CHAPTER: 6B

149 11 0
                                    

Chapter : 6B Lason

Halos hindi galawin ni Lizzie ang pag kaing nasa kanyang harapan.Patuloy parin syang binabagabag nang kanyang isipan. Patungkol sa naganap na aksidente kagabi.

Ang bangkay ni Carron kinuha nalamang ito nang kanyang pamilya. At gaya nang nakasaad  sa Rules nang paaralan Hindi dapat ito ipaalam pa sa kinauukulan. Ganito ang problema sa paaralang ito. Kapag may nang yaring insidente sa loob walang pakeelam ang mga tagalabas. At kung maihatid man iyon sa kinauukulan  matatalo  kalang kapag wala kang sapat na kakayahan para makipag sabayan..

Hindi sapat ang mga ibedensya dahil kaya lamang iyong Lamangan nang pera. Pag katapos nun tila mag bubulagbulagan nalang ang gobyerno sa kung anong totoong nang yare. Pag tatakpan ang totoong naganap at tatapalan nang mga maling paratang at impormasyon. Kaya wala naring nag lalakas loob.

Kung baga sa paaralang ito pataasan nalamang. Mag matapang ka kung ikaw ang sa tingin mo ang mataas sa ibang tao. Pero once na may iba pang nakakataas sa iyo at mas nakakalamang tumahimk kana. Marahil mayaman ka, pero mas mayaman sila. At Mas malaki ang kakayahan kesa sa kaya mong gawin.

At ayaw ni Lizzie nang ganun kaya hanggat maari pinipigilan nya na ang pag dami nang krimen sa kanilang paaralan.
Ngunit ang nang yare sa kanyang kaibigan  hindi parin ito maalis  sa kanyang isipan. Hindi manlang sinubukang alamin ang katotohanang na sa likod nito. Pero
sabagay hindi namana maniniwala ang tao.

Dahil ang alam nang  lahat isang aksidente lang  ang nang yare at ang sanhi nang papakamatay ni Carron ay ang pag brebreak nila nang kasintahan nitong si Tan dahil sa palagiang pag aaway at hindi na nito kinaya ang sakit nararamdaman. Pero si Tan halos mabaliw na ito nang malaman ang sinapit nang kasintahan. Palagi na itong tulala tila nawawala sa katinuan.

Pero nakakasigurado si Lizzie hindi aksidente ang lahat. Alam nyang hindi nag pakamatay si Carron dahil malabo iyung gawin nang kaibigan.

Hindi niya maiwasang tanungin ang sarili. Na kung hindi si Carron ang may
kasalanan. Sino?  Sino ang taong nasa likod nang pag patay na ito. Anong pakay nya. Ganun nalang ba ang galit nito kay Carron para magawa ang ganoong klaseng pag patay sa  dalaga. Masyadong mapuot at kalunos-nos. Hindi isang normal na tao ang makakagawa nang bagay nayun. Parang matindi ang galit nang taong ito.
at nilalamon na siya nang galit na iyon.

"Tulala?? "  Napabalingin si Lizzie sa babaeng nakiupo pa sa kanyang table. Si Alice ang babaeng ito. Inatasan nyang maging sekretarya nya. Katulong nya sapag gawa nang report na kailangan ipasa sa pinaka head nang school.

Ngumiti pa ito tsaka inilapag ang apat na Brown envelop. Alam ni Lizzie ang apat na envelop na ito. Nakalagay dito ang mga death report na nang yayari sa loob nang School nila. At isa din sya sa mga nag aasikaso nun dahil siya ang nakaisip nang proyektong ito. Ginagawa nya ang bagay na ito para sukatin ang bawat
estudyanteng namamatay kada taon.

Tinitingnan Kung tumataas ba ang bilang nang namamatay oh  Bumababa. At sa  taong ito masasabi nyang medyo bumaba naman nananatili parin ang mababang porsyente nito matapos nang dalawang taon. Pero hindi niya alam kung hanggang kelan ito tatagal oh mananatili pa  ba ito sa ganitong mababang lebel .Hindi siya sigurado. At hindi sya makapante dahil tila parang iba ang nararamdaman nya sa ngayon lalo pat may buhay nanamang nawala.

Pero nag taka si Lizzie. Masyado naman atang madami ang Brown Envelop na ito. Samantalang ang alam nya lang na namatay ay ang kaibigan nyang si Carron.

"Bakit parang andami naman ata nito?"
Takang tanong ni Lizzie. Bago buksan ang iba pang mga brown envelop.

" Death report yan nung mga kasamahan nung Reihn Salazar. Ang usap-usapan nalason ang tatlong yan at yung tinuturing lang nilang leader ang nakaligtas...."Tiningnan ni Lizzie ang mga nasa picture na nakalagay mula duon. Dito makikita ang mga bumubulang bibig nang mga ito. Tila  Sinadya ang pang yayaring iyon.

"Wag ka mag alala, Konti pa yan. Mas madami parin case sa mga pambubully at pam bubugbog.  Kesa sa mga suicide at pag patay. At alam mo naman siguro kung sino ang mga may pasimuno nang lahat nang yun." Alam nya ang tinutukoy ni Alice. Walang iba kung di ang mga lalaking iyon. Ang tinaguriang
Black's Demons  sa paaralang ito.

Walong  mga lalaki na mistulang nag hahari-harian sa Paaralang ito. Mga lalaking binigyan nang pag kakataon na gawin lahat nang gusto mula din sa taong may pinaka mataas na posisyon oh nag mamay-ari nang Hanlim. Mula sa  mga pambubully, pambubugbog, at ibat-ibang klase nang mga pananakit.

Malaya nilang nagagawa ito kahit pa may batas na sinusunod sa paaralan . Wala itong  mga pakeelam. Kung baga para sa kanila sila pa ang mas batas. Hangarin nila ang mas nasusunod at walang makakapigil sa kanila .

"Matatapos din to. Nakakasigurado ako."  saad ni Lizzie. At bilang isang namumuno na may pinaka mataas na katungkulan gagawin nya lahat matigil lamang ang mga krimen sa paaralan na kanyang pinamumunuan.. Sinisigurado nya  iyon.

"Lizzie! Lizzie!"  Isang nag hihinagpos na lalaki  ang kasalukuyang pumunta sa kanya. Pawis na pawis ito at tila takot na takot. Si Paulo ang taong ito.

" B-bakit? "  Maski ang babaeng si Alice hindi narin maiwasang mapabaling sa lalaki at mag alala.  Ano bang kinakatakutan nya.

" S-si Reihn... N-nakitang nag w-wawala sa C.R  nang mga babae. Tila nawawala sa Sarili..."  Humihingal nitong sambit.

" A-ano!???"  nag katinginan pa ang dalawang si Alice at Lizzie. Bago sundan si Paulo.

Pag karating nila duon. Halos marami naring mga estudyante ang nakikiosyo-syo.
At mula sa loob nang C.R maririnig mo narin ang sigaw. Sigaw nang tila isang babaeng nag wawala .

" Mag sitabi! kayo!! ngayon din!" sigaw ni Alice.  Na agad din namang humawi ang mga estudyanteng ito. Nauna nang pumasok duon si Lizzie. Na halos magulantang pa sa naabutan.

Si Reihn, Nasa isang sulok ito. Nanginginig, umiiyak, tumitingin-tingin sa paligid. Tila isang babaeng nawawala sa katinuan. Medyo basa din ang School Uniform na suot nito. At may mababakas kapang dugo mula sa kanyang noo na wari moy inumpog nya ang sarili mula sa pader.

Marami din itong mga pinag sasabi na hindi maintindihan.

"B-bumalik sya... A-andito na sya hahaha... H-hindi hindi pwede..."  Umiiyak tapos di kalaunan tatawa. Naguguluhan. Natatakot.

" M-mag hihiganti sya... N-narinig ko. hahaha. N-nakakatakot.."

Bahagyang humakbang si Lizzie papalapit kay Reihn.

"Reihn... Wag ka mag alala nandito na ko. Si Lizzie hindi kita sasaktan.."  Ngunit mas lalo lang itong natakot at nawala sa sarili.

" H-hindi... W-wala nasya.. I-kaw papatayin k-kadin nya.. L-lahat kayo! I-isaisahin nya k-kayo.. P-patayin nya kayo.. Hhaahah papatayin nya kayo..!!!! "  May tinutukoy itong tao. Pero sino? Naguguluhan na si Lizzie. Maski Si Alice.

"Y-yung mga mata nya.. D-demonyo.. P-patayin nya kayo! Haha!! a-yoko na ..ayoko na!"  Umiyak na ito nang umiiyak na halos takpan narin nya ang mag kabelang tenga.

Si Lizzie hindi na nya alam ang gagawin nya. Bakit ba ang daming nang yayare. Sino ba ang nasa likod nang lahat nang ito.
Ang mga  pitong lalaki  ba naiyon? Iyon lamang ang alam nyang makakagawa nang bagay na ito. Pero bakit may kung anong nagsasabi sa kanya na may iba pang tao ang nasa kabila nang lahat nang ito. Taong mas malaki ang kakayahan para magawa ang ganitong bagay.

Sandaling natigilan si Lizzie. At iginala ang tingin. Hindi nya alam kung bakit tila nararamdaman nanaman nya ang bagay nayun. Ang mga tingin na yun na nag mumula sa kung saan.  Mga tingin na Tila parang may  matang nakamasid sa kanila. At katulad- na katulad ang pakiramadam nayun nung nasa rooftop sya. Katulad sa nang yareng insidente kay Carron. At  Kung tama man ang kanyang hinala na marahil iisa lamang ang taobg may gawa nito......




Pero sino? Sino ang taong yun......


Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon