CHAPTER 164

721 33 8
                                    

Hi umbrellas!!! I just want to thank you all for reaching 32.2k readers!!! Keep reading fam! Lets make it 50k guys😭❤️ But, don't forget to vote, comment, and share. And also thank you to my solid umbrellas who still reading. Magpaparuffle ako ng load guys kapag umabot na ako ng 50k uwu. Keep safe fam!!

-Love lots💜

Yna's POV

Ngayong araw ay linggo, ibig-sabihin ay ngayong araw ang birthday ko. Excited ako dahil sa mga taong babati sa akin mamaya. Sure akong si Cairo ang unang babati sa akin. Hindi siya nag-promise pero feeling ko naman na siya yung una eh. Napapadalas na din ang pagsasama naming dalawa ni Cairo. May mga nagtatanong nga daw kung nanliligaw na ba daw si Cairo sa akin at sagot ko naman sila na hindi pa tapos sabi nila baka daw may balak si Cairo na ligawan ako.

Ang swerte ko naman n'on pero hindi ko alam kung magko-confess ba siya sa akin. Ayokong mag-assume pero halata na kay Cairo na may gusto siya sa akin hehehe >_< ❤️ Hindi nila alam pero dati ko pa talaga gusto si Cairo hehehe. Hindi ako nagsasabi kasi tutuksuhin lang ako nina Andrea sa kanya eh ayoko naman ng gan'on kasi baka sabihin niya na nagpapansin ako hmp!

Nung una, ayoko talaga sa kanya kesyo babaero. Ang nasagap ng tenga ko ay sabi nila, iba't-ibang babae daw yung kasama niya kada-araw, ganoon din daw si Liam. Nababahala ako kasi baka kapag naging kami na ni Cairo eh magloko siya. Ang advance ko naman magisip ᕙ( • ‿ • )ᕗ Pero kung sakali man na mangyari nga 'yon, yari siya sa akin. Hay feeling ko magiging maganda ang araw ko ngayon.

Paggising ko pa lang, may ngiti na kaagad sa labi ko. Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa kama. Maaga akong nagising dahil sa sobrang excited. Sure akong pag labas ko palang ng pinto ng kwarto ko bubungad na kaagad sa akin sina mama. Kada-birthday ko kasi, sina mama sinusurprise ako. Yung lalabas palang ako ng pinto tapos nandiyan na sila nakaabang para surprisahin ako. Kaya ang saya kapag darating yung birthday ko eh. At buti na lang, weekend ngayon so, makakapagbonding kami nina Maxine at kung pwede masolo ko na muna si Cairo hihihi❤️

Tumayo na ako. Nagunat-unat ng kaunti at saka ko na inayos ang kama ko. Matapos kong iligpit ang kumot at unan ko ay naglakad ako ng dahan-dahan sa pinto. Dahan-dahan ko din namang binuksan ang door knob. Sumilip ako."Hala? Nasaan yung mga tao dito?"takang sabi ko.

Tuluyan ko ng binuksan ang pintuan ng kwarto ko at agad akong bumaba. Nakita ko si Simon, nakababata kong kapatid na lalaki na nasa salas. Naglalaro na naman siya kasama yung gadgets niya at may headphone pa sa leeg niya. Si papa ay nasa dining, nagkakape habang nagbabasa ng diyaryo at si mama naman ay nasa kusina, mukha may nililinis. Agad akong umalis sa hagdan. Nilapitan ko si Simon. Umayos siya ng upo ng hindi niya ako tinitignan.

"Morning."walang ganang bati sa akin ni Simon.

"Good morning..."malungkot na bati ko sa kanya pabalik.

Nilapitan ko si papa. Tinabihan ko siya sa pagkakaupo."Morning."bati sa akin ni papa habang nakatingin siya sa binabasa niyang diyaryo.

"Good morning..."malungkot na bati ko din kay papa

Nagpunta naman ako kay mama."Morning."bati sa akin ni mama sa tonong katulad ng kina Simon at papa.

"Good morning..."malungkot din na bati ko kay mama. Napabagal ang paglalakad ko pero hindi nagtagal ay nakabalik na ako sa kwarto. Binagsak ko ang katawan ko sa kama."Bakit gan'on yung mga dito sa bahay? Parang hindi kumain ng ilang buwan. Bakit mga wala silang gana? Hindi ba nila naalala na birthday ko ngayon? Aish!"nabangon ako dahil sa inis. Kinuha ko ang phone ko na nasa study table ko lang. Tinignan ko ang messages ko."Kingina..."bigla na lang akong napamura."Kahit isa sa kanila wala pang bumabati sa akin? Pati si Cairo? Hmp!"napanguso na lang ako ng at inis kong ibinalik ang phone ko sa study table ko. Bumalik ako sa pagkakahiga. Tinaklob ko ang kumot ko sa akin hanggang sa nakaramdam ako ng antok. Biglang nag-alarm ang alarm clock ko. Tinignan ko kung anong oras na."Bwisit late na ako!"napabalikwas ako sa higaan ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon