CHAPTER: 10B

116 10 0
                                    


Chapter: 10B lubid

Pag kasabik, tuwa ang nararamdaman ng mga estudyante sa araw ding iyon. May ilan din naman kinakabahan.Mula sa gaganaping Drama Theater sa kanilang paaralan. Nang yayare ito taon-taon sa Hanlim University at exclusive ito  para sa lahat ng estudyante. 

Ang patimpalak na ito ay binubuo nang mga estudyanteng may magaling na kakayahan mula  sa larangan nang pag-arte. Kabilang na sa mga kalahok na ito. Ang isang lalaking kilalang-kilala na sa larangang ito. Taon-taon lagi siya ang tinatanghal na panalo  at nangunguna mula sa  ganitong  patimpalak.  At hindi siya makakapayag na may makaagaw sa kanyang  pinang hahawakang Trono.

" B-boss Lucas! hindi namin mahanap ang lubid na gagamitin mo."  Nag init agad ang ulo ni Lucas. Oh mas kilalang Lucas Grade.

"bilisan mong hanapin kung di sa leeg mo mismo ko gagamitin ang bagay nayun!"  Pag babantang saad nito. Mabilis din namang nawala ang utusang lalaki sa harapan.

Sinisigurado nang lalaki na kakaibang pasabog ang makikita nang lahat mula sa kanyang gagawing pag-arte. Suicide ang napili nyang theme. Naisip nya ang temang ito dahil sa mga krimen na nagaganap sa paaralan nila. Sa mga taong namamatay na kung tutuusin yung iba sila din naman ang may gawa. Ngunit sa kabila  nang mga pera at mga kuro-kuro. Tila mabilis na napapalitan ang lahat ng mga totoong impormasyon at napatungan nang mga kasinungalingan. Nagiging suicide nalamang ang insidente  at hindi isang pag patay.
 

Walang naturang Judges sa patimpalak na ito. Ang magiging basehan lang sa pag kapanalo ay ang kung sino ang mas maraming makukuhang boto mula sa mga estudyanteng manonood. Wala syang dapat ipag aalala dahil panigurado din namang sya  din ang iboboto ng mga ito. Dahil iyon ang kanyang utos. At kung mayroon mang hindi sumunod sa uto na iyon,  Hahanapin nya ang mga taong  lumabag sa utos nya na hindi sya nagawang iboto.At sinisigurado nya dalawa lamang ang pag pipilian nang mga taong yun.  Kung di ay ang kamatayan o ang pag hihirap na unti-unti kadin namang pinapatay.

Kung tutuusin din, Hanggang ngayon hindi parin maalis sa kanyang isipan ang patungkol mula sa karumal-dumal na sinapit nang kaibigan. At nakakasigurado sya mag babayad ang taong nasa likod nang pag patay na iyon. Higit pa ang gagawin nang lalaking si lucas  sa taong iyon.

" Boss Lucas!  nahanap at naihanda ko na ang lubid na gagamitin mo. Maari kanang  Pumunta sa taas para makapag handa." 

" Sige. Sabihin mo ang iba ayusin ang pag operate ng nga sound effect. Siguraduhin  nyong nasa timing  ang lahat dahil kung hindi ... alam nyo na ang kahihitnan nyo."

" Yes! Boss!"  Yumuko pa ang mistulang tagasunod. Umakyat na si Lucas sa taas ng back stage. Duon mismo kase sya unang lalabas habang nakapulupot sa kanya ang lubid na inihanda. Kung baga mistula syang ibinigti. Ngunit hindi naman iyon makakasama sa kanya dahil may nakasuporta pang  isang lubid na nakatali din sa kanyang bewang. Para mag mistulang gabay sa kanya para hindi tuluyang masakal. 

Hindi na sya nag pasama pa sa taas nang back stage. Bukod padun alam na nya ang gagawin nya. Bihasa na sya sa ganitong mga arte dahil ilang beses narin nya itong nagawa noon. at ilang beses narin nyang nalinlang ang mga tao.  Bukod padun baka mainis pa sya kung mag papasama pa sa mga tanga nyang mga utusan na walang ibang ginawa kung di puro mga kapalpakan.

Hindi na sya makapag hintay, naririnig narin nya ang mga maiingay na hiyawan mula sa likod ng makapal  na telang nag tatakip sa kabuoan nang ebtablado. Kaunting minuto nalamang ang natitira ngunit nananabik na agad syang mag simula.

" Gusto mo ba nang  makatotohanang arte??..."  Isang boses ang nag mula sa kanyang likuran. Tila isang boses nang isang babae.

Binalingan nya ito ng tingin. Hindi pamilyar ang mukha nang babaeng ito.Tila bagong mukha ito sa kanilang paaralan. Hindi kaya ito yung tinutukoy nilang Misteryosong Transferee. Napabaling ang kanyang tingin mula sa isang bagay na  hawak hawak nito. At kung hindi siya maaring mag kamali.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon