CHAPTER: 9B

133 9 0
                                    

Chapter: 9B Bulaklak

Tahimik na lugar ang pinaka gustong puntuhan ni Mina. Kung saan malaya syang nakakapag-isip. Walang mga nakakainis na ingay na maririnig. Tanging simoy lamang nang hangin. Rooftop ang napili nyang puntahan. Mula sa tuktok nang ikalawang gusali kung saan namatay din si Carron.

Nakaupo sya sa lumang silya. Nakapikit ang kanyang mga mata. Tila masyadong dinadama ang simoy nang hangin na dumadampi sa balat nya. At sya ring nag papagalaw sa kanyang mahahabang buhok. Sa bahaging ito madarama mo ang katahimikan. Walang istorbo walang maingay. Walang mga taong mabilis na nakakapang-init nang kanyang ulo.

"K-kung ganun, D-dito karin pala pumupunta."  Hindi makapaniwala ang lalaking si Noah na ang babae palang nakatalikod na naabutan nya sa rooftop na lagi din nyang pinupuntahan ay ang babaeng si Mina. Ang babae  tinuturing niyang Superhero. Hindi nya lubos maiisip na makikita nya muli ito sa ikatlong pag kakataon.. Tila tadhana na ata ang nag papalapit sa kanila.

Naalala nya yung nang yari nung isang araw na makita nya ito sa kakahuyan. Sa likod ng paaralan.  Ayos na kaya ang mga sugat nya? Pero sa nakikita naman ni Noah tila maayos narin ang lagay nito.

Hindi siya nito pinansin. Nanatili lang itong nakapikit. Kumuha si Noah nang isang silya at tumabi dito. Tila nagising naman bigla ang dalaga  at nagulat nang makarinig nang ingay mula sa hinihila ni Noahng silya.

Isang napakasamang tingin ang  ibinigay sa kanya nang dalaga. Kung hindi nag kakamali  si Mina. Siya din yung  lalaking nakita nya sa kakahuyan.

Bakit sa lahat ng lugar na pinupuntahan nya lagi sumusulpot ang lalaking ito.

"S-orry.. H-indi ko gustong gambalain ka. L-lagi din akong pumupunta dito. P-para mag basa nang libro. K-kase maganda.. T-ahimik. W-walang istorbo." 

Nawala ang  mga masasamang mga tingin  na iyon at napalitan ng blangkong ekspresyon .Umiwas ng tingin si Mina.
Naiinis siya sa presenya nang lalaking ito.
Akala pa naman nya ay siya lamang ang tao dito.

" P-pasensya na.. " Inilayo na lamang ni Noah nang konte ang upuan sa babae. At nanginginig na umupo. Kung ganun tama nga  pala ang rinig nya , may pag ka misteryoso pala  talaga ang babaeng ito.

Pero hindi talaga maiwasang mag taka ni Noah. Ano kayang nang yare dito nung huling makita nya ito sa kakahuyan? Gusto nya ito tanungin kaso nakakatakot.
Parang ang hirap din itong kausapin.

Bumaling pa sya sa tila istick na kasalukuyang  nasa likod ng dalaga. Yun bayung samurai. Naalala nya nung mga panahong tinutok  iyon sa kanya. Sobra talagang takot nya.

Nung mga oras nayun halos manginig talaga sya sa takot pero bakit parang iba na sa ngayon ang nararamdaman nya . Tila nung makita nya ulit ito mistulang nawala ang pag aalinlangan nyang kausapin at lapitan ito , Marahil medyo takot parin sya pero may kung  ano pa sa kanya ang nag uudyok. At wala na syang pakeelam . Bukod padun Tila mas nag kainteres pa sya kay Mina. Para kay Noah kakaiba ito sa lahat. Ang Cool sobrang astig. Mistulang bida sa isang pelikula na pinapanood nya. Parang sobrang lakas din nya kung maiithring.. Hindi kaya Masyado na talaga syang namamangha dito.

Iba ang pakiramdam nya hindi nya maunawaan tila alam nya sa sariling kumportable sya sa babaeng ito Bukod padun hindi din to gaya ng iba.. Marahil alam nyang nakakatakot talaga ito kase yung paraan nito tumitig at mag salita nakakapangilabot. Gayumpaman hindi parin  maintindihan ni Noah ang nararamdaman nya ngayon. Para kasing feeling nya  ligtas sya pag kasama nya si Mina. Ewan. Ngayon nya lang yun naramdaman Hindi nya alam kung bakit. Marahil din siguro, ito ay dahil   minsan nading   niligtas ni  Mina ang buhay nya.  At naging panatag nadun si Noah.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon