CHAPTER 153

713 37 1
                                    

Maxine's POV

Nakapagluto na ako ng hapunan namin ni Tayler, hinihintay ko na lang siya ngayon. Nasa ala-sais medya na din kasi. Ang ginawa ko lang buong araw ay natulog, kumain at nakinig ng music habang iniisip ko si kuya. Yun lang ang mga nagawa ko sa buong araw. Ni hindi din ako tinext or tinawagan man lang ni Tayler kahit sandali pero ayos lang nasa school siya eh.

Ayokong maging pabigat kina Tayler. Nakakadagdag na kasi ako isipan nila. Dapat ako yung unang kumikilos pero kapag ginawa ko naman 'yon magaalala sila ayokong namang mas dumagdag pa lalo. Simula ng mamatay si papa at ng unang araw ko sa Hemelton ay nagkandaletche-letche na yung buhay ko. Ang lahat ng nangyayari sa akin, sa amin ni Tayler ay hindi ko inaasahan.

Akala ko natural na pagsubok lang pero iba 'to. May kakaibang sakitan at maski patayan. Darating din yung araw na matatapos din ang lahat ng ito basta't hindi kami susuko at magpapakatatag kami. Laging kong sinasabi sa utak ko na sana ay wala ng madamay, na wala ng mamatay ulit na mahahalaga sa buhay ko dahil hindi ko na talaga kakayanin kapag may sumunod pa. Patong-patong na nga ang nangyayari sa amin ngayon ayoko ng may dumagdag pa.

Pilit kong nagpapakatatag, hindi lang para sa akin para rin kina Tayler. Ayokong mas magaalala pa sila sa akin. Mas nagaalala ako ngayon sa mga taong malalapit sa akin. Alam kong hindi talaga ako ang pakay nila. Si Zerene, may sarili siyang dahilan at sariling kagustuhan at 'yon ay ang mapatay ako. Dahil sa nararamdaman niya kaya gusto niya akong mawala sa landas ni Tayler.

Gusto niyang mapatay ako para mapasakanya si Tayler. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Talagang ipaglalaban mo yung taong mahal mo. Hindi sa pagmamayabang at pagmamakasarili pero ako talaga ang mahal ni Tayler. Sana naman matauhan na si Zerene. Wala na akong ibang inisip kundi si kuya at kung sino talaga ang pumatay sa kanya. Malakas ang kutob kong si Zerene talaga 'yon, hindi dapat ako magkamali.

Nandito ako ngayon sa dining nakaupo. Napahikab ako. Tulog ako ng tulog kanina tapos inaantok na naman ako? Makaiglip na nga lang muna.

Nagising ako sa isang pamilyar na namang lugar. Nandito na naman ako. Sa kwarto ko sa Palawan. Siguradong panaginip na naman ito. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Lumabas ako ng kwarto. Nilibot ko ang buong bahay kung merong tao pero wala. Kaya lumabas na lang ako ng bahay.

Imbis na buhangin ang tatapakan ko pagkalabas ng bahay, semento. Kakaiba dahil nasa harapan ako ngayon ng mall kung saan nagpupunta kami ng mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit ako narito. Hindi ko din maintindihan kung bakit ako nananaginip ng tungkol dito. Ayoko ng ganito, may masamang pinapaalala sa akin ito.

Nakita ko ang mga taong nagkukumpulan. Hindi... Hindi ito pwede... Lumapit ako sa kanila. Nakisiksik ako sa kanila hanggang sa nakita ko ang katawan ni papa na duguan at nakahiga."P-papa..... papa.... papa!!!"mangiyak-ngiyak ako ng sabihin ko ang pangalan ni papa.

"Papa!"

Bigla akong nagising ng may biglang nagsalitang pamilyar na boses."Maxine ayos ka lang ba?"si Tayler.

Nakita ko siyang nakaupo sa tabi ko. Bigla ko siyang sinunggaban ng yakap."Tayler...."umiiyak ako habang yakap-yakap ko siya.

Niyakap niya rin ako at hinaplos-haplos niya ang buhok ko."Shh tahan na. Kung ano man 'yon 'wag mo ng isipin."pagpapatahan sa akin ni Tayler.

"Parang ayoko ng matulog... Kahit iiglip lang ako. Nananaginip ako ng hindi magagandang nangyari sa buhay ko..."sabi ko habang nakayakap pa rin kay Tayler.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon