CHAPTER 39

1.5K 92 5
                                    

Damon's POV.

Galit akong pumasok sa bahay. Dumeretso ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Kinuha ko ang pitsel at naglagay sa baso. Naiinis ako dahil mas pinili ni Maxine si Tayler. Walang ginagawa si Tayler pero napapasunod n'ya si Maxine.

"Hindi pwedeng makuha ni Tayler si Maxine! Akin lang si Maxine! Akin lang... Hindi ako papayag na makuha ni Tayler si Maxine at kailangan kong mapaghiwalay sila." sabi ko sa sarili ko. Bigla namang nag-ring ang cellphone ko kaya agad kong sinagot."[Hello?!]"galit akong sumagot.

"[Eh? Easy lang dre galit ka na naman ba?]" boses ni Kurt.

"[May kailangan ka ba?]" tanong ko.

"[Wala.]"sagot n'ya.

"[Gago ka pala e, bakit ka pa tumawag?]" naiinis kong sabi.

"[May sasabihin lang.]" si Kurt

"[Sabihin mo na.]"-ako.

"[Si Maxine at Tayler, sila na.]" nakaramdam ako ng lalong galit kaya binato ko ang basong hawak ko pagkatapos ay in-end ko na ang call.

"Bwisit ka Tayler! Kahit kailangan mang-aagaw ka! Una si Zerene inagaw mo sa'kin ngayon si Maxine naman?! Hindi... Hindi.... Hindi ako papayag! Gagawa ako ng paraan para mapaghiwalay ko kayo ni Maxine at kapag nangyari 'yon kukunin ko si Maxine sayo! HAHAHAHAHAHA Humanda ka sa'kin Tayler hindi ako papayag na pati si Maxine ay agawin mo sa'kin." binato ko naman ang isa pang baso."kung kailangan patayin kita para makuha ko si Maxine gagawin ko, wala akong sasantuhin Tayler. "

Get ready Tayler i will start the game.

-------------------------------------------------------------

Maxine's POV.

Maaga akong nagising ngayon. Pag-gising ko ay agad kong hinanap si kuya pero wala na naman s'ya. Nakikita ako ng note sa may ref, nakadikit.

"Good morning prinsesa ko, pasensya kana kung 'di kita naabutan ah? Busy kasi si kuya eh babawi ako next time bunso, male-late ulit ako ng uwi mamaya sorry bunso, I love you!-Kuya"

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon