CHAPTER: 26A

96 8 0
                                    


The Physchopath Killer

Chapter: 26A Halimaw.

" Paw! "  Tawag ni Noah sa aso nito. Nag pumiglas kase ito at tumakbo. Naisipan nya kase itong ipasyal-pasyal. Pero masyado atang sabik ang asong si Paw kaya tumakbo ito papalayo. Kinailangan ni Noah na  habulin ito.

Malaki na aso si Paw kaya malakas ito dahilan  para mabitawan din ni Noah ang tali.

" Ano kaba! Kung saan saan ka nag pupu-punta." Mabuti nalamang at nahuli na nya ito.  Medyo malayo-layo din pala ang narating nila.

Nag atungot naman ang aso. Tumingin  pa ito sa malaking gusali na nasa harapan nila. Kung hindi nag kakamali si Noah ito yung abandunadong Factory. Sabi sa usap-usapan madalas daw ito puntahan ng mga masasamang tao. Oh dika kaya naman dito din daw  nagaganap ang pag papalitan ng Droga.

Pero ano naman kaya ang naisipan ni Paw.
At ipad-pad siya sa ganitong kadelikadong lugar.

" Tara na nga... Common Paw!"  Ayaw parin umalis nang aso.   Ano bang nang yayari dito. Hindi na nya maintindihan.

Hanggang sa  ilang saglit lang ang nakalilipas ng may marinig silang putok nang baril mula sa loob ng lumang gusali ding iyon. Nagulat si Tan , nakaramdam din  sya agad  ng takot. Gusto na nyang umalis pero tumakbo ulit si Paw at pumasok sa gusali ..

" p-paw!!"  Mas kinabahan si Noah. Mas natakot ito sa posibleng kahinatnan ng aso nya. Kaya wala na syang nagawa kung di ang sundan nalamang ito sa loob.

Mabuti nalamang at nakita nya agad ito na nakaupo. Parang natatakot.

" P-paw.." Mahinang sambit ni Noah bago lapitan ang aso. Takot na takot si Paw.

"bakit kapa kase pumasok dito---"

"Pinatay mo si Carron! Ikaw ang pumatay sa Ibang blackdemons! Mamatay tao ka!!"

Mabilis na napalingon si Noah , mula sa dereksyon kung saan , pinang galingan ng sigaw. Yung putok ng baril.. Kung ganun may kung ano nga talagang nang yayare sa loob.

Alam nyang may pag kakataon pa sya para makaalis pero, hindi nya maintindihan. Mistulang may nag udyok sa lalaking si Noah na silipin kung ano man ang kaganapang nang yayare.

Agad syang nag tago sa isang sulok kasama si Paw. Mabuti nalang talaga at nasasabihan nya ang aso. Sinilip nya ang mga taong iyon. Hindi ito kalayuan sa kanya. Medyo madilim narin kase kaya hindi din sya nito pansin.

Napalunok si Tan. Sino naman kaya ang lalaking iyon na may hawak na baril. Kawawa naman ang batang  hawak hawak din nya,  halos  hindi na ito makahinga..
Madami di ang mga lalaking  nakita ni Noah. Marahil kasamahan ito nung lalaki na may hawak na baril.

Kita mo din naman ang namumuong  matinding  galit sa lalaking ito.  Tila gustong gusto na nya talagang barilin ang taong nasa harapan nya.

Teka?.

" Babae??" Isang babae ang kinagagalitan nito. Hindi makita ni Noah  ang mukha ng babaeng ito dahil  nakayuko ito at ang mahaba nitong mga buhok ang nag sisilbing harang sa mukha ng babae.

Pero batid ni Noah na tila may sugat narin ang babaeng ito.

"Akala mo ba gagawin ko lang ang bagay nayun ng walang dahilan. Kayo ang pumatay kay Rebecca. Kayo ang pumatay sa kapatid ko! Pinahirapan nyo sya, inabuso nila ang kapatid ko. Tinangka syang patayin ng Carron na sinasabi mo! Ikaw! Sinaktan mo din sya.. sinaktan nyo syang lahat!! Ngayon, sabihin nyo sakin... Ako lang ba ang dapat na masunog ang kaluluwa sa impyerno?!"

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon