CHAPTER 111

954 35 1
                                    

Maxine's POV.

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Kinapa ko 'yon para maabot hanggang sa nahulog ako sa kama ko sa kakaabot ng alarm clock ko. Napahiga ako sa sahig. Ang sakit na nga ng paa ko tapos dumagdag pa yung likod ko bwisit!>_< Tumayo na'ko. Pinatay ko na yung alarm clock ko. Napahawak pa'ko sa likod ko. Kaya masakit ang paa ko dahil kagabi bago ako matulog ay nagsanay muna ako maglakad ng naka-heels. Bumili na kasi kami ng heels kagabi bago kami naguwian.

Nakaisang oras at kalahati yata ako n'on sa pagpa-practice. Kaya hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung sakit. Sinubukan kong maglakad. Ayos naman pero kapag hahakbang ako ay sumasakit. Umupo muna ako sa gilid ng kama ko. Kahapon, kakasimula palang ng practice ko  sa cheer leaders ay nagpaalam sa'kin si Tayler na mauuna na daw s'ya kasi may pupuntahan pa s'yang importante kaya ang naghatid sa'kin kagabi pauwi ay si Damon, nabigla nga ako eh.

Tumayo na'ko ulit at inayos ko na ang kama ko pagkatapos ay lumabas na'ko sa kwarto ko. Absent kahapon si Justine, hindi ko naman natanong kay Tayler kasi baka hindi n'ya ako bigyan ng sapat na sagot eh kilala ko na yun eh baka sagutin lang ako n'on sa paraan ng pamimilosopo n'ya baka masapak ko na s'ya. Lumabas na'ko ng kwarto. Bumaba na'ko ng hagdan. Nahagilap ng mata ko si kuya na nasa dining area, kumakain na s'ya siguro.

Nilapitan ko s'ya. Umupo ako sa tabi n'ya."Good morning gurang."bati ko kay kuya tapos napahikab pa'ko.

"Ewan ko sayo."tumayo s'ya."Teka, ipagtitimpla lang kita ng kape."tumango na lang ako sa sinabi n'yang 'yon. Hindi nagtagal ay bumalik na s'ya.

Nilapag na n'ya yung kape sa harap ko."Thank you."pagpapasalamat ko.

Ininom ko na yung kape kahit mainit pa."Nga pala next year sa school n'yo na'ko magaaral."sabi n'ya.

Nabuga ko ang iniinom kong kape dahil sa gulat."Ano?!"di ako makapaniwala."Ano na naman bang nakain mo ha?"tanong ko.

"Gusto lang kitang mabantayan ng maayos kasi napapansin kong masyado akong busy sa school na 'yon kaya i made that decision."-kuya.

"Ewan ko sayo,minsan talaga ang lakas ng trip mo."-ako.

Biglang tumunog ang phone ni kuya. Kinuha n'ya 'yon sa bulsa ng pajama n'ya. Tinignan n'ya sa screen kung sino yung tumawag."Tumatawag si mama."sabi ni kuya tapos tinignan n'ya pa'ko.

"Sagutin mo na basta wag mong sasabihin na nandito ako."sabi ko naman.

"Ila-loud speak ko na lang para marinig mo."tumango na lang ako sa sinabi n'yang 'yon."[Hello 'ma?]"sagot ni kuya sa tumawag.

"[Alexander, kamusta na kayo riyan?]"agad na nangtanong si mama.

"[Ayos lang po 'ma.]"sumagot naman si kuya."[Kayo po ayos lang po ba kayo d'yan?]"si kuya naman yung nagtanong.

"[Ayos naman ako anak mas nagaalala nga ako dahil hindi ninyo ako kasama riyan. Pasensya ka na anak, promise babawi ako kapag nakauwi na ako riyan.]"-Mama.

"Wag na."bulong ko.

"[Nasaan pala si Maxine?]"-mama.

Tumingin pa sa'kin si kuya."[Ah eh wala na po 'ma, pumasok na po sa school.]"-kuya.

"[Hindi mo na kailangan pang pagtakpan pa si Maxine, Alexander dahil alam kong nariyan s'ya. Anak, Maxine kausapin mo naman si mama oh. Miss na miss na kita, kayo ng kuya mo. Magsalita ka naman anak miss ko nang marinig yung boses mo. Pangako anak babawi ako kapag nakauwi na ako riyan.]"-Mama.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon