CHAPTER 132

841 36 5
                                    

Maxine's POV

Nag-ring na ang bell senyales na break time na. Kanina sabay-sabay na pumasok sina, Damon, Lairus, Zack, Kurt, Axill at Tayler. Mukhang sama-sama sila sa na nag-practice. Hindi nakasama yung tatlo kasi sinundo pa 'ko kaya 'yon hindi sila nakasama sa practice nila pero nakapagpaalam naman sila sa Coach nila. Kita kong tumayo na si Tayler palabas ng room. Bigla na lang ako tumayo sa hindi ko malaman na dahilan.

Gusto ko s'yang lapitan at kausapin. Hindi ako nakapag-focus kanina sa nga discussion dahil sa kakaisip kay Tayler at sa mga sinabi ni Cairo. Hindi naman sa nagsisisi ako na nakipaghiwalay ako kay Tayler pero kasi parang mali yung ginawa ko. Hindi ko s'ya pinagsalita at pinagpaliwanag dahil pinangunahan ako ng nararamdaman kong galit sa kanya. Tuluyan na s'yang lumabas ng room.

"Kahit na makipaghiwalay ka sa 'kin alam kong babalik ka pa rin dahil mahal mo 'ko!"rinig kong sigaw ng isang estudyante sa labas lang ng room namin sa may corridor.

"Tignan mo nagiingay na naman yung unggoy na 'yon."rinig kong sabi ni Andrea habang papalapit sa 'kin.

Bigla kong naalala yung tawag ko n'on kay Tayler, unggoy."Max, ayos ka lang ba?"tanong ni Yna.

Napalingon ako sa kanya pero nahagip ng mata ko si Lisa."Oo."sagot ko.

"Maxine pwede ba tayong mag-usap?"tanong naman sa 'kin ni Lisa

Pagkakataon na siguro 'to para malaman kung bakit at paano nangyari 'yon sa kanila ni Tayler."Sige."pagpayag ko sa sinabi ni Lisa."Mauna na kayo, sabay na lang kami ni Lisa kakain."binitbit ko na yung bag ko at sabay kaming lumabas ni Lisa ng classroom.

"Maxine tungkol doon sa nakita mo hindi namin sinasadya ni Tayler 'yon. Parehas lang kaming nadala sa tukso at nararamdaman namin."nakuyom ko ng palihim ang mga kamao ko."Ayokong matapos dito ang relasyon na meron kayo ni Tayler kaya nandito ako ngayon oara tulungan ka at ipaliwanag sayo kung paano 'yon nangyari."sabi n'ya pa.

"Malaya kang magsalita."pagkatapos kong sabihin'yon ay saktong nakalabas na kami ng building.

May nakita akong bench kaya umupo ako doon."Kaya nangyari 'yon ay dahil sinama ako ni Tayler sa bahay n'ya. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari 'yon. Babae din ako Maxine nadadala din ako sa tukso. Nung time na nakita mo kami ni Tayler doon lang ako nahimasmasan na mali yung ginawa ko. Pagkaalis n'yo, nag-away din kami ni Tayler. Bigla ko na lang s'yang nasampal pagkatapos. Wag ka magaalala Maxine dahil hindi naman n'ya pinasok yung alam mo na? Maxine, gusto ko kayong magkaayos ni Tayler ayokong matapos na lang ang lahat ng pinagsamahan n'yo ng dahil lang sa 'kin. Sorry sa lahat ng ginawa ko sayo Maxine."napayuko pa si Lisa."Napakababaw ng rason namin diba?"medyo natawa pa s'ya."Oo aminado ako na may gusto pa rin ako kay Tayler pero hindi na katulad ng dati. Gusto ko na din na mawala na 'tong nararamdaman ko kay Tayler."sabi n'ya pa.

"May mga pagkakataon talaga na hindi natin kayang kontrolin or pigilan yung nararamdaman natin pero minsan kailangan din natin na pigilan at kontrolin dahil makakasama 'yon ng sobra."sabi ko naman."Sa feelings mo kay Tayler ahm hindi naman sa inaangkin ko si Tayler pero mas maganda nga 'yang naisip mo na mawala na 'yang nararamdaman mo kasi baka mamaya lalong mawala 'yon at mag-away pa tayo ng sobra."tumigil muna ako sandali at medyo napayuko ako."Alam mo, naisip ko din na kausapin si Tayler. Gusto kong magkausap kami para maayos na namin yung relasyon namin. Oo wala na kami pero mahal ko s'ya. Siguro kahit anong gawin n'ya mapapatawad ko pa rin s'ya dahil sa mahal ko s'ya. Alam kong nagmumukha akong tanga at mapusok diba? Pero yun talaga ang gusto ko. Para ngang nagsisisi pa 'ko sa ginawa kong pabe-break kay Tayler."sabi ko pa.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon