CHAPTER 63

1.3K 68 0
                                    

Maxine's POV.

Nakatulog si Tayler sa hita ko. Nandito pa rin kami sa garden n'ya. Kaya siguro s'ya nakatulog dahil sa kanina pa kami nag-uusap. Siguro ay tigil-tigilan ko na ang pagi-isip ng kung ano-ano para hindi na magulo ang utak ko. Tinatakot ko ba talaga yung sarili ko? Wag na ba'kong makinig sa kanila? Madaming tanong na naman ang nasa utak ko.

Bakit kasi hindi ko mapigilan ang pagiisip ng madami tapos yung iba nonsense naman. Napapagod na siguro yung utak ko sa kakaisip ng kung ano-ano. Kailangan ko ng kalimutan yung ibang nasa isip ko. Ang hindi ko kasi makalimutan ay yung mga masasayang araw namin ni papa na magkasama tsaka yung mga sinabi nila Cairo at nang iba pa. Pero sa pagiisip ng maramihan ay nakakatulugan ko na lang.

Ang nangingibabaw ngayon ay ang pagiisip ko kay Tayler. Sumali pa kasi yung Zerene na 'yon. Ang sakit, sobrang sakit dahil wala man lang akong ginawa or nagawa n'ong hinalikan ni Zerene si Tayler. Agad akong umalis n'on at nagpunta sa lugar na 'to tsaka umiyak. Oo, aminado akong nasaktan ako n'on ng hinalikan ni Zerene si Tayler pero ano naman ang gagawin ko? Pigilan si Zerene sa ginawa n'ya? Duh! Kaibigan lang ako ni Tayler 'no, tsaka hindi ko naman pag-aari si Tayler para pigilan ko sila sa ginagawa nila ni Zerene.

Mahal na mahal pa talaga ni Zerene si Tayler, hindi pa rin s'ya lumalayo kay Tayler at hindi n'ya tinitigilan si Tayler hangga't sila nagkakabalikan. Tama naman yung ginagawa ni Zerene na 'wag sukuan taong mahal mo pero mali pa rin. Maling ipilit n'ya yung sarili n'ya sa taong hindi na s'ya mahal. Parang ako yung nasasaktan sa ginagawa ni Zerene. Sana naman na-realize n'ya or ma-realize n'ya 'yon isang araw.

Biglang may nag-pop up na message sa'kin galing kay Damon kaya naman agad ko 'yon na binasa.

(1) Received Message.

From: Damon.

"Max, sunduin kita bukas ah?"

Agad naman akong nag-reply.

Compose Message.

To: Damon.

"Ahm sure."

Sent.

Makalipas ang ilang minuto ay Naka tanggap kaagad ako ng reply sa kanya.

(1) Received Message.

From: Damon.

"Okay, see you tomorrow."

Pagkatapos kong basahin ang message ni Damon ay hindi ko na s'ya ni-replyan. Binaling ko naman ng tingin si Tayler. Himbing na himbing s'ya at tulog na tulog. Kahit tulog ay gwapo pa rin. Hindi ko expected na makikita ko pa 'tong childhood friend ko pagkalipas ng ilang taon. Biglang gumalaw ang kanang kamay n'ya at pinasok n'ya sa loob ng damit n'ya kaya ngayon ay medyo nakataas ang damit n'ya. Kita ang abs n'ya 'teh!

Gusto kong tanggalin ang kamay n'ya at ibaba ang damit n'ya pero baka magising ko lang s'ya. Bigla naman akong napalunok habang tinititigan ang abs n'ya. Parang may naguudyok sa'kin na hawakan ko pero 'di ko 'yon sinunod. Parang gusto kong hawakan pero nakakahiya. Kapag nakakakita ako ng katawan ng lalaki except sa kuya ko dahil siopao ang tyan n'on ay bigla-bigla akong napapalunok at naiilang.

Ngayon na lang ulit ako nakakita ng ganito at kay Tayler pa. Noong bata kasi s'ya ay mataba ang pisngi n'ya at medyo mataba din ang katawan n'ya. Pero ngayon ang sexy at ang hot n'ya, matangkad din s'ya. Boyfriend material 'tong si Tayler at may mga katangian s'ya ng ideal type ko. Ang  ideal ko ay yung payat pero hindi totally na payat, matangkad, mas matanda sa'kin, medyo clingy at fashionable hindi pa kasama ang iba. Hindi ko masasabing tinamaan ako kay Tayler, nararamdaman ko kasing gusto at mahal ko na s'ya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon