CHAPTER: 29B

109 7 0
                                    


Chapter 29BDusa.

" Aish... " Mabilis agad na tinayo ni Noah ang isang bote na nag lalaman ng tubig. aksidente nya kase itong nadanggi. Sinisipat nya kase ang bagong obra nya. Kung maganda naba ang pag kakagawa nito.

Isang painting.

Isang painting ito, na makikita ang nakangiting mukha ni Mina. Buong mag hapon nya itong ginawa. Ni hindi na nga ata sya kumain ng agahan at Tanghalian.

Nasa  kwarto  din sya kung saan, makikita ang napakaraming  naka display na painting nasya din naman ang gumawa. Lahat nang ito ay bunga nang kanyang imahinasyon at mga napapanaginipan.  Sayang lang dahil hindi nya ito naipakita kay Mina. Ibinalik kase ulit Ni yaya tesi ang ibang paintings  sa kwarto ni Noah nung mga oras na nag linis ito.

Sayang tuloy pero kahit na , siguro sa ibang araw nalang.

" siguro maganda kung i-highlight ko dito----"  Nabitawan nya ang paintbrush na hawak nya. 

Yung ulo nya. Bigla nanaman itong sumakit. Ano bang nang yayare sa kanya.  Napapansin nya na parang napapadalas na ata ang pag sakit nito. Masyado naba nyamg napapagod ang sarili nya? Siguro  nga dala din ito ng pagod. Nalipasan din  sya ng gutom kanina..Kailangan nya muna sigurong mag pahinga.

Lumabas sya ng silid na at pumuntang kusina na kalapit bahagi din naman ng sala. Uminom si Noah ng tubig. Hindi nya tuloy maiwasang mapasulyap sa sofa. Naalala nya duon si Mina.

Ano kayamg ginagawa nya ngayon.

Ngumiti si Noah. Pero nawala din yun nang may marinig syang katok mula sa labas. Medyo kumunot pa ang noo nyan.

Baka naman si yaya Tesi?

" Ano  ba yaya Miss mo nanaman ako no--- M-mina?" 

Nakatingin lang ang dalaga sa kanya.
Hindi maiwasang mapatingin ni Noah sa damit nito, may mga ilang bakas ng dugo duon.  Anong nang yare? Nag alala agad si Noah. Saan galing ang mga dugong nakita nya?.

Kusang pumasok sa loob si Mina.
Sinarado naman agad ni Noah ang pinto.

Bakit parang may kakaiba sa kanya?

" A-anong nang yare? O-okay kalang  ba?? A-anong nang yare sayo.." 

Hinawakan pa nya ang kamay ni Mina. Walang itong imik. Ni Hindi ito sumagot. Sinulyapan nya lang ng tingin ang kamay ni Noah na kasalukuyang  hinahawakan ang kamay nya..

" Ahh s-sorry.. "  Mabilis na inialis yun Ni Noah.

" ahm- Gusto mo ba ng tubig, Teka ikukuha  kita."  Mabilis na pumuntang kusina si Noah. Pero pag balik nya wala nasi Mina. Nakita nya itong pumunta sa kwarto nya.

Sinundan nya ito.

" Maganda ba? gawa ko ang lahat ng yan." 

Naabutan nya kase itong inililibot ang tingin mula sa mga paintings na nakadikit sa pader. 

Katulad kanina wala parin itong imik. Medyo naiibahan lang si noah. Alam naman nyang madalang lang talaga ito kung umimik pero, mas kakaiba kase ito ngayon. Ah basta.

Tsaka nakakapag taka lang, ano naman kayang sadya nya dito at pumunta sya. Hindi naman sa ayaw ni Noah. Kung tutusin   masaya  pa nga sya kase kusa itong pumunta sa bahay nya pero kase parang iba parin yung kutob nya.

Masyadong weird.

Oh sya lang talaga nag iisip nang kung ano ano.

"Ahm M-mina. ano nga palang ginagawa mo dito?? " Tanong ni Noah dito.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon