CHAPTER: 13B

111 8 0
                                    

The Phsychopath Killer

Chapter: 13B Ngiti

Si Kib nasa Library sya ngayon para mag hanap nang mga libro na maari nyang basahin. Tahimik itong si Kib misteryoso din kung mag isip pero hindi siya wirdo katulad nang mga ibang estudyante sa paaralang ito.

Hindi nya maiwasang maisip ang taong nasa likod ng pag kamatay sa kasamahan nyang sina  Billy, Lucas, at Xue. Kung kanyang susuriin nag sisimula ito sa pinaka unang myembro. Pataas ng pataas.

" Kung ganun..."  Si Vin na ang sunod na target. At si Kib malayo pa siya dahil nasa ikalawa siya sa Huli. At bago paman mang yare ang bagay nayun sinisigurado nyang malalaman na agad nila at mahuhuli kung sino man ang taong nasa likod nito. At pag nakataon ang bagay nayun.  Humanda ang taong iyon. Papatayin at pahihirapan sya ng lalaking nag ngangalang Kib.

Tangina asan bayun...

Sa isip pa ni Kib. May hinahanap syang libro. Hindi nya lang makita. Kanina pa nya itong hinahanap. Ngunit mga ilang sandali tila may naramdaman syang kakaiba. Natigilan sya. Masyado mang tahimik ang library at kakaunti lamang ang tao. Ngunit alam nyang tama ang kutob nya. May mga matang nag mamasid sa kanya. Mga matang nakaantabay sa bawat kilos nya. Kanina pa nya ito napapansin.

" May hinahanap ka?"  Isang malamig na boses ang narinig nya sa kanyang likuran. Nilingon nya ito. Kung hindi siya nag kakamali ang mesteryosong Transferee ang babaeng ito. Inobserbahan nya ito.  Blangko lamang ang mukha ng babae sa kanya. Pero may kutob si Kib may kung ano pang nag kukubli sa babaeng ito. Ramdam nya yun.

Hindi sumagot  si Kib. Tumango lang sya dito.Iniwas nya ang tingin sa babae. Hindi rin nakikipag usap si Kib sa kung
kani-kanino.

" Ang tulad mo ay kahanga-hanga. Inaalam mo ang isang bagay mula lang sa iyong sarili. Samantalang ang iba ay hindi. Nakakainis ang mga tanong nila. " Nilingon nya ang babae.  Kasalukuyan itong nakatingin sa mga libro. Bakas parin ang seryosong mukha nito kahit naka side view ang babae.

" M-mina n-nahanap ko na--- k-kib?.." Halos manginig ang tuhod ni Noah nang makita ang lalaking si Kib. Bigla syang nakaramdam ng kaba." K-kib ikaw pala.. p-patawad d-dahil nag kita tayo. P-patawarin mo ako. "  Sinabi kase sa kanya ni Kib na hwag na wag sila dapat magkita dahil pag nag kataong mag tama ang mga landas nila. Sigurong malilintikan si Noah.

Yumuko pa si Noah tila takot-na takot. Natataranta ito.  Mabilis na din itong umalis, Higit-higit si Mina. Ngunit yung mata ni Mina nanatili parin iyon sa lalaking si Kib. Isang salita ang lumabas sa bibig ni Kib.

" Pamilyar nag mukha ng babaeng yun..."Parang nakita na nya ito  oh tila parang may kamukha ito. Hindi nya lang masyadong maclarified kung sino. Pero alam nya kilala nya ang taong naalala nya dito..

Si Noah patakbo nya lamang tinahak ang Rooftop. Habang kapit kapit nito ang kamay ni Mina. Kinabahan talaga sya ng  sobra ng makita si Kib. Buti nalang at nakatakas agad sya dito dahil kung di baka mang yare ang kinakatakutan nya.

" G-grabe muntik na ako dun." 

Nag hihigapos pa siya. Pinunasan pa nya ang noo na basa narin ng pawis gamit ang isang kamay. Binalingan nya si Mina na kasalukuyang nakatingin sa kanya. Seryoso ang mukha nito , bago bumaba ang tingin mula sa kamay nilang dalawa. Nagulat si Noah at dali itong binitawan.

" S-sorry.  P-pasensya na"  Bahagya pa itong napakamot sa ulo. Hindi iyon pinansin ng dalaga. Dumeretso lang si Mina at iniwan si Noah. Umupo si Mina sa lumang silya.

Sumunod nalang dito si Noah. Tumabi siya sa dalaga.

" P-pano bayan. S-sisimulan nanatin."  Mabuti nalamang talaga at napapayag nya si Mina na turuan nya ito. Hindi man ito sumagot ng oo pero bahala na. Tuturuan nya parin ito. Kinuha nya ang ballpen at notebook sa bag.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon