Maxine's POV.
Natigil si Mrs. Dela Cruz sa pagsusulat sa board ng biglang tumunog ang bell. Sign na 'yon na break time na namin. Nagsusulat kasi kami ngayon. Pinapakopya kasi ni Mrs. Dela Cruz yung sinusulat niya sa board pero natigil eh. Break time na. Nagpaalam na sa amin si Mrs. Dela Cruz pagkatapos ay lumabas na siya. Yung isang classmate namin ay binubura na yung nakasulat sa board.
Hindi ako matigil sa kakaisip kung bakit sabay-sabay sina Andrea at yung iba pa kanina na pumasok. Siguro ay nagkataon lang kaya gan'on. Oras na kasi ng klase eh kaya nagmadali siguro sila na pumasok kanina kaya nagkataon na nagkasabay-sabay sila. Inayos ko na ang gamit ko. Pinasok ko na yung nga gamit ko sa loob ng bag. Kanina pa ako gutom. Kumalam nga yung tiyan ko kanina eh. Kape lang kasi yung ininom ko bago pumasok.
"Maxine hindi pala kami makakasabay sa inyo ah?"si Andrea.
Nagulat ako."Ha? Bakit?"taka kong sabi.
"May pinapagawa kasi sa amin yung mga staff sa faculty room eh."si Yna.
"Oh siya, sige 'wag kayo papagutom ah?"sabi ko pa sa kanila.
Kinawayan pa nila ako bago sila tuluyang lumabas ng classroom."Maxine, hindi kami makakasabay sa inyo nina Andrea kumain."bigla namang sumulpot si Tayler.
"Ha? Eh sina Andrea may pupuntahan kaya hindi sila makakasama sa akin..."nasa malungkot ang tono ko ng sabihin ko 'yon.
"Pinapatawag kasi kami ni Coach Fallon, Max kaya hindi kami makakasama."sabat naman ni Justine.
"Sorry Max ah?"pagpapaumanhin ni Cairo.
Sinundan ko pa sila ng tingin hanggang sa makalabas sila. Kasunod lang nilang lumabas sina Axill."Iniiwasan yata ako ng mga 'yon."sabi ko sa sarili ko.
Lumabas na lang ako ng room at nagtungo sa cafeteria ng magisa. Pero nagbago ang isip ko. Pinuntahan ko na lang sina Andrea para tignan kung ano ang ginagawa nila kaya naman nagtungo muna ako sa faculty room. Nakita ko sila na kausap yung mga staff. Baka nga may ipapagawa sila. Pumunta naman ako ng gymnasium para tignan sina Tayler. Sumilip lang ako. Nakita ko sila na kinakausap ni Coach Fallon.
Umalis na ako at pumunta na akong cafeteria. Bumili ako ng pagkain ko na naupo na. Ngayon ko na lang ulit nagawa ito. Yung kumain sa oras ng break time ng magisa. Ngayon pa sila naging busy kung kelan birthday ko, nakakatampo naman yung mga 'yon. Alam naman siguro nila na birthday ko ngayon 'no? Sure akong hindi nila nakalimutan 'yon tsaka imposible naman nilang makalimutan yun 'no.
Pero kasi sa tingin ko kanina sa kanila mukhang nakalimutan nila. Focus na focus sila sa mga dinidiscuss ng mga teacher namin kanina. Ni hindi nila ako binati man lang kanina, ni isa sa mga classmate ko wala. Mukha talagang hindi nila naalala. Malapit na kasi yung exam namin kaya 'yon busy sa pagre-review. By next week na kasi yung exam namin kaya 'yon todo review yung mga classmate ko.
Ako nga pa-chill-chill lang eh. Wala pang review-review. Bahala na stock knowledge na lang hehehe. Joke lang magre-review ako pero ngayon chill-chill lang muna. Nakakalungkot nga lang kasi walang bumati sa akin T^T expected ko pa naman na si kuya yung unang babati eh. Pag wala talagang bumati sa akin mamaya bago maguwian i mean bago matapos yung practice namin sa cheer leading mamaya? Wala na, katapusan na ng buhay kooo T^T ang OA 'no? Hehehe.
Natapos na akong kumain. Sakto naman na nag-ring na yung bell kaya umalis na ako ng cafeteria. Kakaiba din dahil hindi ko nakita si Zerene sa paligid at walang nambwisit sa akin. Nice naman, sana araw-araw na lang yung birthday ko para walang bwisit hehehe. Nakarating kaagad ako sa room. Nakita kong nandito na kaagad sina Andrea at sina Tayler. Tahimik lang sila at tamang cellphone lang. Hindi nila kinakausap ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Teen Fiction(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...