CHAPTER: 24A

96 7 1
                                    

Ate CeciliachouXx: Kamusta na mga kauri. Apir naman mga kapuyaters. Kamusta eyebags nyo, sakin kase medyo nag grogrow nasya HAHA!.
-------------

The Physchopath Killer

Chapter: 24A Bata.


" Hello Lux.. oo hawak nanamin sya. "   Si Tan ang taong ito. Kausap nito sa kabilang linya si Lux.

Sinulyapan nya pa ang isang taong walang tigil sa pag  pupumiglas habang hawak hawak ng mga kasamahan.

" siguraduhin nyong hindi yan makakatakas" Sambit ni lux sa kabilang linya. Sa wakas hawak na nila ang taong gagamitin nila laban kay Mina. Ang mag mimistulang pain nang kanilang plinaplano.

Mapag kakatiwalaan talaga ang babaeng tumulong sa kanila. Kaya dapat lang na bigyan ito ng napakalaking pabuya. Ngunit hanggang ngayon palaisipan parin sa kanila kung sino nga ba talaga ang babaeng ito. Bakit andami naman nya atang nalalaman.  Dibale na atleast hindi sila binigo nito.

" wag kang mag alala Lux. Para namang walang laban ang isang ito. Yun nga lang masyadong maingay nakakaasar. "

"bitawan nyo ko! sino bakayo! Ibalik nyo nako!  "

Kanina pa itong sumigaw ng sumigaw. Halos umecho nadin ang matinis na boses nito sa loob ng abandunandong factory na pinag lalagyan nila. Nakung saan din sa lugar na ito mang yayare ang plano.

" shhh.. Wag kang maingay bata. Dahil sa lahat ng ayoko  yung maiingay. huh??"  Umupo pa ito para mag kalevel sila. 

Tama isang bata ang tinutukoy ng babaeng tumulong sa kanila. Isang batang lalake na kinuha pa nila sa isang probinsya na pinanggalingan daw  ni Mina. Medyo malayo ang lugar na ito kaya inabot sila ng dalawang araw.  Isang probinsya ang kanilang pinuntahan at ang mas nag pahirap pa sa kanila ay mismo sa gitna pa ng gubat ito nakatira. At hindi naman nila lubos na akalain na sa kabila ng hirap nila  isang batang paslit lang pala ang tinutukoy ng babae, Pero kung titingnan may kung anong koneksyon nga naman ito sa babaeng si Mina.

Bumalik si Tan sa kausap na si Lux.

" pag nakuha nyo na ang babaeng yun. Dalhin nyo na agad saakin. naiintindihan nyo."

" Oo. Hinihintay ko lang na makarating si Max dito. Susunod na daw sya dito."

At pag katapos nun, Mag sisimula  na ang plano nila. makukuha na nila si Mina.
Ibinaba na nya ang tawag.  Bumalik si Tan sa batang lalake.

Tiningnan nya pa ito mula ulo hanggang paa. Tila wari moy sinusuri ang bata. At kung kanyang ilalarawan ang batang ito. Una mong mapapansin ang buhok nito na magulo. Luma din ang damit na suot na malaking Tshirt. Nakayapak walang sapin sa paa. Sa tansya ni Tan siguro nasa labing tatlong taong gulang na ang batang lalaking ito.Kaya naman pala nakatagal ito sa gubat na mag isa.

" Bata , may tanong ako sayo... Kaano-ano mo ang babaeng si Mina?" Tanong ni Tan dito, Matatalas lang ang tingin ng bata sa kanya. Medyo nainis si Tan. Hindi ba sasagutin ng batang ito ang tanong nya.

" Ahm- Alam mo bang masama sa isang bata ang hindi nag sasalita kapag kinakausap?" 

" Mas maganda nang manahimik at hindi mag salita kung wala namang kwenta ang taong kakausapin mo." Abat! Siraulo tong batang to ah. Medyo napikon agad  si Tan. Hindi nya gusto ang tabas ng dila ng batang ito . Naiinis sya.

Ano nga ulit pangalan ng batang lalaking ito? naalala nya binanggit din ito nung babae na tumulong sa kanila.

Ah. Oo naalala na nya.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon