CHAPTER: 11A

114 10 0
                                    

Chapter: 11A Balak.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman nang pinuno nasi Luxx  mula sa  grupong Blackdemons, Pag kagalit , pag kalito  mula  sa mga nang yayaring krimen mula din mismo sa kanyang mga myembro. Hindi nya maiwasang tanungin ang sarili sino ang taong nasa likod nang lahat nang mga pag kamatay na nagaganap na ito.

Si Billy ang una nyang kamyembro namatay na ito, ngayon naman si Lucas.
Tangina sino? Sino ang taong gumagawa nang bagay nayun sa kanila.

Ngunit may isang tao ang tumatakbo sa kanyang isipan.  Walang iba kung di ang matandang iyon. At hindi sya nakakasigurado kung sya nga ang taong yun. Alam nyang malaki na ang naitulong nito sa kanila  ngunit may kutob sya.

" Luxx! Mukang napadalaw ka. Ngayon nalamang ulit tayo nag kita." 

Wala nang pakeelam si Lux kung marami mang armado ang nakapalibot dito. Galit nya itong nilapitan at kwenelyuhan.

" Sabihin mo sakin! may kinalaman kaba sa mga nang yayari! ha!!!"  Nang gigigil na si Lux. Wala syang pakeelam kung maraming mga baril ang mga nakatutok sa kanya. At ano mang oras pwedeng mag pasabog sa kanyang bungo.

Tila naguluhan pa ang matandang ito.

" Luxx. Kumalma ka lang ano bang sinasabi mo??.."

" Si! Billy! pati narin si Lucas! may kinalaman kaba sa pag kamatay nila! HAH! "  Mas lalong nagalit si Lux nang maalala ang mga sinapit nang kanyang ka myembro.

Gustong gusto na nyang suntukin ang matanda sa nadaramang galit. Nanginginig narin ang kamao nya.

"P-patay na sila?..." tila nagulat pa ito mula sa hindi inaasahang balita.

" Tangina.Wag kanang mag maang -maangan tanda! alam kong may kinalaman ka sa pag kamatay nila!!"  Halos titigan na ni Lux ang mga mata nang matandang ito. Alam nya tama ang kutob nya. Siya lang ang may kakayahang gumawa nun. Pero hindi parin maalis sa kanya ang tanong na " Bakit?"

Kung sya nga ang nasa likod ng lahat ng ito. Bakit nya  ito ginagawa. Kung tutuusin marami na itong naitulong sa kanila.

" Lux. Kumalma ka. P-paano ko naman magagawa ang bagay na  iyon. Ni hindi ko nga alam na patay na ang mga kasamahan mo" Tila mababakas mo pa ang mga namumuong kalungkutan sa mga mata nito." Lux, makinig ka paano ko magagawa ang bagay nayun sa inyo. Higit pa sa mga anak ang turing ko sa inyo. At sino bang magulang ang nanaisin na mapahamak ang kanyang mga anak. " 

Tila nag sasabi naman ng totoo ang matanda.

" Baka naman may ibang tao ang nasa likod nang pag patay na sinasabi mo. Isa sa mga naging biktima nyo... "  Tinitigan nito ang mata nang binatang nilalamon na nang galit. " Wag kang mag- alala kung gusto mo.. Tutulungan ko kayong hanapin ang taong yun..Lux. Sinisigurado kong pag babayaran nya ang lahat...." 

Gustong maniwala ni Lux ngunit tila may kung ano paring pumipigil sa kanya.
Hindi parin sya kumbisido.

" Siguraduhin molang tanda dahil sa oras na malaman ko na may kinalaman ka sa lahat. Ako mismo ang papatay sayo."  Inis nyang binitawan ang matanda. Isang pag babanta muna ang ginawa nito bago inis umalis. Halos padabog pa nitong sinirado ang pinto na halos umecho sa loob ng opisina ng matanda.

" Mr. Villafuerte ayos lang po ba kayo?"  Tanong nang isa sa  nga katiwala nito sa matanda. Itinaas naman nito ang kamay mistulang sinasabi na wala na dapat itong ipag alala pa.

" Ayos lang ako... " Hindi nya maiwasang mapatingin sa pintong pinag labasan ni Lux. Napailing ang matanda.  " Ngayon mistula silang nakikipag hulaan sa  totoong taong  nasa likod ng kasamaang nangyayare sa kanila. Nakakatawa."

Si Mr. Villafuerte oh " Gavon" kung tawagin  ang taong nag mamay-ari Nang Hanlim University. Siya din ang nag bigay sa grupo na ito nang pag katataon upang pag harian ang paaralan. Bilang pag tupad din sa kanilang kahilingan. Hindi din maiwasang mapangiti nang matanda. Dahil sa pag arteng ginawa nya kanina.
Alam nyang hindi nya pa ito tuluyang nakukumbinsi  ngunit maigi narin iyon  atleast kahit papaano ay kaunting napawi ang kutob nang lalaking ito sa kanya.

"Paano nalang po Boss kapag nalaman nila  na may kinalaman kayo sa lahat?. Panigurado hindi nila iyon palalampasin"  Alam  na ni Gavon na mang yayari din ang bagay nayun. Pero kampante na sya at wala nasyang dapat ipag alala pa. Dahil nakakasigurado sya bago paman mang yare ang bagay nayun. Paubos na ang myembro ng grupong  ito. Isa-isa na silang namamatay.  At ito ay dahil   lamang sa babaeng labis- labis ang pag hihiganting nadarama.

Hindi nya tuloy maiwasang isipin ang babaeng si Mina. Tila sobrang nakakamangha talaga ang babaeng ito para sa kanya. Hindi nya lubos maisip na ang dating walang muwang na paslit na kasa-kasama  lamang noon ni Ribecca. Ay magiging  ganoong kalakas. Aaminin nya noon paman ay may pag ka misteryoso na ang batang ito dahilan para napag kamalan ni Gavon na baliw ang batang ito.
Lagi itong tahimik, Tila matatalas ang tingin. Hindi nag sasalita at laging nag tatago sa sulok tila takot na takot sa tao.

Kaibang kaiba sa kapatid nitong si Rebecca na napaka- daldal. Masiyahin at laging may mga ngiting masisilayan sa mukha. Magaling din ang batang ito lalong lalo na sa Martial Arts, pag hawak ng baril at iba pa. Kaya mabilis ding napukaw ang kanyang atensyon mula sa batang si Rebecca at tinulungan nya itong pag aralin at dalhin sa Syodad. Ni Hindi manlang talaga sya nag kainteres sa batang si Mina.

Ngunit ngayon hindi na nya maiwasang mamangha dito. Tila mas magaling papala itong maiikumpara kay Ribecca. Yun nga ngalang tila mas lalong hindi na ito nakakausap at masyadong mga wirdo ang kinikilos . At isa din sa hinahangaan nya sa dalagang ito. Iyon ay ang hindi ito natatakot na pumatay. At higit pa sa pag normal na pag patay ang ginagawa nito. Isang karumul-dumal na pag patay ang alam nitong gawin. Tila mala halimaw na sabik na sabik na mag padanak nang dugo  ng tao. Nakakamangha.

At gusto nya nang mga ganun. At konting konti nalang ang panahong hihintayin nya para makamit ito. Alam nyang marami pang mga sikreto ang hindi pa tuluyang nabubunyag ngunit hindi nya hahayaang mabunyag ang mga sikretong iyon. Mga sikretong maaring  mag papabagsak sa kanyang mga minimithing mga plano at hangarin.


Hinding hindi nya iyon hahayaan.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon