CHAPTER: 28A

94 6 1
                                    

The Physchopath Killer

Chapter: 28B Kapatawaran.

" Mina... tahan na tumigil kana..."

Halos nanginginig na sambit ni Sandro nang maabutan ang sistema nang pamangkin. Sinundan nya kase ito, at tama nga ang kutob nya  na sa kakahuyan nanaman ito pumunta. Sa likod ng bahay nila.

Kitang kita mo ang mga dugong halos bumalot na sakatawan ng dalaga. Mula sa kawawang hayop na pinatay nanaman nya. Halos mag hiwa-hiwalay na ang katawan nang baboy ramo na ito. Si Mina mas lalo syang nawala sa katinuan. Iyak na din ito ng iyak. Sumabay pa ang malakas na buhos nang ulan kasabay nang malakas na kidlat. Tila maski  panahon nakikiayon sa nararamdaman ng babaeng ito.

Nakatayo lang si Sandro habang pinag mamasdan ang pamangkin. Basa narin ang damit nya. Si Mina para syang halimaw na pumapatay. Nag wawala halo-halong emosyon ang nakikita sa mukha. Umiiyak pero bakas ang gigil at matinding pag kagalit.  Tila nag hahalo narin ang dugo at ang ulan sa lupa.

Masakit. Sobrang sakit ang nararamdaman nya. Ito yung kinakatakutan nya, na  mismo ang mga taong importante sa kanya ang makasakit sa kanya. Gusto nya itong saktan pero mas doble para sa kanya ang sakit nararamdaman. Parang dinudurog ang puso nya. Hindi nya ito kakayanin kung mag papatuloy pa ang bagay na ito. Mababaliw sya, lalo syang mawawala sa katinuan. Baka mapatay nalang nya ang sarili pag hindi na nya matiis ang sakit nayun.

"M- mina..   tumigil ...kana parang awa mo na baka masaktan mo lang ang sarili mo... tama na.." 

Nang hihinang umupo si Mina sa lupa. Ang sakit ng nararammdaman nya. Para syang paulit-ulit na pinapatay. Mas lalo tuloy syang nag kakaroon nang dahilan para tapusin nalang agad ang pag hihiganting ito. Dahil baka pag tumagal pa baka mas marami pang madamay.

" Mina.. Paano kung dito mo nalang ihinto ang lahat, hayaan mo na sila Mina.. m-marami kanang napatay. Tama na.. "

Sapat nang si Josiphine ang madamay. Wag nasanang may madamay pang iba. Umiling si Mina.

" Hindi. Tatapusin ko kung anong nakasaad sa plano ko. Papatayin ko silang lahat."

Ipapag patuloy nya. Dahil hindi sya makukuntento kung may matitira  isa man sa kanila. Hindi sya makakapayag . lahat sila mamatay walang makakaligtas. Hindi sya titigil hanggat hindi nya ito nauubos. Walang makakapigil sa kanya.

" Mina.. wag mo nang hintayin na tuluyan kanang mawala sa sarili. At lalo nang mawala sa katinuan. Baka-- pati kami m-masaktan mo na..."

Nanahimik si Mina. Alam nya yun pero
hindi naman nya ito hahayaang mangyare.
Hinding - hindi. Basta mag tiwala lamang ang mga ito sa kanya.

" Hindi. Hindi parin ako titigil. Papatayin ko parin sila.... Sinisigurado ko na mag babayad parin ang mga taong may sala..."

" pero sa ginagawa mo wala kanaring pinag kaiba sa kanila....".

" Sila ang dahilan kung bakit ako nag kaganito, Kaya dapat lang na pag bayarin nila lahat ..."

" K-kahit pa na ikapahamak mo...".

" Hindi ako natatakot mamatay. At hindi ako natatakot pumatay. "

" k-kahit pa ba ikamatay din ng mga importanteng tao sa buhay mo.. Kame Paano kung---"

" Kung mag titiwala ka. Mananatili kang buhay. Tingin mo ba hahayaan ko lang na mang yare ang bagay nayun, Mas nanaisin ko nalang na mamatay."

" Pero  paano kung hindi ikaw ang dahilan? at sila ang maging dahilan... hindi natin alam ang tadhana... hindi basta-basta ang taong kinakalaban mo"

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon