CHAPTER: 2B

180 15 0
                                    


Chapter 2B: Blood

At kilala nila ang taong iyun....

"Saan ka pupunta..? "  May mababakas na pag-aalala sa boses ni Josephine nang tanungin ang asawa. Nakakaramdam sya ngayon nang takot. Sinasabi na ngaba nya at delikado ang babaeng iyon.  Ibinigay sa kanya si Kianna na hanggang ngayon ay wala paring tahan sa pag-iyak. Tila maski ito ay takot na takot. Nanginginig narin ang bata.

"Ipasok mo na ang mga bata sa loob bahay." Utos ni Sandro sa asawa. Ngunit may mababakas paring  syang pag aalala sa mukha nito.

"Paano ka? saan ka pupunta." Tinitigan nya ang takot na takot na mga mata ni Josephine. Wari moy nag aalala ito sa posibleng gawin nang dalaga dito. At iyon ang dahilan nang pag katakot nya.

" hahanapin ko sya. Hahanapin ko si Mina"  Alam nyang si Mina lamang ang makagagawa nang bagay na ito. At nakakasigurado si Sandro na hindi nanaman mapigil nang dalaga ang galit na namumuo sa kanyang sarili. At sa mga oras na sumabog ang galit na iyon maari syang makapatay. Wala syang kontrol na gawin ito. Ngunit sa pag kakataong ito alam nya sa sariling wala syang dapat na saktang tao. Kung kayat sa iisang walang muwang na hayop nalamang nya ito ginawa.

Ngunit hindi parin nakakasigurado si Sandro. Dahil kung hindi parin makuntento ang dalaga. Maski ang sarili nito ay sasaktan nya.  At hindi malabong mang yare ang bagay na iyon dahil iyon ang lagi din nitong ginagawa. At kailangan nyang hanapin ang kanyang pamangkin bago pa mang yare ang bagay na iyon. Alam nyang hindi pa ito nakakalayo.

"Makinig ka Josephine. Hindi tayo sasaktan ni Mina. Mananatili tayong ligtas.... Mag tiwala ka."  Agad na syang tumakbo papalayo sa kanyang asawa. Kailangan  nya agad makita ang kanyang pamangkin. Ngunit hindi nya alam kung saan ito maaring pumunta.

Sandali siyang napatigil. Si Mina,  sa tuwing nakakaramdam ito nang galit at tuluyang  nawawala sa sarili ay madalas itong mag puntang kagubatan oh kahit sa lugar na maraming puno. Dahil duon lamang  ang alam nang dalaga na pwepwede nyang puntahan makalayo lamang  sa  maraming tao na pwepwede din nyang pag buntunan nang galit. Bukod pa dito ito din ang  alam nyang maraming mababangis na hayop na maaring nyang patayin tulad nang palagi nyang ginagawa nung nasa probinsya pa lamang ito.  At iisa lamang ang naiisip nyang  lugar tulad nun. Sa likod nang kanilang bahay. Masyadong mapuno ang bahaging iyon tinitiyak niyang narito ang dalaga.

"Mina!!!!" Halos umecho ang nililikha nyang sigaw sa kakakahuyang kasalukuyan din nyang nilalakaran. Asan na ang dalaga. Nasaan na ang kanyang pamangkin na kaganina parin nyang hinihanap.

Mabilis siyang napabaling  sa isang bahagi nang kakahuyan. Kung saan may narinig din syang tila isang daing nang hayop. Na tila wari moy unti-unting pinahihirapan at pinapatay.  Agad na pumasok sa kanyang isipan ang kanyang pamangkin. Si Mina ang taong kasalukuyang gumagawa nang bagay nayun. Sinundan nya ang ingay na unti-unti ding nawawala. At halos magulantang siya sa kanyang nakita. Nanginginig nyang tiningnan ang walang awang baboy ramo na tadtad nang hiwa sa katawan. Nababalutan nang sarili nitong dugo. Nakakatakot. Nakakakilabot.

Isang espada, na may bahid pa nang dugo nang hayop na ito. Tila sa sobrang dami ay walang tigil ito sa pag tulo mula sa lupa. At ang taong  may  kagagawan nang lahat ng karumal-dumal na pag patay na iyon. Ay walang iba kung di ang kanyang pamangkin. Nakatayo  ito habang pinag mamasdan  ang kawawang hayop. Halos pati narin sya ay mapuno na nang dugo . Tila kumulay pula na ang damit nito. Ang mga kamay, braso nang dalaga ay nababalutan nadin ng dugo.

Ngunit hindi lamang iyon ang kanyang napansin. Sa braso nito ay may tila hiwa duon. Medyo malaki  ito at wala din itong tigil sa pag dugo. Pero tila wala lang iyon sa dalaga at ni Hindi iniinda ang sakit. Kung di galit. Galit ang mas nangingibabaw ngayon sa mukha nang dalaga. Ang mga luhang lumalabas sa kanyang mata ay sanhi ng galit. Mistula itong baliw at uhaw na uhaw na pumatay. Uhaw na uhaw na kumitil nang buhay.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon