CHAPTER 8

2.5K 123 2
                                    

Maxine's POV.

"Damon, d'yan na lang sa tabi." sabi ko sa kanya at agad n'ya naman na tinabi ang sasakyan.

Naging masaya ang byahe namin ni Damon dahil puro kami kwentuhan at sinabi ko rin sa kanya ang nangyari sa'kin nung isang gabi.

Nang maihinto n'ya ang sasakyan ay tinanggal ko na ang seat belt. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng sasakyan kaso nagprisinta s'ya na lang ang bumukas.

"Thank you." nagpasalamat ako ng buksan n'ya ang pintuan ng passenger seat. "Thank you naman sa paghatid sa'kin dito sa bahay."

"Your welcome, basta magsabi ka lang na magpapahatid o magpapasundo ka, pupuntahan kaagad kita." sabi n'ya habang nakapamulsa.

"Opo!" sabi ko naman at natawa s'ya.

"Just dial my number." nand'on na naman yung makalaglag-panty n'yang ngiti.

"Opo, wag ka magingat ha?"biro ko.

"You don't want to see this handsome face?"nag-pout pa s'ya at yumuko ng konti para maging pantay kami.

"Charot lang HAHAHAHAHAHA." pagkasabi ko n'on ay pinisil ko ang ilong n'ya.

"That's hurt."hinawakan pa n'ya yung ilong n'ya.

"Psh, bakla!" pangangasar ko.

"No, I'm not." pagtanggi n'ya.

"Bakla ka!" halos sumakit ang tyan ko kakatawa sa pang-aasar ko sa kanya.

Lumapit sya sa'kin at ako naman ay humahakbang paatras hanggang sa wala na'kong paghakbangan dahil pader na ang napuntahan ko.

Medyo nilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko."You want a kiss from a gay?"nakangiti s'ya nang sabihin 'yon.

"Gusto mo tadyakan kita?" mataray kong sabi.

"Brutal." tumawa s'ya at umalis na s'ya sa harapan ko at tumayo sa gilid.

"Bukas na lang ulit kita aasarin gabi na e, umuwi kana." sabi ko sa kanya at hinagod ko ang buhok ko.

"Yes ma'am." sabi n'ya pa at sumaludo.

"Siraulo ka talaga." binigyan ko s'ya ng makapanlokong tingin.

"I'll go ahead, bye dwarf!" pangaasar n'ya sa'kin at kinawayan n'ya pa ko tapos ay pumasok na s'ya sa loob ng sasakyan.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon