CHAPTER: 19A

102 8 0
                                    

The physchopath killer

Chapter: 19A  Kakampi.

" Sige Bitawan nyo na sya.."  Utos ni Lux sa mga kasamahan. Binitawan na nga ng mga ito ang isang babae. Ito yung babaeng pumunta sa kanilang Hide out at sinabing marami daw syang nalalaman. Hindi nalang hinintay nila Lux ang palugit nito bago sabihin ang mga impormasyon. Masyado itong matagal para sa kanila.

" Sabi mo kilala mo ang taong nasa likod ng mga  pag patay   Sabihin mo sino ang taong yun." 

" Masyado naman ata kayong mabilis. Hindi pa natatapos ang tatlong araw  na binibigay ko sa inyo."

Ngumisi si Lux.

" Masyadong matagal ang tatlong araw. Nakakainip. "  kung iintayin pa nila ito baka tuluyan nang maubos ang mga myembro nang kanyang grupo.

" Kaya bakit hindi nalang ngayon. Patatagalin mo pa."  Hawak ni Lux ang kanyang baril. Ngunit tila ni hindi manlang nakakaramdam ng takot ang babae.

" Nakakatawa masyado kayong atat. Pero sabagay kumpleto namana ang mga impormasyong sasabihin ko..." 

" Kung ganun sabihin mo na. Wag monang pina patagal  Ayoko sa lahat yung naiinip." 

" Bakit? Natatakot kana ba?. Kinakabahan? Iilan nalang ba kayong natitira? Oh baka naman.....

Natatakot kana kase Baka mamaya ikaw na ang isunod nya.."  Nag pintig ang tenga ni Lux at kwinelyuhan ang babae. Nang gigigil na sya. Hawak nya din ang baril.

" Mag dahan dahan ka sa pananalita mo babae."  Pero ang babae, ni hindi manlang nasisindak at nakakaramdam ng takot mula kay Lux.

" Bakit? Papatayin mo ako? Sige patayin nyo, sayang naman yung mga impormasyong nilakap ko."  matapang ang babaeng ito.

" Lux! Huminahon kamuna .. Hindi pa ito ang tamang panahon para patayin ang babaeng yan." Si Max

Inis na binitawan ni Lux ang babae.

" ngayon sabihin mo na ang nalalaman mo. "  Maski si Max nag titimpi narin.

" Kung ganun ibibigay nyo ba ang gusto kong kapalit?"

" Mas Doble pa ang perang ibibigay namin sayo pag sinabi mo ang nalalaman mo. Nang kumpleto at makatotohanang impormasyon."

Ngumisi ang babae mabuti nalamang at madali kausap ang mga taong ito.

" Kilala ko ang taong nasa likod ng mga pag patay. ... "  Panimula nito.

" Maniwala kayo sa hindi. Iisang tao lamang ang gumagawa nang bagay nayun, Iisa pero may tumutulong sa kanya.."  Nakikinig lang ang Blackdemons.

" tama kayo ng Hinala. Hindi si Rebecca ang nasa likod ng lahat ng ito dahil matagal na syang patay. May ibang taong gumagawa nun sa kanya at oo. May koneksyon sya kay Rebecca.. ..." 

" At hindi sya basta-basta.  Simpleng tao ngunit may kadilimang bumabalot sa katauhan nya. Kaya nyang pumatay sabik syang pumatay.... Walang sinasanto walang kinakatakutan... Kahit pa ikaw..." binalingan nito si Lux.

" Sino ang taong yun.?"   Hindi natatakot si Lux sa taong yun.

Humalakhak ang babae.

" Katulad ng sinabi ko. Isang simpleng tao pero hindi mo aakalaing halimaw ang pag katao. Hindi lalake pero babae .... haha.. "  Babae??

Hindi makapaniwala si Lux. Isang babae ang nag pabagsak at pumatay sa mga kasamahan nya. Kabaliwan ang lahat.

Paano magagawa yun ng isang  babae.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon