CHAPTER: 2A

211 14 0
                                    


Chapter 2A: Death

"Sandro! mag usap nga tayo!"  Si Josephine ang taong ito. Asawa ni Sandro. Agad nitong  hinatak ang asawa  sa kusina. Medyo sumulyap pa ito sa dalawang anak nilang naglalaro sa sala. Nakakasigurong hindi maririnig ang kanilang pag-aaway.

"Bakit mo dinala ang babaeng yun dito!"  Si Mina ang babaeng  kanya ding tinutukoy. Batid ng asawa ni Sandro ang patungkol sa babaeng iyon. Na masyadong delikado ang taong ito. At lubhang mapanganib para sa kanila lalong lalo na sa mga anak nila kung mananatili ito sa kanilang tinitirahan kasama sila.

" Josephine, huminahon ka. Mag papaliwanag ako."  Alam na ni Sandro na mang yayare ang bagay na ito. Dahilan sa ayaw lamang  madamay nang kanyang asawa. At gagawa at gagawa ito nang paraan para mapa-alis ang pamangkin nya. At Ito ang labis na kanyang pinag-aalala. Ngunit susubukan nya paring kausapin at kumbinsihin ito.

"Wala kanang dapat ipaliwanag pa. Paalisin mo ang babaeng yan ngayon din!. Alam mong  Masyadong delikado para sa atin kung mananatili ang babaeng yan dito sa pamamahay natin"   Masyadong mapanganib ang babaeng iyon para kay Josephine. Nag mula ito sa angkan nang isang mamatay tao. " Alam mo din  kung ano ang pamilyang kinabibilangan nya. May lahing mamamatay tao ang dinala mo sa ating pamamahay. Paano nalang kung isa tayo sa mga taong mapatay nya."  At hindi malabo iyon para kay Josephine. Isang mamamatay tao ang mga magulang nito. At ilang taon narin ang nakalilipas ng mag pakalayo-layo nalamang sila nang kanilang pamilya para sa gayon, ay hindi nalamang sila madamay pa. Ngunit ngayon,  mismo ang asawa pa niya ang nag dadala sa kanila sa kapahamakan. Alam nyang may koneksyon ang kanyang asawa mula sa babaeng ito ngunit. Iba parin ang kanyang asawa at hinding hindi  nito maatim na pumatay nang tao. Hindi gaya nila.

" Huminahon ka, pakinggan mo ang paliwanag ko." Mabuti nalamang at wala sa sala si Mina. At iyon ay pinag papasalamat ni Sandro. Kung di baka marinig nito ang pag tatalo nang kanilang mag - asawa. Ngunit ang pamangkin nyang iyon, kanina pa nya itong hindi napapansin.

Mabuti nalamang din at kumalma ang kanyang asawa at pumayag na pakinggan ang kanyang paliwanag.

"Hindi magagawa ni Mina ang bagay nayun. Maniwala ka." Ngunit hindi parin ito kumbinsido.

"Paano ka nakakasigurado nang bagay nayan. Ang isang mamatay tao kahit pag bag balik-baliktarin ang mundo. Isang mamamatay tao parin.."  Pero hindi naman ganun kasama ang kanyang pamangkin di gaya nang iniisip nang kanyang asawa.

"Nakakasigurado ako dahil, hindi kaya ni Mina na saktan ang mga taong mahal nya sa buhay. Hindi nya kayang saktan ang mga taong importante sa kanya. Mas nanaiisin nalamang nyang mamatay kesa gawin ang bagay nayun."  At iba si Mina sa kanyang mga magulang na walang kahit na sinumang sinasanto. Na aaminin nya na maski sya muntikan nang mapatay nito. Kaya ganun narin siguro ang takot nang asawa nya sa pamilya nito.Ngunit iba si Mina, lalong lalo na si Rebecca. At hindi sila katulad nang kanilang mga magulang.

" Maniwala ka sakin Josiphine. Hindi tayo manganganib dahil proprotektahan nya tayo. Proprotektahan tayo ni  Mina." Marahil delikado ding maiituring na masangkot ang pamilya nya sa gulong papasukin ng dalaga. Pero nakakasigurado syang hindi ito hahayaan nang kanyang pamangkin. At handa pa itong mamatay manatili lamang silang ligtas.

"Pero paano kung mawalan sya nang kontrol sa sarili gaya ng nangyayare sa magulang nya. Mananatili parin ba tayong ligtas."  Hindi man maniniwala ang kanyang asawa. Ngunit sa tanong nito ay mananatiling Oo ang kasagutan. Marahil nawawalan nga nang kontrol ang dalaga ngunit pag alam nyang masamang tao ka. Kabahan kana dahil Tiyak mapapapatay ka nya. Ngunit kung isa ka sa mga taong importante sa kanya. Bibigyan ka pa nya nang pag kakataong mabuhay.
Sa halip ibabaling nalamang nya iyon sa ibang bagay. Maaring hayop , oh  maari ding sarili nya.

Tinitigan nya ang kanyang asawa, mahigpit pa nya itong kinapitan sa mag kabila nitong braso.

" Josiphine. Maniwala ka lang sa kanya. At hinding hindi mang yayare ang bagay nayun kung pag kakatiwalaan mo sya. Kaya hayaan mo na syang manitili dito. Wag kang matakot  Dahil mananatili parin tayong ligtas."  Kumalma naman ang kanyang asawa. Sa huli wala rin itong nagawa kung di ang pumayag. Kahit pa may kung ano parin sa kanyang loob na bakas ng pag aalala. Pero maniniwala sya sa  kanyang asawa nya.  Alam nyang totoo ang mga sinasabi nito.

"AHHHHH!!!!" Isang sigaw ang nag pagulat at nag patigil sa kanila. Kilala nila ang sigaw na iyon . Mula ito sa panganay  nilang anak na si Kianna. Kaya naman nag dumali ang mga ito  na pumuntang sala.  Para tiyakin kung ano mang nang yayare dito. Ngunit wala duon si Kianna. Ang bunso lamang nitong kapatid ang naroroon.

Nag katitigan ang mag asawa. Halos pangunahan na sila nang kaba. Nasaan ang anak nila. Nag dumali din si Sandrong lumabas nang bahay kung saan mas malakas na pinang yayarihan nang sigaw nang kanyang anak. Nakita nya itong nakatayo na wari moy takot na takot habang may tinitingnan na isang bagay.

Agad siyang tumakbo at kinarga ang anak.
At halos magulantang din sya sa nakita.

" Daddy... Si Barky wala na... Patay na sya daddy.."  Sambit nang bata habang Walang tahan sa pag iyak. Na halos isik-sik ang sarili sa ama. Lumabas narin ang kanyang asawa. At halos katulad nito ay nagulantang din ito sa nakita.

Barky ang pangalan nang kanilang aso.
Malaki ito at maingay. Tahol ng tahol
Ngunit wala na itong buhay  nang madatnan nila. Halos maligo narin ito sa sarili nitong mga dugo. Ito ang dahilan kung bakit sumigaw sa takot ang kanilang anak. Dahil sa kawawang aso na ito na wala nang buhay . Ngunit alam nilang hindi ito simpleng pag kamatay lang. Alam nilang may pumatay sa asong ito. Dahil makikita mo ang napakaraming   malalalim na saksak na tinamo nito sa katawan. Mistulang walang kontrol sa sarili  ang taong gumawa nang walang awang pag patay na ito sa aso. Bukod pa duon tiyak  ay mula ito  sa isang nilalang na mababakas ang matinding pagkagalit.

At kilala nila ang taong iyun....

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon