S-sige iputok mo. B-barilin mo n-nako. S-sinabi ko naman sayo n-nung una palang wala kanang mahuhuta s-sakin. Pi-napagod m-molang ang  s-sarili mo...." 

Kumuha nang kutsilyo si Lux at walang ano- anong itinusok iyon sa hita ni Zoey. Halos manlaki ang mata ni Zoey sa sakit. Ginagalaw pa iyon ni Lux at iniikot-ikot.

" Mag sasalita oh? Hindi.."  pag babanta ni Lux. Inis na inis na sya. Kanina pa syang nag titimpi.

Ngunit matigas ang ulo nang babaeng ito. Ni Ayaw mag sabi ng katotohanan. Nang gigigil na si Lux.

Si Spade nag mamadali itong lumapit kay Lux. Hinihingal at tila takot na takot. Ikinataka iyon ni Lux.

" L-luxx may masamang balita..."  Kinutuban agad si Lux. Putangina ano nanaman iyon.

" S-si V-vin... N-nasa labas ng hide out. Nakabalot ang katawan. T-tadtad nang tama ng baril . W- wala na syang buhay.. P-patay nasi V-vin... "  Halos magulantang si Lux.

" Hahaha.. See. Iisa-isahin nya kayo Lux  K-kaya kabahan k-ana k-ase malay mo ikaw na pala a-ang susunod na Target nya. Haha----"  Limang putok nang baril ang sunod-sunod na pinakawalan ni Lux.
wala duong nagawa ang babaeng si Zoey at mabilis din namang tumadtad iyon sa kanyang katawan. Dahilan para kumitil din ng buhay sa babae.

Halos itaas ni Luxx ang baril. Hindi pa sya kuntento. Pinutok nya iyon nang pinutok. Naiinis sya. Nanginginig sya sa galit.

Sino ba ang taong yun! Sino ang taong may kaugnayan kay Rebecca. Malabong buhay si Rebecca, dahil nakakasigurado sya matagal nang patay si Rebecca.

" L-lux  m-may babaeng nag pupumilit na pumasok sa Hide out. Gusto ka nya makausap. "   Hindi parin kumakalma si Lux. Ayaw nya nang istorbo sa ngayon. Ganitong nilalamon nanaman sya ng galit
.

"Ayon sa babaeng ito may nalalaman sya tungkol sa nang yayareng mga pag patay..  Baka makatulong sya sa atin.."  Mabilis na naagaw ang atensyon ni Lux. Pero hindi parin sya tuluyang kumakalma.


" Sige patuluyin nyo..."

Sino naman kaya ang taong ito?. Totoo nga kayang may nalalaman sya. Sya na kaya ang makakasagot sa lahat...


____________
A:N Dont forget to Vote' & Comment.

Hello how's the story? Nagugustuhan nyo pa ba sya?  Huhuhu.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon