CHAPTER 27

1.7K 88 0
                                    

Tayler's POV.

Sa mall ang punta namin ngayon. Hanggang ngayon ay 'di pa rin ako pinapansin ni Maxine at hindi s'ya dumaldal. Nang makarating kami sa mall ay naghanap ako ng mapapag-parking-an. Nang maparking ay tinanggal ko na ang seat belt ko.

Napansin kong 'di n'ya tinanggal ang seat belt n'ya. "Ayaw mong bumaba?" tanong ko pero 'di n'ya ko sinagot."Bumaba kana."sabi ko pero 'di n'ya pa rin tinatanggal ang seat belt.

Ayaw mo ah, gusto mo pala pwersahan.

Bumaba ako ng kotse at binuksan ko ang pintuan ng passenger seat kung nasaan nakaupo si Maxine pagkatapos ay binuhat ko s'ya.

"Ano ba Tayler ibaba moko!" nagpumiglas s'ya.

"Kapag ayaw madaan sa usapan, idaan natin sa santong-paspasan." sabi ko.

"Tayler!" sigaw n'ya. "Ibaba mo'ko sabi e!" nagpupumiglas pa rin s'ya. "Unggoy ibaba mo'ko dito!"

"Ang gwapo ko namang unggoy." natawa ako sa sarili kong sinabi.

"Sabing ibaba mo'ko e! Tayler!" nangungulit pa rin s'ya kaya binaba ko na dahil nasa entrance na kami ng mall.

Magkahiwalay ang babae at lalaki dahil kinakapkapan ng mga guard. Una akong nakapasok kaya inantay ko na lang si Maxine. Ilang minuto pa ang lumipas ay wala pa rin s'ya.

"Saan kaya nagpunta 'yon?" napakamot ako sa ulo.

"Hala sige tangahan mo pa." narinig kong may nagsalita sa likod ko kaya lumingon ako at nakita ko si Maxine na nakaupo.

"Tara na." aya ko sa kanya tsaka naglakad na'ko.

"Sige! Dito na lang ako!" sigaw ni Maxine na nakaupo pa rin.

Aba makulit 'tong babaeng 'to ah.

Umupo rin ako."Bakit ba ang kulit mo?"

"Bakit ba ang kulit mo?" panggagaya n'ya.

"Wag mo'kong gagayahin."

"Wag mo'kong gagayahin." ginagaya n'ya pa rin ako.

"Tara na." humarap ako sa kanya."Galit kaba?"hindi n'ya ko sinagot."Naasar ka siguro kanina no?"nagiwas sya ng tingin."Okay fine, sorry."

"Hatakin mo'ko." nagsalita na s'ya.

"Pa'nong hahatakin?" tanong ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon