Sorry sa pambibitin hehehe. Enjoy!❤️
Master's POV.
Nandito ako ngayon sa bahay at nakaupo ako sa kama ko. Pagod ako kaya hindi muna ako pumasok. Medyo na-stress din ako dahil sa mga walang kwenta kong tauhan. Hindi pa nakakabalik ang mga tauhan na pinadaka ko para dakipin yung Danny Cruz na 'yon.
Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko."Come, in."sabi ko.
Bumakas ang pinto ng kwarto ko at niluwal nito ang isa sa mga tauhan ko."Magandang umaga Master."bati n'ya sa'kin.
"Bakit ka naparito? Nagawa mo na ba yung pinagagawa ko sa inyo?"tanong ko.
"Tungkol po d'yan ay hindi pa."sagot n'ya naman.
Nagtaka ako."Bakit?"-ako.
"Nakuha po s'ya sa'min ng isa sa mga kaibigan ni Tayler at hindi na po namin sila naabutan. Patay na po yung isa sa mga kasama ko sa ginawang pandukot dahil inundayan s'ya ng saksak sa likod nung kaibigan ni Tayler."sabi n'ya.
Tumayo ako at binato ko yung hawak-hawak kong baso na may laman na wine."Wala kang kwenta!"sigaw ko sa kanya."Wala akong pake d'yan sa kasamahan mo ang kailangan ko ay si Danny kailangan ninyo s'yang mahanap bago s'ya magsalita kay Tayler."nanggigigil na sabi ko."Masyadong madaming nalalaman ang lalaking iyon kaya kailangan ko s'yang mapasakamay. Kapag hindi ninyo s'ya nahanap pagkatapos ng sunod na linggo pupugutan ko kayo ng ulo kasama nung dalawa pa. Labas! Dapat mahanap ninyo kung saan tinago ni Tayler si Danny."galit kong sabi.
"Masusunod po, Master."pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay lumabas na s'ya ng kwarto ko.
Binato ko yung bote ng wine sa pader."Bwisit ka Tayler! Isa ka talagang lason sa buhay ko! Napakapakealamero mo talaga!"galit na sabi ko. Natawa ako."Mamatay ka sa mga kamay ko Tayler, sinisigurado ko 'yon."nakangiti ako ng sabihin 'yon.
--------------------------------------------------
Tayler's POV.
Tumunog na ang bell, senyales na lunch break na. Wala namang kung ano sa ibabaw ng desk ko kaya wala naman akong aayusin. Binitbit ko na yung bag ko. Binaba ko muna saglit para pagpagin yung laylayan ng pantalon ko. Matapos kong alisin ang dumi ay binitbit ko na ulit yung bag ko.
Lumapit ako kay Maxine. Mukhang tapos na s'yang mag-ayos ng mga gamit n'ya."Kain na tayo nagugutom na'ko."sabi n'ya habang nakahawak pa s'ya sa tiyan n'ya.
Tumango ako."Tara na."sabi ko naman.
"Dre pwede ka ba namin makausap?"narinig ko ang boses ni Justine.
Nagkatinginan pa kami ni Maxine."Mauna na kayo susunod na lang kami."tumango na lang s'ya ng sabihin ko 'yon.
"Teka Max, hindi na kami makakasama mag lunch sa inyo baka kasi mapahaba yung paguusap namin."napatigil si Maxine nang sabihin 'yon sa kanya ni Cairo.
"S-sige."pagpayag ni Maxine.
Lumapit s'ya kina Andrea. Sinundan pa namin sila ng tingin hanggang sa makalabas sila."Tungkol saan ba yung paguusapan namin?"tanong ko.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Teen Fiction(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...