Damon's POV
Naging maayos ang laro at laban kahapon. Ngayong araw ang pangalawang araw ng Interhigh. Maaga pa naman para pumunta sa school. Nakahilata pa rin ako hanggang ngayon ay nagiisip-isip. Kahapon ay hindi ako nakapaglaro ng maayos dahil nadi-distract ako sa iniisip ko. Hindi ko sinunod yung sinabi ni Coach na dapat kung may iniisip kami alisin muna namin 'yon kasi baka maging sagabal sa amin at baka makasama pa. Pero sa tingin ko naman walang nakapansin n'on.
Ilang buwan ko na itong iniisip. Wala na sana sa utak ko ito kung pinakausap lang ako ni Tayler kay Maxine. Sobrang halaga nitong sasabihin ko sa kanya pero ayaw naman akong palapitin ni Tayler kay Maxine. Kailangan malaman ni Maxine ang totoo. Hindi ko na rin kayang dalhin pa sa isipin ko ito. Mababaliw lang ako kapag hindi ko ito sinabi kay Maxine. Bakit ko pa kasi sinundan yung babaeng 'yon? Pa'no na 'yan? Kapag sinabi ko naman kay Maxine ngayon baka mawala lang yung focus niya sa laro. Bwisit dapat pala hindi ko na sinundan n'on si Zerene....
Flashback...
Naglalakad ako ngayon kasama sina Lairus. Papunta na kami ngayon sa room dahil malapit na ang oras ng klase. Biglang nahagip ng mata ko si Zerene. Kahina-hinala ang kilos niya."Dre una na kayo susunod na lang ako."paalam ko kina Kurt.
"Bakit dre? Saan ka pupunta?"tanong sa akin ni Zack.
"May titignan lang."sagot ko.
Isa-isa nila akong tinapik. Sinundan ko si Zerene. Huminto ako at nagtatago kapag lumilingon siya sa likuran niya. Nagtungo siya sa likod ng building. Nakapagtataka naman. Anong gagawin ng isang kagaya niya sa lugar na katulad nito?
"Anong namang paguusapan natin?"may narinig akong isang pamilyar na boses. Sumilip ako at nakita ko ang isang lalaki na kilalang-kilala ko. Nakasandal siya sa pader habang nakapamulsa ang mga kamay niya.."May ginawa ka 'no?"sabi niya pa.
"Ang totoo niyan, meron. Nung birthday ni Maxine, dapat may gagawin ako sa kanya pero sa inosenteng tao ko pala nagawa."si Zerene.
"Malaking pagkakamali 'yan Zerene."
"Alam ko... kaya ngayon naghihinala na sina Tayler."
"Paano?"
Napayuko si Zerene."Mukhang nahulog ko yung kwintas sa leeg ko at isa pa... binigay sa akin 'yon ni Tayler kaya ngayon gusto nila akong umamin."sabi niya pa.
"Wag mong isabit ang grupo Zerene dahil kung hindi ay uunahan namin sina Tayler sa pagpatay sayo."seryosong sabi nung kausap ni Zerene.
Itinaas ni Zerene ang ulo sa pagkakayuko."Pa'no? Ano ng gagawin ko?"halata kay Zerene na para siyang natatakot."Bakit ba kasi ayaw pang pakilusin ni VB ang grupo?"dagdag niya pa sa kanyang sinabi.
"Magplaplano pa tayo Zerene. Ang sabi lang ni VB ay pagkatapos na ng Interhigh o isabay natin sa pagsisimula ng Interhigh ang gagawin nating pagsugod sa kanila."yung lalaki.
Nasipa na lang ni Zerene ang plastic bottle na nasa paahan lamg niya."Bwisit!"inis na sabi ni Zerene.
Umalis na sa pagkakasandal yung kausap ni Zerene."Stay chill Zerene. Be calm and don't be a trigger-tiger. Show that you're not the killer one. See 'yah."pagkatapos niyang sabihin 'yon kay Zerene ay naglakad na siya.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Teen Fiction(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...