CHAPTER 76

1.2K 57 15
                                    

Maxine's POV.

Tumakbo si Tayler palapit sa'kin. Iba yung nakikita ko sa mga mata n'ya ngayon at ang mga nararamdaman ko ay naghalo-halo na. Yung mga mata n'ya ang sakit kapag tinitignan lalo na pag may luha. Pumasok na rin sina Justine at tinulungan si Tayler na tanggalin ang tali sa kamay, paa at katawan ko. Si Tayler naman ang nagtanggal ng punda na ginamit sa'kin bilang pambusal

Niyakap ko kaagad si Tayler."B-baby saan ka ba nagpunta ha? Bakit wala ka nung pag-gising ko?"naiiyak na tanong ko.

Humiwalay s'ya sa pagkakayakap at humarap s'ya sa'kin. "I'm s-sorry baby for leaving you a-alone, I'm really really sorry baby... please forgive me..." sabi n'ya sa'kin habang nakaluhod.

Hinawakan ko ang mukha n'ya. "No need to say sorry baby wala ka namang kasalanan eh." sabi ko sabay punas ng luha ko.

Umiiyak pa rin s'ya."Kasalanan ko Maxine." sabi n'ya at pinatong n'ya ang ulo n'ya sa hita ko."Dapat hindi kita iniwang mag-isa. Bakit kasi ang tanga-tanga ko!"sabi n'ya pa.

Pinaharap ko s'ya."Tayler wag mong sisihin ang sarili mo. Yung mga lalaking 'yon ang may kasalanan. Planado ang lahat Tayler."dagdag ko pa.

"What do you mean Maxine?" tanong ni Cairo.

"Sabi nila gumana daw yung plano nila." sagot ko sa tanong ni Cairo.

"Ito yung naisip ko kanina mga dre." sabi ni Justine kina Tayler."Sinadya nila iwan yung box sa tapat ng bahay ni Tayler para umalis si Tayler at kausapin tayo tungkol d'on tapos don sila nakahanap ng tyempo para makapasok sa bahay ni Tayler."dagdag pa ni Justine

"Matatalino sila dre." sabi naman ni Liam

"Gusto nila yung buhay ni Tayler." napatingin sila sa'kin ng sabihin ko 'yon."Tayler may ginawa ka bang kasalanan?"tanong ko kay Tayler

"Hindi ko maalala." sagot sa'kin ni Tayler.

"Dre kailangan mong aalalahanin dahil madadamay si Maxine." sabi ni Cairo kay Tayler.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon