CHAPTER: 21A

102 7 0
                                    


The Phychopath Killer

Chapter: 21A Puno.

Sumigaw si Noah. Nakadipa pa ang mga braso nito habang tumatakbo. Masyado nyang dinadama ang malakas na simoy ng  hangin na dumadampi sa kanyang mukha.

Narito sila sa isang lugar kung saan ay  kapatagan.Nasa tuktok ito ng bundok ngunit patag ito. Marami kading makikitang mga damo na mahahaba, na sya ring namang dumuduyan sa hangin.
Bilang lamang din ang makikitang puno.

" Ito yung lugar na sinasabi ko sayo. Ang ganda diba.?"  nakangiti si Noah. Pinag mamalaki nya ang kabuoan nang kapatagan. Ang lugar na gusto nya laging puntahan. Ang saya saya nya. Ang gaan sa pakiramdam sana lagi nalang ganito.

Hindi nya maiwasang sumulyap sa dalaga.
Pinag mamasdan din ni Mina ang paligid.
Sinasabi na nga ba at magugustuhan din nya ito. Pinag masdan nya ang mukha ni Mina hindi seryoso ang mga mukha nito. Pero kalmado parin ito, Tila sinusuri din ang paligid.  Bumabagay naman din ang buhok nito na kasalukuyang dinadala ng hangin.

Ngumiti si Noah.

" Alam mo sa lahat itong place nato ang gustong gusto ko."

Malayo kase ito sa mga tao. Bibihira lamang ang nakakapunta dito. Nakita ni Noah ang lugar na ito ng dahil sa kanyang aso na si Paw. Hinabol nya kase ito hanggang sa hindi nya inaasahan at  mapad-pad sila dito. Mahilig din kaseng umakyat si Noah ng bundok para dumiskubre ng kakaiba.

At isa nga ito sa mga nadiskubre nya.
Kaya simula nun dito na sya laging nag pupupunta. At Ngayon may isang tao nasyang dinala dito. Isang babae na sya din namang  nagugustuhan nya. At napaka importante ng babae naito sa kanya.

" Nakikita mo bayung puno nayun! yung  lang ang pinaka malaki na puno dito. At duon ako tumatambay."  Tinuro ni Noah ang nag iisang puno na nakatayo sa pinaka sentro ng kapatagan. Malaki ito at malago ang dahon. Medyo matataas.

Dinala nya duon si Mina.

" Ang ganda diba.  May pangalan ang punong ito."  pag mamalaki pa nya. Pakunwaring umubo pa ito bago mag salita.

" Mina. Meet may Loving Puno. Pinapakilala ko sayo si Lights Aceber ang kaibigan ko sa kapatagang ito. "  Ngumiti si Noah nang mapansin nya ding ang bahagyang pag ngiti ni Mina. 

Kaya din siguro napapagkamalan syang Wirdo dahil pati puno kinakausap nya. Pero malapit lang talaga sya sa kalikasan dahil tulad ng tao dapat mo din itong pahalagahan.

" Dito ako nag babasa ng libro Mag isa lang ako dito pero minsan kasama ko si
Paw. Yung aso ko."   Tumawa si Noah.

" Tingnan mo. may mga sulat din akong ginawa dito sa puno. " Tinuro  nya ang pangalan na ginawa nya. Pangalan iyon nang puno. Madali din kasing umukit dito.

May naisip si Noah.

" Ayan! Hahaha." Inukit nya din dito ang pangalan ng dalaga. Gumawa din sya ng pangalan nya katabi nito. Nilagyan nya ito nang  tila kaparis ng puso.

Nakalagay ito sa pangalan ni Noah Pero hindi pa ito tuluyang nabubuong puso.

" Nakita mo yan.. Ahm- Pag."  Bigla syang kinabahan. Pinilit nyang pakalmahin ang sarili pero parang hindi parin iyon naalis.

Tila Nag aabang din si Mina.

" Ah! Haha kalimutan mo na.."  Pero pansin naman ni Noah na nag aantay parin ito.

May naisip sya.

May isinulat pa sya nakung ano  sa puno.
Medyo matagal iyon dahil masyadong madami. Nang matapos na sya hinarap na nya si Mina.

Hindi iyun mabasa ni Mina dahil hindi pa sya natututo mag basa.

" Nakikita mo ba yung pangalan ko, Katabi nito ay ang pangalan mo. Mapapansin mo din yun tila guhit na parang bahagi ng puso na pumapalibot sa pangalan ko. pero hindi payan Buo. "  At mabubuo lang iyun kapag dumating na ang panahon kapag nalaman na nya ang sagot ni Mina.  At kapag dumating na ang araw na iyon pwede na nyang sakupin ang pangalan nito at tuluyang bumuo ang puso.

" at kung mapapansin mo din may isinulat pa akong mga salita sa ilalim nito isa yung tanong..At  Pag natuto kanang mag basa tsaka mo palang ito malalaman, Nakakasigurado ako na masasagot mo na ito.  "

Napatingin duon si Mina. Letra lamang ang alam nya pero sa oras na  pag pinag sama-sama na iyun hindi na nya ito nababasa.  Balak ba syang pag laruan ng lalaking ito.

" Wag kang mag alala, Wala naman akong intensyon na masama eh. Haha! Basta pag natututo kana mag basa at nabasa mo na ang tanong,  masasagot mo nayan. At nasasaiyo na iyun kung ipapag patuloy mo ang iginuhit ko.  "   Pero natatakot si Noah. Paano kung pag katapos nun. At malaman na ni mina ang tanong na iyon.  Mabigo si Noah. Natatakot sya. Pero kailangan nya yung harapin dahil hindi na sya duwag. Hinding hindi na sya magiging duwag.

Pero hindi nya maiwasang itanong sa sarili. Kung sakali ngang dumating na ang araw na iyon. At salungat sa kanyang iniisip  ang magiging sagot ng dalaga. Nang babaeng nagugustuhan nya. ..

Tatanggapin nya kaya?.Kakayanin nya kaya.

Parang hindi, kase sa  bawat araw na lumilipas mas lalong hindi na nya maunawaan ang nararamdaman. Parang habang mas tumatagal mas lalong nagiging importante ang babaeng ito sa kanya. Importante pa kesa sa buhay nya.  At natatakot sya na baka mangyare ang bagay na sya rin naman nyang kinakatakutan...

Hindi nya iyon makakaya...

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon