CHAPTER: 11B

119 9 0
                                    

Chapter: 11B  Libro.

Tila hindi mapakali ang wirdong lalaking si Noah mula sa labas nang Classroom na kanya ding pinag aantayan. Kanina pa siya  pasilip- silip sa loob nito. Tila may isa syang taong hinihintay na lumabas mula doon.

Isang ngiti din naman ang nasilayan sa  labi ng lalaki nang mamataan nya ang taong pakay nya. Kahit kailan napaka misteryoso parin nitong tingnan. Hindi parin maalis ang mga blangkong ekspresyon sa mukha nito.

Tama. Ang taong ito ay walang iba kung di ang babaeng si Mina. Isang misteryosong babae na kilala nya.

Hindi ito nakikinig sa gurong nasa unahan kung di nakatanaw lamang ito sa bintanang malapit sa kanya. Nasa likod din ito nakaupo. Tila walang niisang nag tatangkang lumapit dito.Mabuti nalamang din  at lumabas na ang guro. Hudyat na nito na tapos na ang klase. Hindi agad mapakali ang lalaking si Noah nang makita nya si Mina na seryosong tinatahak ang pinto. Mag isa din ito tila walang nais na makisabay sa kanyang lumabas. At hinahayaan muna syang maunang lumabas nang pinto.

Hindi alam ni Noah kung saan nag mumula ang kabang kanyang nararamdaman. Iniayos pa nya ang salamin bago ngiting sinalubong ang dalaga.

" M-mina! A-ahm H-hello..."  Ngunit Seryoso lamang syang tiningnan nito. At staka nilampasan. Gayumpaman Nanatili parin ang ngiti ni Noah at hinabol ang dalaga. Sinabayan nya ito sa pag lalakad.

" Break time  ngayon kung  ganun  san kapupunta?? P-punta kaba ulit sa Rooftop  t-tamang tama dun din ako pupunta.. Sabay na tayo"  hindi parin sya pinapansin nito. Napakadaldal nang taong ito.Ngunit hindi nalamang iyon pinapansin Ni Mina. Ano bang kailangan nang taong ito sa kanya.?

Sinabayan lamag sya ni Noah sa pag lalakad. Ni hindi alintana nang lalaki ang mga matang nakamasid sa kanila.

" Wirdo sa Wirdo? Hmm? Well Perfect combination.. "

" Sino- sino rin ba ang mag kakaintindihan kung di sila-sila rin. "

Hindi nila iyon pinansin. Mistulang may sariling mundo ang dalawa.

" Hay! Ang ganda nang Sikat nang araw ngayon no? Ang lamig lamig pa nang simoy nang hangin" Tila batang umiikot pa si Noah habang tumatakbo nang marating ang tuktok nang gusali na lagi din nyang  pinupuntahan.

Diretso lamang nag lakad si Mina patungong silya. Hindi nya  pinapansin ang  kawirduhan ng lalaking ito.  Para sa kanya Mistulang wala lang syang kasama .

" Alam mo, Pag nakakaramdam ako nang lungkot at inis sa sarili? sinisigaw ko lang yun dito.."  Umakyat pa ito sa silyang kalapit lamang ni Mina. Inilagay ang mag kabilang kamay sa bibig. Wari moy handang handa na sa sigaw na lilikhain.

" AKO! SI NOAH!!! "Sigaw nito na halos umecho pa. Ngumito siya at binalingan nang tingin ang babaeng kasama nya. Ngunit bigla din syang napaupo nang isang masamang tingin nanaman ang ibinigay sa kanya nito.

Naiingayan na ata ito sa kanya.

" P-pasensya na.... "  Umayos sya nang upo. Iniayos  pa nya ang salaming suot.
" A-ahm  ano pala gagawin mo dito? Kase ako pag breaktime nandito lang ako para mag basa nang libro."  Inilabas niya ang isa sa mga libro nyang napaka kapal. At sinimulang buklatin ang pahinang naudlot niyang basahin.

"Binabasa ko ito kase sobrang ganda nito. Tungkol ito sa taong walang awang pumapatay. Magaling sa lahat ng bagay!Hindi ba naka galing niya..."  Inisip pa nang lalaki ang ibang mga nang yayare sa kwento at handang ikwento din ito sa dalagang kaharap nya.

" Ang galing nyang gumamit ng espada.. Ting! ting! ting"  ginagaya pa nya ang karakter  na tila may hawak ng espada.
" Napakaganda!."  Ilang araw na niya itong pinag pupuyatang basahin. At sulit ang mga pag pupuyat na ginagawa nya.

"Ah-Anong masasabi mo hindi ba napakaganda??"  Ngunit blangko lamang  syang tinitigan nang dalaga mistulang wala manlang itong kainte-interes sa mga pinag sasalita ni Noah.

" Ah- haha S-sige.." Tila naiinis na siguro ito sa  kadaldalan nya. Minabuti nalamang ng wirdong lalakinh ito na itutok nalang ang sarili sa librong kasalukuyan nyang hawak.

Ngunit mga ilang sandali parin ang nakakalilipas nang mapansin nya paring nakatingin ang dalagang si Mina sa kanya.

" Ah- Ahm Gusto mo bang basahin? Maganda ang storyang ito p-pwede mo saking hiramin ang libro."  Nakangiti pa nyang ipinapakita ito kay Mina. Ngunit Umiwas lamang  ng tingin ang dalaga.

"Hindi ako nag babasa."  Seryosong pag kakasambit nito.

"B-bakit??"  Para kay Noah, napaka importante ng pag babasa. Dahil sa pamamagitan nito marami kang nalalamang mga bagay na hindi mo palamang nalalaman bukod pa dito maari karing dalhin nito sa panibagong mundo. At iyon ang gustong-gusto ni Noah.

" Hindi ako marunong mag basa."  Nagulat si Noah. Ni wala manlang pag aalinlangan ang babaeng si Mina na sabihin iyon sa kanya. Blangko lamang ang mukha  nito ng sabihing ang mga katagang iyon. Ni wala manlang pakeelam.

" P-pero bakit??"  Hindi nya maiwasang mag taka. At maawa sa babaeng ito. Lumingon si Mina sa kanya at nag salita.

" Masyado kanang maraming tanong. Nakakainis na." Tumayo ang dalaga at nag samula nang mag lakad papaalis.

" T-teka! Kung gusto mo! Tuturuan K-kita. A-andito ako T-tutulungan kita..P-pinapangako ko yan"  Itinaas pa nito ang kanang kamay. Napatigil pa ng bahagya si Mina ngunit dumeretso lang din ito. At tuluyan nang nilisan ang wirdong lalaki. Habang dala-dala parin ang kakaibang pakiramdam na iyon sa kanya.Na hanggang ngayon hindi parin nya alam kung saan iyon nag mumula.

Ngayon lamang nya ulit naramdaman ang bagay na ito makalipas nang dalawag taon.
Ngunit hindi nya rin alam kung kanino, at saan. Hindi nya matandaan pero nakakasigurado sya pamilyar sya sa kakaibang  nararamdaman na iyon sa tuwing nakikita nya ang lalaking iyon.



Hindi na nya alam...

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon