CHAPTER 128

859 29 6
                                    

Justine's POV

Ngayon ay nandito kami sa gymnasium, nanonood kami ng practice nina Maxine. May lakad kasi kami pagkatapos ng practice nila. Napag-usapan kasi namin kanina na puntahan si Tayler sa bahay n'ya tapos ang mga sumama lang ay ako, si Cairo, si Liam at Maxine. Hindi daw pwede ang iba dahil may kanya-kanya silang gawain. Gusto kasi namin komprontahin si Tayler tungkol sa nangyayari sa kanya dahil nadadamay na si Maxine.

Gusto kong malaman kung bakit ba s'ya nagkakagan'on para agad namin na maagapan o matulungan s'ya. Ayoko din kasing masaktan si Maxine dahil sa mga pinag gagawa n'ya. Yung mga babaeng nasa buhay ko ay tinuturing ko ng mahalaga sa 'kin. Pero may isang babae talagang pinakagusto ko pero nahihiya akong sabihin sa kanya kung ano ba ang tunay na nararamdaman ko sa kanya kung mahal ko na ba s'ya o kaibigan at nakababatang kapatid pa ba ang turing ko sa kanya hanggang ngayon.

Natapos na ang practice nila. Agad na nagpunta sa gawi namin si Maxine at ang iba pa n'yang kaibigan dahil ang mga gamit nila ayaw nasa amin, bantay-bantay namin."Oh Max inom ka muna."inabot ko kay Maxine yung bottled water.

Agad naman n'yang kinuha sa 'kin ang bottled water na binili ko kanina bago kami pumunta dito sa gymnasium."Thank you."pagpapasalamat n'ya tapos ay ininom n'ya na yung inabot kong bottled water.

"Grabe Max gumagaling kana."sabi ni Yna kay Maxine."Buti at nakukuha mo kaagad ang mga steps na tinuturo ni Ms. Elyssa."sabi n'ya pa sa kaibigan.

"Syempre, magaling na instructor si Ms. Elyssa at mabait pa."sabi naman ni Maxine kay Yna.

"At maganda pa. Mukha pang dalaga."sabi ni Cairo na ikinatawa nila.

Binatukan s'ya ni Liam."Baliw ka talaga dre, alam mo naman na may fiance na nga si Ms. Elyssa tapos papatol ka pa? Babaero ka talaga."sabi ni Liam sa kanya.

Napahawak si Cairo sa batok n'ya."Parang ikaw hindi ka babaero ah!"sigaw naman ni Cairo kay Liam.

"Aminado akong babaero ako pero hindi ako kasing lala mo."sabi pa ni Liam kay Cairo.

Mukhang magaaway pa sila kaya magsasalita na 'ko."Tumigil na nga kayong dalawa lagi na lang kayong nag-aaway para kayong mga bata at aso't pusa."sabat ko.

"Tapos ikaw yung daga?"asar sa 'kin ni Liam. Pinitik ko yung noo n'ya."Sabi ko nga 'di na 'ko magsasalita eh."sabi n'ya pa tapos ay parang ziniper n'ya pa yung bibig n'ya.

"Justine, magbibihis lang kami ah?"paalam ni Maxine."Babalik naman kami kaagad. Pakihintay na lang kami."sabi n'ya pa sa 'kin.

"Sige."sabi ko.

Binitbit na nila ang kanilang bag tapos ay tuluyan na silang umalis."Ang ganda talaga ni Maxine 'no? Para s'yang angel na pinadala sa langit para paamuhin yung mga taong mukhang demonyo."sabi ni Cairo habang sinusundan n'ya ng tingin sina Maxine bago sila tuluyang lumabas ng gymnasium.

Binatukan ulit s'ya ni Liam."Gago ka talaga, kung ano-ano na lang pinagsasabi mo. Mamaya patulan mo si Maxine alam mo namang may boyfriend na yung tao tapos kaibigan pa natin."sabi n'ya kay Cairo."Pero kung tutuusin nga, maganda, sexy, maputi, at magaganda ang labi ni Maxine."pagkunsinti ni Liam.

Binatukan ko silang dalawa."Kayo kung anong pinagsasabi n'yo mamaya kung ano na yung masabi at maisip n'yo kakapantasya kay Maxine. Pag 'yan narinig ni Tayler sigurado akong pinaglalamayan na kayo ngayon."sabi ko naman sa kanila.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon