CHAPTER 165: INTERHIGH

843 33 4
                                    

Maxine's POV

Ngayong araw ay sabado at ngayong araw din ang unang araw ng Interhigh. Grabe mas lalo kong naramdaman yung kaba. First ko lang ito tangina. Nandito na kami ngayon sa school. So 'yon, kami ang dadayo sa ibang school. Ang lupit 'diba? Kami pa yung mapapalayo, kami na nag-aadjust para sa kanila. Nakakaloka naman 'yon. Ang unang makakalaban ng basketball team ay ang school na pinanggalingan ko, ang Saint Theresa Highschool. Malapit 'yon  sa village namin kaya doon ako nag-aral noon pero lumapit ako dito sa Hemelton dahil gusto ni kuya na dito na lang daw ako.

Madaming nakakakilala sa akin doon. Magaling ang mga estudyante doon. Hindi ko kayang ipagkumpara ang Hemelton basketball team at ang Saint Theresa basketball team. Ang alam ko lang ay parehas silang magaling. Sigurado akong mahihirapan din sila. Buti na lang at hindi ko magiging kakumpetensya ang mga kaibigan ko doon dahil hindi naman sila sumasali ng Cheer Leading. May mga talent din naman sila kaya sa mga dancing at singing yung hilig nilang salihan.

Bago magsimula ang laban mamaya ng basketball teams ay maglalaban muna ang mga cheer leaders. Kinakabahan ako ng sobra!!!⊙﹏⊙ Bakit kasi Saint Theresa pa yung una naming makakalaban pero ayos na din 'yon, para din naman kasi mabisita ko yung mga kaibigan ko d'on. Hindi na kami sasabay sa bus na sasakyan ng ibang estudyangteng kasali sa Interhigh dahil ako at sina Lisa ay dala ang kani-kanilang sasakyan. Sina Yna at Andrea ay sasabay na lang. Nagulat ako ng dalhin ni Cairo ulit yung sasakyan niya eh.

Gusto niya yatang masolo si Yna awiieee( ◜‿◝ )♡ Ako naman syempre walang iba kay Tayler kami sasabay. Nandito kaming lahat sa entrance ng Hemelton. Bihis na bihis na kaming. Ilang minuto na lang ay aalis na kami."Excited na ako!!!"masayang sabi ni Andrea.

"Ako din!"si Yna.

"I will cheer you all!!"masayang sabi naman ni Lisa.

May biglang humawak sa kamay ko."Nanginginig yung kamay mo."si Tayler."Wag kang kakabahan. Just enjoy and the nervousness that you feel will gone."nakangiti siya sa akin ng sabihin ko 'yon.

"Hindi ko maiwasan Tayler. First time ko lang kasi 'to eh."sabi ko naman sa kanya.

Bigla na lang niya akong niyakap."Ayieeeeeeeee!!!"bigla na lang silang nag-ingay.

"Oh tama na ang kiligan. Tara na at baka mahuli pa tayo."singit naman ni Ms. Elyssa.

"Kita na lang tayo sa school na 'yon."sabi naman ni Cairo."Tara na Yna."baling naman niya kay Yna.

"Dre."tawag ni Justine kay Tayler at tanging pagtango lang ang ginawa ni Tayler.

Nagsi-sakayan na kami. Nakita kong nauna na ang Bus na sinasakyan nina Ms. Elyssa at Coach Fallon. Speaking of first exam, 'yon naging maganda ang resulta. Dahil sa pagre-review namin ni Tayler at ng iba pa. Si Cairo ay pinupuntahan pa si Yna para mag-review. Ang tawag pa nga ni Cairo doon ay 'study date' eh. Nasabi sa amin ni Yna na natutuwa daw yung magulang niya sa kung paano manligaw at sa mga pinapakita niya kay Yna. Nakakatuwa dahil kaya palang gawin 'yon ni Cairo.

Si Tayler hindi ako niligawan eh. Pero ayos lang naman. Boyfriend ko na eh. Pagkatapos ng Interhigh, balak namin nina Andrea na paghandaan na yung mangyayaring JS PROM sa katapusan nitong buwan. Walang pasok ngayon ang mga estudyante dahil may gaganapin nga. Halo-halo ang nararamdaman ko. Excited, kaba, takot at saya. Siguro last ko na 'tong pagsali sa mga ganito. Nakakapagod kaya pero enjoying.

Yung iba nga lang sa amin ay hindi ko close kagaya ni Zerene at ng mga aliporas niya. Kita ang pagpupurisigi ng lahat ng kasali sa Cheer Leading at Basketball Team. Nakakatuwa nga kasi nagkakaisa na sina Tayler at Damon. Sa cheer leading naman mukhang hingi kasi madalas ako kung banggain ni Zerene. Parang ako yung trip niya sa bawat practice namin pero pasalamat siya dahil patapos na ang Interhigh kaya hindi ko na siya papatulan at wala akong balak patulan ang immature na kagaya niya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon