CHAPTER: 7A

136 11 0
                                    


Chapter: 7A Manika

" Tan, Kamusta kana anak. Maayos na ba ang lagay mo?"  Pag aalalang tanong ni Vonna. Ina na nang lalaki.

Kasalukuyang pinag mamasdan ang mukha nang anak. Tulala at Hindi parin makausap. Trauma parin sa nang yari sa kasintahan . Nasa Hospital din ito  para ipahinga ang sarili sa nararamdaman pag ka trauma.

" Wala na sya.. ma  Tingin ko kasalanan ko ang lahat."  Sinisisi nang binata ang sarili. Kung hindi lang sana nya hinahayaang lumalala ang kanilang palagiang pag aaway ay hindi sana ito susuko at  maatim na mag pakamatay.

Naalala nya ang mga sinabi nang dalaga sa kabilang linya. Tila parang naulit sa kanya ang lahat matapos ang dalawang taon. Tila muli itong nang yare sa kanya ngunit sa mgapag kakataong ito siya naman ang iniwan siya naamn ang nakaramdam nang sakit. Bumaliktad ang pang yayari.

_________

" Tan... Wag mokong iwan pag usapan natin to Tan" Hinahabol pa sya nang kasintahang si Ribecca.

Tumigil sya at hinarap ang dalaga. Iyak ito nang Iyak. Nag mamakaawa.

" Ribecca, makinig ka sa sasabihin ko. Masaya ako na dumating ka sa buhay ko. Pero Tingin ko kailangan nanating tapusin ang lahat. Gusto ko nang makipag hiwalay.. Ayoko na . Ayoko na Ribecca..."

Hindi na ito ang babaeng mahal nya. kung si Carron.

" Hindi... Tan. ayoko. parang awa muna Tan."  Halos mag makaawa pa ang dalaga ngunit buo na ang desisyon nya. Hindi na iyon mabababago.

______________

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi nya alam kung nag kataon lamang iyon. Ngunit mas nangingibabaw parin sa kanya ang sakit.Hindi namakapag isip ang lalaki nang matino. Gulong gulo na sya.

Hinawakan nang kanyang ina ang kamay nya.

" Wag kang mag alala anak. Matatapos din ang lahat. "  Bumuntong hininga pa ito." Sya nga pala may nag papabigay sa iyo nito. Hindi nag pakilala." 

Isang giftbox ang iniabot sa kanya nang ina. Hindi niya iyon pinansin. Inilagay na lamang ito ni Vonna sa Tabi nang anak.

" Aalis muna ako Tan. Mag pahinga ka muna."  Isang halik sa noo ang ginawa nito sa anak. Ngumiti tsaka lumabas nang silid.

" Carron...." Hindi nya makayang mawala ang dalaga. Hanggang ngayon sobra parin ang  sakit. Napabaling ang kanyang atensyon sa isang giftbox  na nilapag nang ina sa kanyang tabi.

Hindi nya alam ngunit tila may nag uutos sa kanya na tingnan kung anong bagay ang nasa loob nito. Ngunit halos
mabitawan na nya ito nang makita na ang bagay na nasa loob nang kahong ding iyon.

Isang manika, Isang teddy bear na nababalutan nang dugo. Alam nya ang teddy bear na ito. Ito ang manikang binigay niya kay Carron. Halos habulin na nya ang pag hinga dahilan sa gulat na naramdaman.

Tila mistulang nagising ang natutulog niyang diwa. Sino? Sino ang nag padala sa kanya nang bagay na iyon. May nakita din siyang isang litrato.

Nanginginig na nilapitan niya iyon , Ngunit halos mabilaw siya nang makita ang picture na ito..

" Hindi!!!!"  Umiiyak na sya. Ang nasa litratro. Si Carron ang nasa Litrato, bangkay na katawan ni Carron. Duguan, basag ang bungo ni hindi mo halos mamukhaan.

Umiling-iling siya. Hindi H-hindi totoo ang lahat nang ito. Mistula syang nababaliw habang walang tigil na sinasabunutan ang sariling buhok.

" Carron..."  Minamahal nyang Carron. Hindi nya kayang mawala ito sa kanya.
Susundan nya ito hanggang kamatayan.

Natataranta itong tumayo. wari moy may hinahanap na isang bagay. Kutsilyo kailangan nya nang kutsilyo. Oh dikaya naman Baril. Magaling syang gumamit nang bagay nayun. At ito ang nagustuhan sa kanya ni Carron.

" Wag kang mag alala Carron. Mag kakasama na tayo.... "  Halos guluhin na nya ang mga gamit sa silid. Wala siyang mahanap hanggang sa....

"Bintana... "  At isa lang ang naiisip nya sa mga oras na ito. Ang Tumalon mula dito. Tumalon sa napakataas na gusaling ito gaya ng ginawa nang babaeng minamahal nya.

Umakyat siya dito. Ramdam nya ang malamig na simoy nang hangin. Hindi nya maiwasang mag tanong sa sarili. Ganito rin ba yung naramdaman nang kanyang minamahal..

" Carron.. wag kang mag alala.. Andyan nako... mag kakasama na muli tayo.."

Idinipa pa nang lalaki ang kanyang mga braso. Hindi na siya makapag hintay.
Gusto na nya ito tapusin. Gusto narin nyang mamatay.  Wala narin naman ang babaeng mahal nya , ang taong rason nang kanyang buhay. Wala na ito , patay na ito.

At kailangan nyang mamatay dahil wala na ang taong rason nang lahat. Wala na.







" TAN!!!!" 

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon