CHAPTER 93

1K 43 1
                                    

3rd Person's POV.

Nakikita ko ngayon si Tayler kasama si Maxine. Mukhang papunta sila sa sementeryo. Tinigil ko ang motor ko malayo sa kanila dahil baka makahalata sila. Nagsuot ako ng face mask na itim at jacket na itim. Naglakad na'ko papunta sa kanila.

Biglang nag-ring ang phone ko kaya tumigil muna ako saglit sa paglalakad."[Hello?]"sabi ko.

"[Nasundan mo ba yung pinapasunod sayo ni Master?]" tanong n'ya

"[Yes, VB]" sumagot ako kaagad.

"[Bantayan mo lang hanggang sa nakauwi sila.]"-VB.

" [Copy.]"pagkatapos kong sabihin 'yon ay binaba ko na ang tawag.

Nagpatuloy na'ko sa paglalakad. Pumasok na'ko sa sementeryo. Hinanap ko kaagad sina Tayler. Nakita ko sila na nakatayo at may binisita silang puntod.

Nagtago ako malayo sa kanila. Nagulat ako ng may nagtakip sa ilong ko. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya naman unti-unti nang pumikit ang mga mata ko.

-------------------------------------------------------------

Maxine's POV.

Nandito na kami ngayon sa puntod ng mommy ni Tayler. Pinanganak ang mommy n'ya sa taong 1975. Parang naiiyak ako ngayon. Umupo si Tayler kaya umupo na rin ako. Bumili kami ng bulalak at kandila bago kami pumasok ng sementeryo. Nilagay n'ya na ang mga kandila at bulalak sa puntod ng mommy n'ya at sinindihan na n'ya ang mga kandila.

"Mommy." sabi ni Tayler. "Si Maxine nga pala girlfriend ko po." sabi n'ya pa at hinawakan n'ya ang kamay ko.

"Hello po tita!" masaya kong sabi."Ako nga po pala si Maxine Sharlamagne Xenia Alonzo. "pagpapakilala ko.

"Mommy kamusta kana d'yan? I miss you mommy. Natatandaan mo ba si Maxine mom? S'ya yung kababata ko yung nakilala ko sa park nagkita ulit kami mommy."-Tayler."Tapos ngayon girlfriend ko na s'ya. Alam mo Maxine, weakness ko noon na ayaw kong mangyari? Yung mawala si Mommy sa'kin dahil s'ya na lang yung kaisa-isa kong kayamanan sa buhay tapos nangyari pa." sabi n'ya naman sa'kin.

"May hangganan tayong mga tao. Ang iba maagang nawala. Swertihan na lang kung magtatagal ka sa mundong 'to." sabi ko naman. "Alam n'yo po tita ang bait pong boyfriend ni Tayler. Lagi n'ya po akong nililigtas tapos may pagkamanyak po yung anak n'yo." medyo natawa ako."Bantayan n'yo po sana si Tayler, tita. Ako na pong bahala mag-alaga sa kanya."

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon