CHAPTER: 1B

224 15 0
                                    

The Physchopath Killer
Chapter 2: Msyterious

" Boss, mawalang galang napo may isa pong taong nag hahanap sa inyo" Magalang at pormal na saad nang isa sa mga utusan. Madali itong makikilala mula sa all black nitong pananamit. Pormal na pormal. Medyo yumuko pa ito sa isang lalaki na kung ituring nila ay Hari. Wari moy gayon nalamang kataas ang posisyon nang taong ito kung igalang. Busy ito sa mga papel na nasa kanyang harapan. Ni walang intensyon na makipag usap sa iba.

" Importante ba ang taong iyon. Kung hindi naman. Alam mo na ang aking sagot" Tugon nito na hindi manlang inaalis ang tingin sa mga papel nitong hawak. Ni ayaw paistorbo sa kanyang mga ginagawa.
Sa kabila nang pagiging kalmado at pulido nang mga boses nito. Mapapansin mo parin ang maotoridad nitong tono. Wala syang oras ngayon sa mga bisita lalo pat kung hindi naman kaimpo-importanteng tao ang kakausapin nya. Ayaw nyang pag aksayahan ng oras ang mga taong tulad nito. Bukod pa dito marami din syang ginagawa namas dumagdag pasa pag kainit nang kanyang ulo.

"Pag paumanhin nyo po, ngunit kasalukuyan nya napong tinatahak ang daan patungo sa inyong office" Sa narinig ay tila parang nag pintig ang kanyang mag kabelang tenga . Dahilan din para mapahinto siya sa kanyang ginagawa. Para sa kanya masyado atang naging pabaya ang kanyang mga tauhan at hindi manlang nagawang harangin oh pigilan ang taong iyon.

" sinubukan narin po naming pigilan ang misteryosong taong ito. Ngunit nabigo po ang iba kong kasamahan, masyado pong mapilit ang babaeng ito" Nanliit ang mga mata nito. Babae? Mga inutil ang kanyang mga tauhan. Paano sila nagawang lampasan nang isang ordinaryong babae. At hinayaan lamang itong makapasok sa kanyang teritoryo. At ngayon ay tinatahak na ang daan patungo sa kanyang pribadong opisina kung saan siya ngayon naroroon.

" Bukod po doon, masyado din pong malakas ang kanyang kakayahan, kumpara sa isang normal na babaeng alam namin. Patawad. " Hindi siya nakaimik sa sumunod na pahayag nang kanyang tauhan. Hindi niya alam kung hahayaan nya ang kanyang sarili na maniwala sa mga impormasyong lumalabas sa bibig nito.

Hindi ordinaryong lakas gaya nang isang normal na babae? Imposible ang sinasabi nang tauhan nya sa kanya. Pero kung nag sasabi nga ito nang totoo. Bilang nyalang ang mga taong nag tataglay nang ganoong abilidad. Ngunit batid sa kanyang kaalaman ay matagal nang wala ang mga taong ito. Hindi narin nya nakita ang isang taong alam nyang nag tataglay nang ganitong abilid matapos sa nang yareng insidente dito dalawang taong nang nakakalipas.

Agad syang natigilan sa kanyang naiisip Kung ganun posible kayang... Bumaling ang kanyang tingin sa pinto nang kanyang opisina. At wala pang isang saglit ay agad din itong nawasak . Tila may kung sinong taong malakas na sumipa mula sa labas nito. Hindi nya maiwasang mamangha. Hindi din sya makapaniwala. Halos magulantang siya sa imahe nang babaeng kanyang nakikita.Mula sa nawasak na pinto ding iyon. Na sya mismo din ang may gawa.

Isang mga ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki. Tama ang kanyang hinala. Ang babaeng nasa loob nang kanyang opisina ay hindi ang babaeng biktima mula sa insidenteng nangyare dalawang taon na ang nakakaraan. Ang taong ito mismo ay ang nakababata nitong kapatid.

Kung iyong titingnan sa unang tingin hindi mo inaakalang mag kapatid sila. Malayong malayo ang itsura nang dalawa sa isat-isa. Ang mga mata nito ay ibang iba tila napakahirap nitong basahin. Ang mga labi nya na medyo nanunuyo pa. Mga buhok nyang may pag ka buhag-hag. At ang karakter nito bilang isang napakaseryosong tao. Na hindi manlang ata dinadapuan nang kahit ano mang emosyon. Ibang iba sa kanyang kapatid na palaging masisilayan ang mga ngiti sa labi.

Pero kung iyong susuriin at titigan ang mukha nang babaeng ito, mag mimistula kang namumuhay sa isang ilusyon. At unti-unti mo nalamang mapapansin na may pagkakahawig pala talaga sila. At Habang mas tumatagal mas nakikita mo ang iisa nilang anyo. Nakakamangha.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon