Maxine's POV
Nasa sasakyan ako ngayon nina Justine. Sila ang maghahatid sa akin sa bahay. Kanina kasi pumunta ako sa parking lot ng school para hanapin siya pero hindi ko na nakita yung sasakyan niya at pati na rin siya. Mukha talagang nagselos siya kay Damon. Sa tingin ko naman na wala dapat siyang ikaselos doon dahil maguusap lang naman kami ni Damon. Hindi man lang niya hinayaan na makapagsalita si Damon. Gusto ko pa naman marinig ang sasabihin niya.
Hindi talaga ako sanay sa parang bagong Tayler. Siguro naman ay nasa bahay na siya ngayon. Hindi naman niya ako papayaban na magisa sa bahay eh. Kilala ko 'yon si Tayler. Kaya iniwan niya ako sa school ay dahil ihahatid sina Justine ang maghahatid sa akin. Sinubukan ko siyang tawagan kanina pero hindi niya sinasagot, ring lang ng ring tapos ilang text message na yung sinend ko sa kanya hindi naman siya nagrereply. Siguro ay sa bahay ko na lang siya kakausapin.
Kinuwento ko na rin kina Justine yung nangyari kanina. Nabigla din sila at nagulat. Ngayon lang daw kasi nila nalaman na may ikinikilos si Tayler na gan'on. Kahit naman din ako na girlfriend niya nabigla din sa inasta niya. Nakakapanibago na talaga si Tayler pero kaunti lang naman. Masyado lang talagang nakakabigla. Hindi talaga gan'on si Tayler. Dala lang siguro siya ng nararamdaman niya kaya nagkagan'on. Nakarating na kami sa bahay. Inihinto na ni Justine ang sasakyan niya sa tapat ng bahay namin.
Tinanggal ko na ang seat belt ko."Justine, salamat sa paghatid ha?"pagpapasalamat ko sa kanya.
"Wala 'yon Max. Kausapin mo na si Tayler."sabi naman niya sa akin.
"Ingat kayo."nakangiti kong sabi sa kanila at pagkatapos ay bumaba na ako. Kinawayan ko pa sila habang papalapit ako sa main door ng bahay. Hindi ko na sila hinintay na umalis. Kumatok ako."Tayler?"tawag ko kay Tayler. Nagpakawala muna ako ng hangin bago ko buksan ang pintuan."Tayler? Nandito ka na ba?"tawag ko pa sa kanya. Ibinaba ko muna ang bag ko sa sofa."Tayler?"tawag ko pa sa kanya pero walang sumasagot. Umakyat ako ng hagdan. Pinihit ko na ang door knob. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko. May nakita akong nakahiga."Tayler..."sabi ko habang papalapit ako sa kanya. Humiga ako at tinabihan ko siya. Pinadulas ko ang kamay ko sa tiyan niya."Hoy 'wag ka ngang ganyan. Hindi bagay sayo."sabi ko sa kanya pero hindi siya umimik."Magsalita ka naman. Nagmumukha na akong baliw dito oh."sabi ko pa sa kanya.
"Tell me i'm so over protective right?"nagsalita na siya."I just don't like boys, mans around you."sabi niya pa."And i felt angry when they try to hug and touch you. Kagaya na lang yung nagawa ko kay Damon kanina."dagdag niya pa.
Natawa na lang ako."Alam mo Tayler. Ayos lang naman yung gan'on, yung pagiging protective pero kasi minsan or madalas hindi maganda kasi sumosobra."pagkatapos kong sabihin 'yon ay humarap na siya sa akin.
"I know."napabuntong-hininga siya."But—"
Napatigil siya ng idampi ko ang hintuturo ko sa labi niya."No more buts baby."malambing na sabi ko sa kanya.
"I just want to say—"
Pinatigil ko ulit siya sa sasabihin niya."Don't you ever try to say any words again."sabi ko pa sa kanya.
"You can't stop me."-Tayler.
"Really?"
Tumango-tango siya. Muli na naman siyang napabuntong-hininga."I'm a strong person. But every now and then I would like someone to take my hand and say everything will be alright."may bahid na lungkot at saya sa sinabing 'yon ni Tayler.
Pinindot-pindot ko yung ilong niya."I've have seen you at your worst but I still think you're the best"sabi ko pa sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya."Yes, everything will be alright."nakangiting sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Teen Fiction(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...