CHAPTER 141

815 36 0
                                    

Justine's POV

Nandito pa rin ako sa ospital, nakatirik na parang kandila. Nasa kabila lang yung dalawang kulugo. Alas-singko na. Ang bilis ng oras kahit walang ginagawa. Pero sa totoo lang may ginawa ako, pagtulog lang. Kaya ngayon, hindi na 'ko inaantok. Wala akong ibang magawa. Nag-cellphone na 'ko kanina tapos nung nagsawa ako nilagay ko na lang sa isang tabi, wow. Gusto ko talagang pumasok ngayon at mag-practice pero hindi ko nagawa kasi sina mama.

At tsaka may kailangan pa 'kong gawin, yun yung pinapagawa sa 'kin ni Mang Danny. Hindi pa 'ko makapili ng araw kung kelan ako lalakad pabalik sa Cavite. May bigla tumawag sa 'kin. Inabot ko yun phone ko."[Hello?]"sagot ko sa tumawag.

"[Ano hijo ayos na ba ang pakiramdam mo?]"si Mang Danny.

"[Ayos na ayos ho Mang Danny.]"-ako.

"[Mabuti naman.]"-Mang Danny.

"[Bakit ho kayo napatawag?]"-ako.

"[Tatanungin ko lang kung kailan mo gagawin ang sinabi ko sayo.]"-Mang Danny.

"[Hindi pa ho ako nakakapili ng araw kung kelan Mang Danny.]"-ako.

"[Hindi sa pinamamadali kita pero hijo, kailangan mo ng magmadali dahil baka magpadala si Raymond ng mga tauhan n'ya sa bahay ko para hanapin ang mga ebidensya.]"-Mang Danny.

"[Susubukan ko ho Mang Danny ako na hong bahala.]"-ako.

"[Magiingat ka, Justine. At nga pala may sasabihin pa 'ko sayo.]"-Mang Danny.

"[Ano ho 'yon?]"-ako

"[Sa oras na dumating na ang oras ko. Sabihin mo kay Tayler na ako ang tiyuhin n'ya, ako ang kapatid ni Raymond.]"nabigla ako sa sinabing 'yon ni Mang Danny.

"[H-ho?]"nauutal kong sabi.

"[Salamat sa oras hijo.]"matapos sabihin 'yon ni Mang Danny ay s'ya na ang nagtapos ng paguusap namin.

Nasa utak ko na lahat ang lahat ng mga sinabi sa 'kin ni Mang Danny. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabing 'yon ni Mang Danny. Madami pala s'yang nalalaman. Hindi ko na tuloy alam kung naguguluhan ba 'ko sa mga nangyayari o ano. Sa ilang taong pagsasama namin nina Tayler at Mang Danny noon hindi ko man lang inisip na mag-tiyuhin sila. Talagang mapaglaro ang tadhana.

Sina Tayler at Maxine pa yung nakuhang paglaruan pero sa totoo lang ang sama at ang lungkot ng buhay nilang dalawa. Biruin mo, nabuhay sila sa mundong puro kasinungalingan at puro lihim. Nagmumukhang silang walang alam lalo na si Tayler, na mismong ama n'ya ang pumatay sa ina n'ya. Sa oras na malaman ni Tayler ang katotohanan sinisigurado ko na kakalimutan n'yang nagkaroon s'ya ng ama.

Kilalang-kilala ko si Tayler. Hindi pa s'ya nagagalit ng sobra pero kapag nangyari na 'yon lahat ng nasa paligid n'ya madadamay kahit na si Maxine. Nakokontrol naman ni Tayler yung galit n'ya pero pagdumating yung oras na hindi n'ya na kayang kontrolin at tiisin sasabog 'yon. Yun yung ayaw naming mangyari nina Cairo kaya kahit anong mangyari dapat nami s'yang pigilang magalit.

————————————————

Tayler's POV

Nandito ako ngayon sa gymnasium kung saan nagpa-practice sina Maxine. Malapit na din matapos ang practice nila. Kita kay Maxine na focus s'ya pero halata naman sa kanya ang pagiging kabado. Hindi 'yon maiiwasan dahil kasama n'ya ang gustong pumatay sa kanya. Sa ngayon kasi tutok kami sa pagbantay kay Maxine at Zerene dahil kapag nawala si Zerene sa paligid alam na. Magisa lang akong nakaupo dito pinapanood sila.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon