Maxine's POV.
Matapos namin makapag-practice ay nagpalit na'ko ng damit. Nakapagfocus naman ako sa practice pero dumadaan pa rin sa utak ko yung mga nangyari. Sobra akong nabigla sa ginawa ni Tayler kay Zerene ni hindi ko nga expected na gagawin n'ya yung bagay na 'yon. Oo, gangster si Tayler pero dapat hindi n'ya 'yon ginawa kay Zerene, babae pa rin si Zerene. Ang mga babae dapat ay pinoprotektan hindi sinasaktan.
Nagaalala ako kay Zerene. Alam kong masakit yung ginawa sa kanya ni Tayler. Parang ako tuloy yung nagi-guilty d'on sa ginawa ni Tayler. Alam ko naman na mali naman talaga si Zerene, mali yung pinagsalitaan n'ya ko ng gan'on at mali din na binastos n'ya si Ms. Daffney. Mali rin si Tayler kasi sinaktan n'ya ng pisikal si Zerene. Hindi ko na tuloy alam kung ano nang gagawin ko sa dalawang 'yon. Matapos makapagbihis ay lumabas na'ko ng practice room. Nakita ko si Tayler na nakatayo sa gilid at nakasandal sa pader habang nakapamulsa.
"Hindi ka nagugutom?" bigla s'yang nagtanong.
"Hindi naman." sagot ko.
"Hindi na masakit yung paa mo?" sunod n'yang tanong.
"Hindi na." sagot ko.
"Tara na, pumasok na tayo." sabi n'ya at naglakad na kaya naman sinundan ko na s'ya.
Matapos kong magbihis kanina ay hindi ko na nakita si Zerene. Siguro ay umiiyak na s'ya ngayon. Kahit siguro ako ay iiyak pag-ginawa sa'kin yung gan'on. Dapat kasi hindi na ginawa 'yon ni Tayler. Nilamon siguro ng galit si Tayler kaya hindi n'ya na napigilan at nasaktan na n'ya si Zerene.
Nang makarating kami sa room ay napansin kong wala pa si Damon. Binaba ko na ang bag ko at umupo, gan'on din ang ginawa ni Tayler. Hindi kami masyado nag-uusap sa loob ng room dahil siguro ayaw n'ya lang or may nakapagitan lang sa'min kaya hindi kami nagkakausap. Nasa gitna kasi namin si Axill.
"Hey Max." bigla akong kinausap ni Axill.
"Hi Axill!" nginitian ko s'ya.
"Maxine!" sigaw ni Andrea. Nakita ko s'yang tumatakbo papunta sa'kin at bigla n'ya kong niyakap."Na miss kita Maxine! "sabi ni Andrea habang nakayakap sa'kin pagkatapos ay agad naman s'yang humiwalay sa'kin.
"Hey Maxine, we missed you."sabi ni Lisa.
" Ilang araw kang absent 'teh."sabi naman sa'kin ni Yna.
"May ginawa lang hehehe." sabi ko naman.
"Hi, girls." sabi ni Axill kina Andrea.
"Hello, Axill." sabay-sabay na sabi nina Andrea.
"Alam mo Axill ang ganda ng pangalan mo, Axill Roent Del Eillero." sabi ni Sunny kay Axill.
"Pero mas maganda ka kesa sa pangalan ko " kinikilig si Sunny ng sabihin 'yon ni Axill sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Teen Fiction(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...