Maxine's POV
Matapos ang practice namin sa cheer leading ay nagpalit na 'ko ng damit. Kasama kong nagpalit sina Andrea. Kahit pagod ay nae-enjoy ko pa rin yung ginagawa naming practice dahil 'yon kay Ms. Elyssa. Maliban kasi sa pagiging magaling na cheer dance instructor ay nagpapatawa din s'ya habang nagtuturo kaya yung pagod namin nawawala. Gan'on ang gusto ko sa isang nagtuturo. Naalala ko kasi yung mga teacher ko sa dati kong school.
Grabe kasi sila kung magpatawa lalo na yung math teacher namin. Nung nagsara yung pinto ng pagkalakas-lakas dahil sa hangin ay nagulat si Sir. Ang cute n'ya kayang magulat. Walang ibig-sabihin yung cute na 'yon ah? Basta ang cute lang ni Sir, yun na 'yon. Matapos namin magpalit ng damit at dito na kami sa loob ng cr nina Andrea nag-ayos ng mga mukha namin. Grabe din kasi yung pawis namin kanina sa practice eh. Buti nga hindi muna kami nagbatuhan ngayon eh kundi hilo ako.
"Tignan mo yung mukha ni Andrea pwede ng pagprituhan."biro ni Yna na natawa naman kami.
"Yung sayo din naman ah!"sabi ni Andrea kay Yna.
"Pare-parehas lang tayo 'no mas malala lang yung kay Andrea."biro din ni Sunny.
Natawa kami sa biro ni Sunny."Lagi na lang ako yung kawawa dito mga punyeta kayo."nakasimangot ang mukha ni Andrea ng sabihin 'yon.
"Kawawa naman, gusto lalaki?"sabi pa ni Yna kay Andrea.
"Lol, sapat na sa 'kin si Lairus 'no."-Andrea.
"Mas bagay kaya kayo ni Daniel."-Summer.
"What the... Yung Daniel na mataba?"natatawang sabi ni Andrea."Mas gugustuhin ko pang magka-boyfriend ng unggoy 'no kesa magustuhan ko yung mataba at nakakadiring lalaking 'yon. Isipin ko pa nga lang nanginginig na 'ko."diring sabi pa n'ya.
"Alam mo masamang magsungit kaya 'wag mo ng sungitan si Daniel."inakbayan pa ni Yna si Andrea habang nakatingin sa malaking salamin."Matagal ka na kayang gusto nung tao oh pansinin mo naman. Kumbaga ngitian mo tapos kawayan mo para naman masiyahan yung tao at makalimutan n'ya kahit papaano yung mga pagsusungit mo sa kanya."-Yna.
Tinanggal ni Andrea si Yna sa pagkakaakbay sa kanya nito."Nababaliw ka na ba?"sabi ni Andrea kay Yna at humarap s'ya kay Yna. Hindi naman nagtagal ay binaling ulit n'ya ang tingin sa malaking salamin."Loyal ako 'no, kay Lairus lang ako. Kahit pa may iba d'yan wala, talagang si Lairus lang ang gusto ko. Kahit pa si Daniel na lang ang lalaki sa mundo hindi, Wala s'yang pag-asa sa 'kin 'no kaya kung ako sa kanya tigilan n'ya na ako."sabi pa ni Andrea."Si Sunny n'ya eh gusto si Justine pero hindi s'ya gusto tapos si Ian gusto pa rin si Sunny oh shit haba ng buhok ng Sunnyvale natin ah."
"Kita ko nga na nagtitinginan yung dalawang yun kanina eh."sabat ko naman.
"W-walang ibig-sabihin yun 'no. Kayo n-nagiisip na naman ng hindi maganda."utal na sabi ni Sunny.
"Tara na nga mamaya kung ano pang pumasok sa isip n'yo."-Summer.
Saktong tapos na kami sa pagaayos ng sarili namin kaya sabay-sabay na kaming lumabas ng cr bitbit ang mga gamit namin. Nakabalik na kami sa gymnasium. Kita kong naguusap pa rin sina Tayler at Lisa. Lumapit kami sa kanila."Basa pa ba yung likod ko?"tanong sa 'kin ni Tayler. Umiling na lang ako bilang sagot."Gusto mo ba ng maiinom?"tanong n'ya pa ulit pero umiling lang ako bilang pagsagot."Bakit ba ayaw mong magsalita?"muli s'yang nagtanong pero sa tanong n'yang 'yon ay hindi na 'ko sumagot. Tumayo s'ya at bigla na lang akong hinalikan?!"Hindi ka pa ba magsasalita?"
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1
Teen Fiction(UNDER RENOVATION) [Season 1] Sa eskwelahan ng Hemelton Highschool ay mayroong isang grupo ng mga Gangster at Bully. *** Si Tayler Lucas Fuegeras ang namumuno sa grupo ng gangster. Samantala, si Damon Blaine LeCard naman ay kilala bilang mambubuyo s...