CHAPTER: 18B

106 8 0
                                    

The Physchopath Killer

Chapter: 18B Suntok.

"Muntikan na ko dun ah. "  Hinawakan pa ni Noah ang batok. Medyo sumasakit ito. " Aish! Yung salamin ko."  Itinaas pa nya ito, tila chinecheck kung okay pala. Buti nalang talaga at krak lang ang meron nito. Sinuot nya ulit yun.

Bumaling sya sa babaeng kalapit nya. Sabi na nga ba dito ito pupunta sa Rooftop. Pero simula kanina hindi pa ito umiimik. Nakakatakot ang awra nito.

Sa isip ni Noah. Galit ba sya..

"Ahm- M-mina salamat pala kanina ah. S-sa pag ligtas sakin.."  Hindi nya maiwasang maalala yung ginawa nito kanina. Grabe kahit pa nakakapag alala. Hindi nanaman nya maiwasang mamangha.

" Alam mo ang galing mo kanina. Pano nga ulet yun? Watta! Watta! Tapos nahawak mo agad yung braso ng isa. Tapos! Boogsh! Grabe ang galing mo talaga!!"  Hindi nya talaga maiwasang mamangha habang iniisip yung pang yayare. Ginagaya nya pa si Mina at ina-act pa nito ang nakita.

" Grabe! Ang galing talaga! Kung marunong lang talaga ko nang mga The moves nayun...  Talagang makakatikim sakin sila.. haya!! Boogsh!!----"   Napatigil si Noah sa ginagawa. Nang balingan sya ni Mina nang nakakamatay na tingin. Tila hindi ata natutuwa si Mina sa kanya. Umayos ng Upo si Noah at Iniayos pa nito ang salamin.

Galit nga sya....

" S-sorry.. "  Hindi sya makatingin sa dalaga.

" Ang pagiging isang duwag at mahina. sila ang hindi tumatagal sa mundo."  Bakas ang galit sa boses ni Mina.

" P-patawad Mina... " Inaamin naman nya eh mahina talaga sya. At ayos lang sa kanya na mang yare sa kanya yun. Pero wala kase syang magawa ehh. Hindi sya makalaban. Hindi sapat ang kakayahan nya.

" Natatakot ka? Isa lamang mga duwag ang nakakaramdam ng ganung bagay. "   Duwag sya. Tama isa syang Duwag. Hindi sya makaimik kay Mina.

" Wag kang umasa sa mga taong nakapaligid sayo dahil hindi mo sila lahat   maiituring  na kakampi. Wag kang puro asa. Matuto kang lumaban dahil walang lugar sa mga taong duwag ang mundong ito." 

"P-pasensya na....Mina.."  Ngayon nya lang nakitang galit ang dalaga.  Sobra itong Nakakatakot. At ang mas nakakatakot  pa ay sa kanya pa ito mismo galit.

" Pag pinag patuloy mo pa ang pagiging isang mahina, baka isang araw magulat ka. Patay kana pala.... matuto kang lumaban dahil sarili mo lang din ang proprotekta sayo... Wag kang laging umasa... "  Tumayo na si Mina. At nag simula nang mag lakad papaalis.

Hindi nakaimik si Noah. Nakayuko parin sya . Galit na galit si Mina. Minsan na nga ito mag salita ng mahahaba, Galit pa.
Kung ganun ayaw ba ni Mina sa mga katulad nyang Duwag, Mahihina at takot.
Iiwan na ba sya nito at lalayuan. Hindi nya yun kaya. Mas naduduwag at natatakot sya kung mang yayare man ang bagay nayun.

" S-sandali!!"  Hinabol nya si Mina. Pero hindi na nya ito hinarangan pa dahil alam nyang  mas maiinis ang dalaga. Mabuti nalamang at huminto ito.

" P-pasensya na kung duwag ako. ... Sorry!! Ku-kung ganun ba..  Iiwan mo nako a-ayaw mo ba sa mga ganun.. Lalayuan mona bako simula ngayon.?? H-hindi kana ba pupunta dito.. .. "  Ayaw nyang mang yare  ang bagay nayun. Natatakot sya. Mas lalo syang mang hihina. Nasanay na syang  laging nandyan si Mina.
kahit pa lagi syang hindi pinapansin ng dalaga.

Oo na! sobra syang mali sa part na laging iniisip na andyan si Mina para lagi syang iligtas .Masyado na nyang dinedepende ang sa sarili dito ,Nakakahiya kase sya tong lalake pero mas duwag sya. At sya pa itong laging inililigtas ng taong mahal nya na kung tutuusin sya dapat ang gumagawa nun dahil sya ang lalaki.

" p-patawad Mina. ...Wag mo kong iiwan.
W-wag mo sana kong Lalayuan... H-hindi man ako Malakas gaya mo. Pe-pero k-kaya kong maging malakas. ... t-tapos hindi nako magiging isang duwag...."At Mang yayari lang yun kung.

"K-kung gusto  mo turuan mo ko maging malakas. T-turuan mo ko kung papaano lumaban. I-propromise ko sayo makikinig ako. Gagawin ko lahat ang makakaya ko... Gagawin ko lahat ang ipapagawa mo... Susundin kita kahit ano pa ang iutos mo.. ... "  Gagawin nya lahat wag lang mangyare ang kinakatakutan nya.

" Kaya kong gawin lahat.. W-wag mo lang akong i-iwan...." Halos mahina na itong sinambit ni Noah.   Sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila. Nag salita si mina.

"Sige. Kung ganun lumapit ka sakin at harapin moko."

Nung una medyo kumunot pa ang noo ni Noah pero sa huli sinunod nya parin ito.
Lumapit sya kay Mina. At hinarap ito. pero Hindi nya magawang tumingin ng diretso sa mga mata nito.

Galit pa kaya sya...

" Tumingin  ka sakin."  Kahit hindi kaya ni Noah. Nilakasan parin nya ang loob nya.
Kitang kita nya ang mukha ni Mina na kasalukuyang seryosong seryoso.

Ano bang naiisip ni Mina. Tanong ni Noah sa kanyang isip.

"  Suntukin mo ang mukha ko."

" Ah-Huh??" Kumurap kurap pa si Noah. Halos magulat  sya sa sinabi ni Mina.  Nag bibiro ba sya.?

" sinabi mo susundin mo lahat ng sasabihin ko. Ngayon suntukin mo ang mukha ko..."  Sinabi nga ni Noah ang bagay nayun pero exept sa iniuutos nya.
Hindi nya yun kaya. At isa pa ayaw nyang gawin ang bagay nayun. Lalo pa sa babaeng minamahal nya.

" H-hindi ko kaya."

" Gawin mo ang inuutos ko."

halos manginig nasi Noah. Hindi nya nga sabi kaya. Iba nalang. Umiling sya.

" H-hindi ayoko. "

" Duwag ka."  Nilampasan na sya nang dalaga. Hindi.

Hindi sya duwag. Hindi na sya kailanman magiging duwag.


" H-hindi. hindi ako Duwag .... Hindi ko lang talaga magawa ang inuutos mo kase natatakot ako hindi ko kaya...I-iyon ay dahil.........







.......Dahil  hindi ko kayang saktan ang babaeng nagugustuhan ko.."

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon