CHAPTER: 22A

106 6 0
                                    


The Physchopath Killer

Chapter: 22A Ahas.

" Pres.? Hindi  pa ba kayo uuwi?"  Tanong ng isang estudyante kay Lizzie. Pero nakatulala lang ito.

" Sige , Pres. Una nako sa pag uwe. Ingat ka dito." Masyado atang busy ang Kanilang student president kaya ayaw mag pa istorbo. Madami narin siguro  itong iniisip.  Mauuna nalamang syang umuwi dito.

Halos 6:00 pm na nang hapon.  Halos Wala naring estudyante sa Hanlim. Ngunit nandun parin si Lizzie. Para sana tapusin ang paper works pero tulala lang ito.

Hanggang ngayon kase  patuloy paring nag lalaro sa isipan  nya ang mga impormasyong nalaman nya kanina.

Ang dami na nyang tanong sa sarili na tila walang kasagutan.  Rebecca ang pangalan na binanggit ni Mr. Salazar? Pero bakit? Bakit naman kaya masasabi yun ni Rhein?
Matagal nang patay si Rebecca. Kasama din sa Binanggit nito si Mina. Naalala ni Lizzie nung mga sandaling marinig nya ang mga huling katagang yun. Halos  mabitawan na talaga nya ang phone na hawak. Bigla syang nanlamig sa kaba.

Sigurado si Lizzie  na si Mina ang  tinutukoy nitong misteryosong transferee. Ngunit sa kabilang banda hindi nya maiwasang mag taka. Bakit  nadamay din si Mina? Ibig bang sabihin nun  May kinalaman sya sa nang yayare.

" Ah! Hindi ko na alam!" Gulong gulo na sya.  Sumagi din sa kanya ang sinabi ni Alice. Kung tutuusin may point naman talaga ito. Bakit nga ba wala sa Record list ng mga estudyante si Mina, bilang patunay na isa na sya sa mga estudyanteng nag aaral sa Hanlim gayong nag transfer na ito dito.

Bakit kakaunting impormasyon lamang ang alam nila patungkol dito. At tama din si Alice ,dahil kung yung susuriin naman talaga kase simula nung dumating si Mina sa paaralan mas dumami pa ang case ng mga  pag patay. Hindi lang basta isang simpleng  pag patay kung di isang karumal-dumal na pag patay. At nakakasigurado si Lizzie na iisa lamang ang taong  gumagawa nito.

At isa pa  hindi alam ni Lizzie kung tama man itong kutob nya na ,  kung yung pag uugnayin din kase ang mga nang yayare. Halos lahat ay may konektado kay Rebecca. Halos lahat ng mga namamatay tila ay may naging bahagi kay Rebecca noon. Lalong lalo na sa Blackdemons. Na unti- unti nang nauubos. 

At kung sasabihin nga nating si Mina ang mag gawa ng lahat. Maraming tanong na bakit? Bakit nya yun nagawa? Gayong nung kelan  lang nito nakilala ang grupo.

Pero Kung si Rebecca naman ang may kagagawan nang lahat? Mas Malabo itong mang yare dahil matagal nang patay ang kaibigan nya.

" K-kung ganun? Si Mina ba??"

Ayaw man maniwala ni Lizzie pero napakaraming ebedensya na ang nakalatag. At ito na mismo ang   kusang lumalapit sa kanya. Iisa -iisahin  at hihimay-himayin nya nalang.

Una. Kasama sa nabanggit ni Mr. Salazar ang misteryosong babae at sigurado si Lizzie na si Mina ang tinutukoy nito. Pangalawa. Yung sinabi ni Alice na , Wala sa Record list si Mina . Pangatlo.  Kakaunti lamang ang impormasyong alam nila dito na maski si Lizzie inaamin nya na kahit mag kaibigan na sila nito ay hanggang ngayon  hindi pa talaga nya ito lubusang kilala. Pang-apat. Simula nung dumating ito sunod-sunod na ang pag patay.

So ang ibig sabihin lang nun. Higit pa sa pagiging isang misteryoso si Mina. Marami pa silang hindi nalalaman dito.

Pero kung si Mina nga ang suspek sa lahat.
Bakit niya ito nagagawa? Ano ang koneksyon nya kay Rebecca? Sino ba talaga sya?. Ano ang nasa likod ng kanyang katauhan na hanggamg ngayon nananatiling malaking katanungan para kay Lizzie.

Hanggang sa...

" Mina..??"  Isang alaala ang pumasok sa isipan ni Lizzie. Kaya ba parang pamilyar na sa kanya ang pangalang yun nung una palang.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon