Tayler's POV
Ilang minuto na nung nagsimulang magusap sina Damon at Maxine. Nagaalala na ako kay Maxine. Nandito pa rin kami sa gymnasium. Panalo ang HHS cheer leaders. Doble ang naging saya ngayon pero kahit gan'on ay may pakiramdam ako ng may nagbabadya o nagsasabi sa akin na may masamang mangyayari ngayon. Kailangan kong maniwala sa sinabi ni botchoy kahapon. Sa lahat ng Gangs, ang Gang ni botchoy ang may maraming nababalitaan.
Marami din silang nalalaman. Nagbibigay sila ng tips sa akin kung may mangyayari sa lugar ng pupuntahan ako. Sa ilang beses na sinabihan niya ako ay ang lahat ng 'yon ay nagkatotoo kaya ngayon sigurado akong may mangyayari. Tumakbo na lang ako palabas ng gymnasium. May narinig pa akong tumawag sa akin pero hindi ko 'yon pinansin. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas ako ng school na ito ng Beverly.
Nagulat ako ng makita ko si Damon na nakaupo at naliligo ng dugo. Agad ko siyang nilapitan."Nasaan si Maxine?"agad kong tinanong si Damon.
"Damn you! Mas aalalahin mo pa si Maxine kesa sa 'kin?!"
"Malamang girlfriend ko 'yon Damon!"
"Tignan mo 'ko Tayler! Naliligo na ako sa dugo! Aray....."napadaing siya ng sabihin niya sa akin 'yon.
Ginamit ko ang dala kong panyo na hindi ko pa nagagamit ng makalabas ako ng gymnasium kanina. Nilagay ko ang towel sa nagdurugo niyang sugat."Anong nangyari sa kanya?"may biglang sumulpot na guard.
"Don't ask me. Just call ambulance."sabi ko dito sa guard."Damon saan sila dumaan?"muli ko pang tinanong si Damon.
May tinuro siyang daan. Nagmadali akong tumakbo papunta sa sasakyan ko na nasa gilid lang. Agad kong sinuot ang seat belt ko at saka na ako ng maneho. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng basketball short ko saka ko dinayal ang number ni Justine."[Oh napatawag ka dre? Nasaan ka ba? Kanina ka pa namin hinahanap.]"pagsagot ni Justine sa tawag ko.
"[Si Maxine, nawawala. Si Damon duguan. Nasa entrance siya ng school. Mukhang sinaksak siya.]"-ako.
"[A-ano? Nasaan ka ngayon?]"-Justine.
"[Nagmamaneho. I-open niyo yung GPS ninyo para ma-track niyo yung tracking device na nasa likod lang ng cellphone ni Maxine. Sumunod kaagad kayo sa akin. Kailangan ko ng back up.]"-ako.
"[Masusunod Mr. Ty.]"-Justine.
Matapos niyang sabihin 'yon ay ako na ang tumapos sa paguusap namin. Hindi nagkamali si botchoy sa sinabi niya. Dapat ay hindi ko iniwanan si Maxind kay Damon. Pero bakit kailangan sa harapan pa ng school? kung saan may chance na may mangyaring masama sino man sa amin. Sigurado akong ang Vitale's brotherhood ang dumukot kay Maxine. Nandoon pa sa gymnasium kanina si Zerene kanina.
Sigurado akong susunod na siya sa mga kamiyembro niya. Hindi pwedeng may mangyaring masama kay Maxine dahil pagnakita kong may sugat sa kanya, sisiguraduhin kong buhay ang kapalit. Hindi ako papayag na galawin ng sino man si Maxine. Mas lalo akong nakaramdam ng matinding kaba at takot. Hindi sa kalaban, kundi kay Maxine.
Kailangan muna nila akong patayin bago nila pakealam si Maxine pero kahit sa kabilang buhay, i'll make them suffer. Kung ang Vitale's brotherhood nga ang kumuha kay Maxine. Bahala na kung si Zerene ang makaharap ko. Dati pa akong nawalan ng respeto sa iba kaya walang sino man ng hahadlang ang mga gagawin at gugustuhin ko. Magkapatayan na pero hindi ako susuko. Kahit pagod ako ngayon gagawin kong lumaban.
They know me. Hindi ako basta-basta sumusuko. Hanggang kaya ko pa, lalaban ako. Hangga't humihinga pa, lalaban ako. Dapat talaga hindi ko na lang pinayagang makipagusap sina Damon at Maxine. Hindi ko siya masisisi. Nadamay na siya. Kalalaking tao hindi kayang lumaban ng may diskartihan tss. Wala pa rin talagang pinagbago ang isang 'yon. Katulad pa din siya ng dati...
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Teen Fiction(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...