CHAPTER: 25A

98 7 0
                                    

The physchopath killer

Chapter: 25A Bihag.

"Oo. Papunta nako. Nandito nako sa parking lot. Papunta narin ako dyan. "
Si Max ang taong ito.  Kausap si Tan sa kabilang Linya." Sige. Basta wag mong hahayaang makawala yang bata nayan. Malalagot tayo kay Lux."  Ibinaba namana nya ang tawag. Kinuha ang susi sa bulsa.

" Akalain mo nga naman mo nga naman ang pag kakataon. Nasa amin na agad ang pain. Isda nalang ang kulang." Ngumisi si Max. Sa wakas matatapos narin ang tila sakuna na pumasok sa grupo nila. Tangina lang talaga kase bakit ba huli na nang malaman nila gayong unti-unti nasilang nauubos.

" Yung babaeng yun malalagot sya." Binuksan na nya ang kotse nya.

Konting konti nalang makukuha na nila yung babaeng yun. At sa oras na hawak na nila ito. Tinitiyak nila na pag dudusahan nang babaeng ito ang lahat. Babawi sila dito. Ipag hihiganti nila ang kanilang mga kasamahan. Higit pa sa ginawa nito ang ipaparanasa nila sa babaeng yun..

Mag babayad sya.

Binuhay na ni Max ang Makina nang kotse.
Ngunit namatay din ito.

" Tangina.."  Kung kelan nag mamadali sya. Kailangan na nyang makapunta sa lugar kung saan pang yayarihan ng kanilang plano.

Hawak na nila ang batang yun. Sabi naman kase nung babaeng tumulong sa kanila ito nalang daw ang bahala. At ang tanging gagawin lang nila ay hintayin ang pag dating ni Mina. Mukang mapapag katiwalaan naman ito.

Pero putangina lang talaga. Kung kelan naman sa napaka importanteng araw at nag mamadali sya. Ngayon naman umiral ang sakit ng kotse nya.

" Uh! Bwisit!"  Sinubukan nya ulit ito paandarin. Mabuti nalamang at umandar.
Mabuti naman. Akala nya pahihirapan pa sya nito.

Pero nga ilang saglit pa ng Aalis na sana sya pero biglang may espada na humarang sa leeg nya. Hindi agad nakagalaw si Max.

" Shhh..Wag kang malikot."  

Isang boses ng babae ang narinig nya sa likuran ng inuupuan nya. Hindi nya alam pero kinilabitan sya sa boses nayun. Kitang kita nya din ang talim ng espadang ano mang oras gumilit sa leeg nya. Tangina sino ba ang babaeng ito.

Teka. Hindi kaya....

Patay na si Spade at si Max ang ika-anim na myembro. kung ganun  ang babaeng nasa likuran nya ay  walang iba kung di ang babaeng pumapatay sa kanila.

Ang babaeng nag ngangalang Mina. Tumingin siya sa salimin sa taas ng kotse nya. Halos manlamig ang katawan ni Max  ng makita nyadin dito ang mga matang nanlilisik ng babae. Mata na tila papatay ng tao. Nangisi din ito na mahahalintulad sa isang demonyo.

" A-anong  balak mo"  Kinakabahan si Max. Gusto nya mang lumaban pero delikado sya.

Kung ganun itong babae na pala na ito ang tumapos sa buhay nila Bill at ng iba pa nyang kasamahan. Totoo nga ang sinasabi ng ibang tao patungkol sa babaeng ito. Tila hindi nga ito basta-basta. Hindi ito natatakot pumatay.

" Kung nakita mo ang mga sinapit ng kasamahan mo. Iyon ang balak ko sayo."  Halos lunukin ni Max ang sariling laway.

" Handa kana ba?"  Tangina ngayon lang sya kinabahan ng ganito. Parang nawawala si Max sa sarili. Hindi nya alam ang gagawin nya.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon